KABANATA ISA

236 15 2
                                    




I - Ang Grupo Exodus





     Mula sa aming kinauupuan ay isang malakas na kalabog ang nagpahinto sa aming paguusap. Nanggagaling ito sa ikalawang palapag. Sa itaas ng kwarto.

Narito kami ngayon sa baba. Natahimik ang buong grupo hanggang sa muling kumalabog ang kwarto sa itaas at nasundan pa ng isa! Natataranta na napatayo ang lahat maliban sa akin at kay Angelo na prenteng nakaupo.

"I think, i should check what's happening there" bigla akong tumayo at sinabi ito.

"Mapanganib sa taas Jake, hayaan muna natin at pag-usapan huwag tayong padalos dalos." awat sa'akin ni Hasmin.


"I'll be careful. Geez, lend me the flashlight please."


Tinignan lamang ako ng mga ito at hindi gumalaw sa kanilang mga pwesto. "What's wrong with you people"


"Look Jake, kararating lang natin dito at hindi pa natin alam kung ano ang pasikot-sikot sa bahay na ito. We're just being careful. And remember what Mang Isko said, wag aakyat sa ikalawang palapag dahil mapanganib." sunod na turan ni Matt na katabi ni Kiro.


I sighed. "At naniwala ka naman? Pano natin malulutas ang kaso kung hindi tayo gagalaw. We've been here since yesterday. There's nothing to be worry about." Asar kong sabi at ako na mismo ang kumuha ng flashlight at agad na umakyat sa ikalawang palapag.



Narinig ko pa ang pagtutol ng iba. I just rolled my eyes. Bakit hindi nalang kaya nila ako samahan if they know na mapanganib pala sa taas.


"Let her be. Magtiwala kayo sa kanya kaya nya yan" narinig ko pang pahabol na sabi ni Kiro na tumatawa tawa pa.

'Yeah right


Narito kami ngayon sa bahay ng pamilya Ascenda. Malaki ang bahay at maganda ang loob. Bale dalawang palapag itong bahay nila. May mamahaling kagamitan at mapapansin ang lumang mga bagay na nakalagay sa sala, dingding at buong bahay na nakadagdag ganda sa loob. Samantala sa kanilang kusina ay puro halos kahoy ang makikita. Ang sahig, mesa, lababo, pati upuan ay kahoy na aking pinagtataka. Ngunit hindi ito naging sagabal upang lalong mapaganda ang kabuuan ng kusina.



Umalis na ang mga may-ari ng bahay na nakatira dito. Marahil ay dahil sa kanilang anak na nagpatiwakal (suicide). Masiyahin naman daw ang kanilang anak at walang problema kaya' t nagtataka ang mga magulang nito pati nadin ang mga pulis sa ginawa nitong pagkakamatay. Ngunit paglipas matapos maiburol ang kanilang anak ay dito na nagsimula ang mga kababalaghan na nangyayari sa loob ng bahay. Nariyang may naglalakad lakad daw umano sa silid ng kanilang anak at ang mga kagamitan sa loob ng bahay ay palipat lipat ng mga pwesto. Tinanong nila ang mga kasambahay kung sila ang naglilipat sa mga ito subalit lahat sila ay hindi ang sagot. May mga pagkakataong nakaririnig sila ng tawa at pagiyak sa kwarto ng dalagita. Sinubukan naman daw nilang pabendisyunan ang kanilang bahay subalit hindi natigil ang mga pangyayaring ito.


Kayat yan ang dahilan kung bakit kami naririto ngayon. Ang grupo Exodus.


Kilala ang aming grupo sa buong Pilipinas doing paranormal things. It may sound boastful but wala pang isang mintis at palya kung kami ay may ireresulba. We've been helping and doing this things for a years now.



The Hell MansionWhere stories live. Discover now