Chapter 1:

135 9 2
                                    

Napa ngite ang isang anghel na naka tingin sa lupa mula sa langit.

"Ang ganda talaga sa ibaba."-ani nito.Naramdaman naman niyang may tumabi sa kanaya.Nanonood siya ngayon sa isang fountain kung saan makikita ang kung anong meron sa lupa.

Napa tayo siya dahil sa pag kaka upo dahil meron ang kanyang guro.

"Magandang tanghali,gurong San Pedro."-sabi nito.Ngumite naman sa kanya ang kanyang gurong si San Pedro.

'Nanonood ka nanaman tungkol sa anong nasa lupa."-sabi sa kanya ng kanayang guro na kinayuko at napa kagat labi siya.

"Pasensya na po guro,parang may nang hahatak po kase sa akin mula sa lupa."-sagot namn ng dalagang Annghel sa kanayang guro.

"Mmm"-napa tango tango sa kanya ang kanyang guro.

"Nakikita ko nga."-sabi nito.

"mmm.,,Guro ba't ganun parang may gustong pumunta ako sa lupa?'-takang tanong nito sa kanyang guro.

"Mmm..malalaman mo rin sa takdang panahon."-naka ngiteng turan nito.Napa kamot naman ito sa kanyang batok.

"Sige po guro."-tumango naman sa kanya ang kanyang guro at umalis.

"Hmp.Kaylan ko kaya makikita ang lalaking nasa panaginip ko?"-napa hagikgik siya dahil don.Napa iling nalang siya at pumunta sa silid aralan nila.At mag tuturo muli ang kanilang guro.



SIMULA palang nung bata si Appie ay nanaganip na siyang dapat na hindi mapa ginipan ng isang anghel.

"Appie,wag kang makulit!"-sita ni San Pedro sakanyang studyanteng sa makulit na batang si Appie.Isang Anghel at ang pinaka makulit sa lahat ng mga batang anghel.Takbo lang ito ng takbo at tinatakbuhan nito ang kanyang maestrong si San Pedro.

"Hayy.Ang kulit mo talaga."-Sabi ni San Pedro nung nahuli niya ang batang anghel nasa pitong taong gulang palang at kinilitikiliti ito na paghagikhik naman ang cute at makulit na batang anghel na si Appie.Maririnig mo ang hagikgik ng isang cute na cute na isang tinig sa silid aralan nila.Napatawa't napahagikgik din sila sa nasasaksihan nilanng pagkiliti ni San Pedro kay Appie.

"Sige't umupo na kayo dahil tayo'y magsisimula sa ating pag aaralan."-malambing nitong sabi sa mga batang anghel pagkatapos niyang i-upo ang makulit na si Appie.Mabilis silang nagsi ayos.At kumuha silang lahat ng dahon na kanilang pag uukit na kanilang mga nasa isip at ng kanilang sariling imahinasyon.

Nag tingin tingin at binisita ni San Pedro ang kanilang inukit isa-isa mula sakanilang kinauupuan.

"San Pedro!San Pedro!"-Masayang tawag ni Appie sa kanyang guro. At masaya niya pa itong tinatawag na parang may gusto itong ipakita sa kanyang guro.Napa iling naman ito at lumapit nalang sa batang anghel.Nabigla si San  Pedro sa kanyang nakita sa guhit ni Appie.

"Bakit ganyan ang iyong ginuhit mahal kong Appie?"-nagtataka at gulat na gula't nitong tanong kay Appie.Humagikgik muna ito't sinagot ang tanong ng kanyang guro.

"Kase po,Ito palagi ang napapanaginipan ko.Na balang araw daw ay may matatagpuan akong isang lalaki at mamahalin niya ko't paglaki,hehehe.Maganda po ba?"-Masaya't inosente nitong tanong sa kanyang guro na ngyon ay gulat parin at pagtataka ang nakaguhit sakanyang mukha na para bang di makapaniwala ang kanyang nasaksihan.Dahil ang isang Anghel ay di mamaaring magmahal dahil ang pagmamahal na ibibigay nila'y pantay pantay at di maaring makipagrelasyon ito sa iba kahit pa ito'y kapwa mo anghel.

Pagkatapos ng kanilang klase agad tumungo si San Pedro sa Konseho at sinabi nito ang kanyang nasaksihan sa batang Anghel na si Appie.

"Anong kailangan ng isang magiting tagapaglingkod ng ating panginoon?"-Nakangitng tanong ng isang pinakamataas na konsehal na si Konsehal Pedro.Ang mga nasa taas na konsehal ay walang iba kundi ang doseng disipolo ng ating panginoong na si Hesukristo.Sila ang namamhala sa mga nasahulihang datos ng mga anghel.May ibat ibag kaseng  datos o lebel ang mga anghel.

"Nandito ako't may hatid na balita na ngayun ko lang nasaksihan."-Panimula nito sa mga nakatataas na konsehal.Ang mag konsehal ang mag nangangalaga sa mga Anghel.Kung itoy ikukumpara sa mundo ng mga tao sila ang mga gobyernong nangangalaga't tumutulong sa mga kanilang nasasakupan 'ang mga tao'.

"At ano iyun?"-tanong ni Konsehal Juan.

"May isang batang Anghel na na naiiba sa lahat ng mga Anghel."

Paano mo naman iyan nasasabi?"-tanong ng isang konsehal.

"Siya ay nanaginip ng isang lalaking sinasabing ito'y magmamahal sakanya at sila'y magkakatuluyan."-Mahabang salay say ni San Pedro sa mga konsehal.

Nagulat man ang mga konsehal ngunit mabilis rin silang nakabawi't nagtinginan sa bawat isa bago sumila'y ang kanilang mga ngiti ,sa kanilang mga labi.

"Siya na nga!ang hinihintay natin na tinutukoy ng propesiya!"-magiliw at masayang wika ng mga konsehal na nag guhit ng pagtataka sa mukha ni San Pedro.

"Anong Ibig niyong sabihin?"-nagtataka't nakayo paring tanong ni San Pedro.Ang Propesiyang tinutukoy ng mga konsehal ay ang isang mahiwagang libro na nagbibigay ng mensahe sa magaganap sa hinaharap.Itoy galing kay 'Ama',Itoy kanyang pamamaraan para magbigay ng isang mensahe samga konsehal.

"Ang batang iyong tinutuko'y ay ang tinutuko'y ng propesiya na siyang magiging ganap na taga lupa.

Taga lupa?"-tanong nito sa mga konsehal.

"Oo,Ngunit ano ang kanyang ngalan SanPedro"-Tanong nilang lahat.

"Appie,Appie ang kanyang ngalan,mga konsehal"-ulit nito samga konsehal na nagsitanguan.Biglang tumayo si Juan at inabot ang isang pirasong tinapay at piniraso piraso para iabot ito sa kanyang mga kasama.

"Ang Batang Anghel na si Appie ay mabibigyan ng misyong bumaba sa lupa.Sa takdang panahon ito magsisimula.Siya'y isang Anghel magiging ganap na taga lupa.Isang himala ng Diyos ay nakatakda't ngayun lang nangyari sakasay sayan ng mga anghel dito sa langit,Na siyang simula ng bagong kabanata."


Umalis ng naguguluhan ang guro't tagapagbantay ng lagusan na si San Pedro.Pala isipan parin ito sakanya kung ano ang tinuran ni konsehal Juan at ng iba pa.Ngunit alam nito ito'y nakatakda at mangyayari sa tamang gulang ng kanyang mag aaral,ang pinakakulit sa lahat.Si Appie.Kaylangan nya itong tutulan upang magabayan sa pglaki at magamanan ang kanyang msiyon na pinagkaloob sa kanya ng propesiya.

The Angel For An AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon