1 - Passion

14 1 0
                                    

Inisang lagok niya ang laman ng bottled water na hawak niya. Ramdam na ramdam niya ang pagkauhaw. Halos pangapusan din siya ng hininga kanina, mabuti na lang at tapos na rin siya sa pag-awit ng kantang halos gabi-gabi niya yatang pina-practice magmula nang malaman niyang sasali sa naturang musical play ang kaibigang si Mildred.

"Tell me, Daphne. Why did you audition?" tanong sa kaniya ng producer na si Nathan. Kaklase niya ito noong kolehiyo at dahil na rin sa background ng pamilya nito sa mundo ng entertainment, hindi kataka-takang sa murang edad ay nakapag-produce na ito ng ilang programa. Naroon na napabilang na rin sa isang film festival ang indie film na ito mismo ang naging direktor at producer.

"You know me, Nathan. I'm the type of person who always seek for new experience," aniya at muling uminom. Sinimot niya ang natirang tubig sa hawak na bote. "And besides, musical play is a thrilling one. For sure, matsa-challenge ako rito. At hindi na rin naman ako bago sa mundo ng teatro, walang magiging problema sa pag-arte ko. At kung boses naman ang tatanungin, kayang-kaya ko namang pag-aralan!" may pagyayabang na sabi niya. Naniniwala siyang mapi-perpekto rin niya ang tono at maaabot ang mga notang hinihingi sa bawat eksena. Siya yata si Daphne, walang trabaho na hindi niya ibinigay ang best niya. Palagi niyang nagagawan ng paraan ang mga bagay-bagay at mas nadodoble ang satisfaction niya once she received compliments from her audience. At naniniwala siyang deserve niya ang mga naturang papuri.

"Tama ka, wala namang magiging problema sa boses mo. Maganda ang vocal range mo. Sa tingin ko nga, kaunting oras lang ay maaaral mo talaga iyon. No doubt, hindi mahihirapan ang voice trainer kung sakaling makakapasok ka. Pero, sigurado ka ba talaga sa gusto mong pasukin?" he crossed his arms and seriously met her eyes. She saw some determination in there.

"Well, yes. Hindi naman ako mag-o-audition if in the first place ayaw ko talaga ng trabaho na ito."

"How about the practices? Kaya mo bang i-commit ang sarili mo? Sabi rito sa CV mo, isa kang in house writer sa isang sikat na publishing company sa bansa. Hindi ba makakaapekto iyon? Wala ka bang mako-compromise na trabaho?" anito na sa tingin niya'y sinusubok ang determinasyon niya.

Tama ang sinabi nito. Isa nga siyang manunulat. Bukod sa pag-arte ay habit din niyang paglaruan ang mga salita, manipulahin ang mga ito upang makabuo ng piyesa. Nasa kaparehong kompanya sila nagtatrabaho ni Mildred. Pero mas pinili ng huli na mag-part time lamang dahil na rin sa mga personal nitong dahilan. Lihim din siyang nagdiwang sa naging desisyon nito. Sa kaniya ngayon nakatutok ang mga mata ng mga kasamahan sa trabaho. Siya ang magaling, siya ang pinakamahusay.

"Kayang-kaya kong makatapos ng isang libro sa loob ng ilang araw. Wala akong nakikitang problema. Hindi naman makakaapekto dahil mabilis lang din para sa akin ang magmemorya ng script. Alam mo na, masiyado ko nang kinaibigan ang mga salita kaya madali ko lang silang makakabisa at makakasundo sa utak ko," nakangiting sabi niya. Nakipagsukatan siya ng tingin dito at ganoon na lang ang inis na naramdaman niya ng tila may panunuyang ngitian siya ni Nathan.

Napailing ito bago nagsalita, "Akala ko ay nag-mature ka na. Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago," anito na ikinataas ng kilay niya. "Here," iniabot nito sa kaniya ang isang blangkong papel at isang ballpen.

"Anong gagawin ko rito?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ba't manunulat ka? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa kapag nakakakita ng papel at panulat?"

"Obvious ba? Eh 'di magsusulat," inismiran niya ito. Bakit kailangan pang ipamukha nito sa kaniya ang isang bagay na halata naman?

"Can you write the word passion there?" anito at kung susumain ay para bang iniuutos nito ang sinabi.

Nawiwirduhan man ay sinunod na rin niya ang sinabi nito. Nagsimula na nga siyang magsulat at nang matapos ay iniabot niya ang papel dito. Agad naman iyong kinuha ni Nathan mula sa kaniya at mayamaya pa'y may inilabas itong isang papel na may nakasulat din ng kaparehong salita.

One Shot Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon