TLWCC III- I'm Coward

53 5 0
                                    

Lumabas pa ako ng classroom, to assure that there's no one who can hear what Jack and I talking about. It's our privacy.

"Galing mo talaga, hindi man lang sinabi, hello, Baby?" reklamo niya sa akin sa kabilang linya at natawa na lang ako. If I just can sre his facial expression, I'm sure he's already pouting. "Huy!" Kaagad akong nabalik sa reyalidad ng mag-salita ulit siya.

"Hmm? Ano naman pag-uusapan natin at tumawag ka pa?" Tanong ko dito at narinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Ikaw at ako, tayo. 'Yun ang pag-usapan nating dalawa." Sambit nito at napairap ako.

"Banat mo, bulok." Ani ko dito. "Wala pa ba kayong teacher diyan?" Biglang tanong ko dito, naririnig ko kasi sa kabilang linya na maingay, boses ng mga lalaki.

" Wala pa naman, ikaw huh. Baka kung sino na ang tinititigan mo diyan habang wala ako." Aniya sa malungkot na boses, napataas ang isa kong kilay.

Baka siya pa nga nang-babae sa school nila eh! O baka pati classmate niya!

"May nakita ka bang lalaki ko?" Tanong ko dito, hindi ko maiwasang mapataray sa kawalan dahil sa kaniya.

If I can just see who's the people he's with, sana hindi ako mag-ooverthink na baka may humaharot sa kaniya.

"Nge? Ako unang nagtanong sa'yo." Aniya na parang natatawa pa sa kabilang linya.

Kahit naman kasi kami na, nandito pa rin sa akin ang takot na baka may nagkakagusto sa kaniyang classmate niya. Though he's not that super handsome that needed to be protect with, but then ofcourse, ayaw ko naman makuha siya ng iba.

"Malay ko sa'yo. Baka may babae ka diyan." Ani ko habang nakasimangot na.

"Sus! Selosa ka, huh? Wala akong iba, ikaw lang sapat na. Baka sa'yo, si Kael?" Anito na ikinainis ko bigla.

"Huy! Dinamay mo pa talaga 'yung ibang tao." Singhal ko sa kaniya.

"Hmm, I have to end the call, Baby.  Parating na raw kasi teacher namin." Malambing na sabi nito sa kabilang linya.

"Sige, sige. Bye Finlay Jaxtyn!" Panunukso ko sa kaniya.

He hated calling him by others Finlay Jaxtyn, ngayon ay masanay na siya. Hindi niya in-end ang call kaya ako na ang nag-end. I even heard his classmates maybe teasing him because he is talking with someone over the phone.

Bumalik na ako sa classroom at saka naupo na rin, hindi pa tumatagal ay dumating na rin si Ma'am Olive.

"We're going to talk about The Cell Theory, today." Agap ni Ma'am Olive pakapasok sa classroom.

Bumati naman muna kami ng Good morning sa kaniya. Inayos na muna niya ang powerpoint presentation saka may pinakitang scumbled words na nasa presentation niya.

"Buoin niyo ang words, kapag nabuo niyo, magkakajowa kayo, dali!" Parang bata na anito sa amin.

Naghiyawan tuloy ang nga kaklase namin. Nag-uunahan ang mga kaklase namin sa pag-sagot, habang ako naman ay nakaupo lang. Alangan namang makiagaw pa ako sa kanila,  tatlo lang naman yung phrase na nandoon.

  - LAL LVNIIG TIGNHGS AER CPESOMOD FO ENO RO MREO CLLSE
  - HTE CLLE SI HTE BISAC INTU FO LFEI NI LLA LIIVGN TGNSHI
  - LAA CLLSE CEOM FORM PEERSXIGTNI CLLES

"Hmm, Ms. Trinidad?"

Tawag sa akin ni Ma'am Olive kaya tumingin pa ako sa paligid ko. Baka ako nga talaga ang tinatawag niya. Gad! Kung kelan talaga hindi natin gusto mag-recite saka tayo tatawagin, eh no?

The Lady Who Can't Confess (Book 2)Where stories live. Discover now