KABANATA APAT

135 14 2
                                    

IV - Discovery




Jake



Narito kami ngayon ni Angelo sa labas ng bahay. Na-assign si Kiro at Hasmin sa mga cameras kaya't nasa bahay ang mga ito at nagbabantay sa mga CCTV's na kinabit namin kanina. While Kira and Matt is on the second floor, titignan nila kung may mga makukuha silang ebidensya and will also take photos. We plan to do ghost hunting. Yeah GHOST hunting habang iniimbestigahan namin ang nagyayari sa pamilya Ascenda.



"Kiro are we clear?" narinig kong tanong ni Angelo kay Kiro gamit ang earpiece. Nakatayo ito at hawak ang flashlight sa kamay. Pinasadahan ko ang itsura nito, nakasabit ang digital camera sa leeg nito also there's a small clip na nakasabit sa damit nito na isang audio recorder. Lahat kami ay ganito ang ayos maliban nalang sa dalawa na nagbabantay ng mga cameras.



"Yes, you may proceed wala akong nakikitang kakaiba." rinig ko sa kabilang linya. Tumingin ito sa akin at agad din namang nag-iwas ng tingin. "Okay. "



"Let's go to the backyard, mukhang wala tayong makikita dito." aya nito sa akin at agad na naglakad papunta sa likod na bahagi ng bahay. Sumunod naman ako.



Malamig ang simoy ng hangin ngayon dito sa labas at maririnig ang ingay ng mga kulisap sa paligid. Napahawak ako ng mahigpit sa magkabila kong braso ng biglang umihip ang hangin. Siguro dahil ber months na ngayon at malapit ng magpasko kaya ganto na lamang ang lamig ng hangin. Nasa likudan ako ngayon ni Angelo habang tinatahak ang daan papunta sa likodbahay. Pareho kaming tahimik at walang imik, ito ang dahilan kaya't tutol ako sa pag-grugrupo kanina eh. I pictured this in my mind happening, mapapanis ang laway ko kapag ito ang kasama ko at hindi ako magiging kumportable sa kanyang presensya. Parang wala itong pakialam at malamig ang pakikitungo. He seems so distant.




Ng bigla itong huminto sa paglalakad. Mabuti na lang at may dala akong flashlight at baka mabunggo ko ito dahil sa sobrang dilim ng paligid. Bigla akong napaisip kung nakukuha kaya ng video cam na hawak ko ang lahat ng nangyayari ngayon at ang nasa paligid. Sabagay high tec naman ito kaya't panigurado na kita ito kahit na madilim. Flashlight ang nasa kanan kong kamay at video recorder naman sa kabila.




"Narinig mo ba yun Jake?" tanong nito. Narinig ang alin? Wala naman akong naririnig o baka dahil marami lang akong iniisip kaya hindi ko marinig ang narinig nya.


Oh baka dahil madumi ang tenga ko?HAHAHAHA Magtigil! Seryoso na.



"Wala, a-ano ba yung narin-?" hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng pinutol ito nito "Sshh wag kang maingay" humarap ito sakin at nagpalinga linga sa paligid. Natutop ko ang sariling labi dahil sa inis. Magtanong ba naman tapos patahimikin ako? Sinong matutuwa sa ganoong bagay tsk. Para malibang at mawala ang inis ay aking pinakiramdaman ang paligid.



Naglakad si Angelo ng dahan dahan na agad ko namang sinundan. Nakarating na pala kami sa likod ng bahay. Maraming puno at masukal sa bandang ito. Naglakad lakad pa kami at pansin kong napapalayo na kami sa bahay. Ilang minuto ang lumipas na puro lakad lang ang aming ginagawa.




Ginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Tutok ng flashlight at tingin sabay lilinga ang aking ginagawa ng may naaninag akong isang bagay. Dahil nadin sa tulong ng flashlight ay aking napagtanto kung ano ito. Teka isa itong bahay at hindi bagay!


"Angelo! Tignan mo yun dali! " agad na sabi ko kay Angelo, "Ha? Nasaan ano ba yon? " lapit nito sa aking upang makita ang sinasabi ko. "Ayun oh! Isang bahay" agad kong sabi ng makalapit ito.



"Hindi yan bahay, isa yang bodega" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Ng bigla itong tumakbo papalayo sa akin at tinungo ang daan kung nasaan ang sinasabi nitong bodega. Wala naman akong choice, ayokong maiwan magisa dito ano kaya patakbo din akong sumunod kay angelo. Lumapit ako dito at nakita itong nakatitig sa kabuuan ng bodega.


The Hell MansionWhere stories live. Discover now