Epilogue

254 17 0
                                    



Ang tahimik na gabi ay nabahidan ng mahihinang kaluskos sa paligid. Kasabay ng aking pagdaing sa sakit ay ang isang napakalakas na ungol ng tila nagwawalang aso ang kumawala mula sa kalayuan.

Andyan na sya!
Lalo kong binilisan ang pagtakbo. Dito nakasalalay ang aking buhay.


Naghahalo na ang dumi, pawis at dugo sa aking katawan. Ramdam ko na ang pagod. Hindi ko na kaya.

Unti-unti na'akong nawawalan ng pagasa.

Muli isang malakas na sigaw ang aking narinig. Nakakapangilabot. Nakakatindig balahibo. Para na akong mababaliw sa sobrang kaba. Umaagos na ang butil ng pawis sa aking noo.


Tila isang bangungot ito! Ang aking mga kasama! Patay na sila! Pinatay sila ng demonyo na nasa aking likudan. Wala itong awa.



Kahit pagod man ay lalo ko pang binilasan ang pagtakbo. 'shit andyan na sya!


Ng bigla akong natisod sa sanga na nakausli sa mula sa puno ng malaking kahoy na tumumba. Padapa akong sumubsob sa lupa. Putangina!



Ang paa ko! Diko na ito maigalaw! Lumingon ako sa likod.

Andyan na sya! Papalapit na!


Pinipilit kong tumayo ngunit hindi ko kaya. Nais kong tumakbo ng mabilis ngunit umabot na sa sukdulan ang aking katawan. Napapikit ako ng mariin hinihiling na sana'y isa itong panaginip. Isang napakasamang panaginip. Ngunit sino bang niloko ko? Totoo lahat ito.



Totoo lahat ng aking nararamdaman. Ang takot, sakit, paghihirap. Wala na akong kawala.



Naramdaman ko nalang ang pag-angat ng aking katawan sa ere. Nakuha nya na ako! Napahagulgol na lamang ako dahil ito lang aking kayang gawin. Kahit magpumiglas ay hindi ko magawa.


Napakalaki ng kanyang katawan. Pula ang mga mata nito at nanlilisik. Ng walang ano-anoy kinagat nito ang aking braso at agaran itong naputol.


"H-hayop ka isa kang demonyo! " palahaw ko habang ramdam ko ang kirot na gumagapang sa aking katawan. Napakasakit nito!

Umaalingasaw ang kanyang hininga. Nakakasulasok ang amoy, gusto kong masuka. Rinig ko pa ang mga buto na lumalagatok sa kanyang bibig habang sya'y ngumunguya.


Mawawalan nako ng ulirat sa sakit at pagod na nadarama.


Mariin ako napapikit at napakagat sa aking labi. Paaano nga ba kami humantong sa sitwasyong ito?


Nais lang namin na makilala sa buong mundo. Mali bang hangadin ito? Kung alam ko lang sana na mangyayari ito. Sana hindi na kami tumuloy. Sana hindi sila namatay. Sana kasama pa kami ng mga pamilya namin ngayon.


Pero bakit ganito? Umagos ang mga luha sa'aking mga mata na parang gripo na hindi mapigilan.

Handa na ako.

Tanggap ko ng mamatay ako sa mga kamay ng halimaw na ito.

Muli kong minulat ang aking mga mata at buong tapang na tinugon ang tingin nitong nanlilisik, nakangisi ito at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin at walang anumang tinusok ng mahabang kuko nito malapit sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso!


Idiniin nya ito at unti-unting binaon ang kanyang kamay. Ramdam ko ang sakit at ang dugo na umaagos sa aking katawan.


Walang kapatawaran ang ginawa nito sa'akin!

Ng bigla nalang nagdilim ang lahat.

At sa huling sandali ay narinig ko ang mahabang alulong na kanyang pinakawalan. At tuluyan na akong kinain ng kadiliman.

---





The Hell Mansionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें