7 - Bully

5 0 0
                                    

"Napakapangit mo! Hindi ka na dapat nabuhay sa mundo!" patuloy na panlalait ko sa kaklase naming ubod ng wirdo. Wala yatang araw na hindi siya nakatikim ng panlalait sa amin, lalo na sa akin.

I really hate her for being so studious, for being lonely, and at the same time for tolerating us. It seems like it's fine with her to be bullied every single day of her life.

"Tapos ka na?" tila balewalang tanong niya sa akin. Muli na namang nabuhay ang inis sa sarili ko. Talaga bang wala siyang pakialam kung lait-laitin namin siya?

"Hindi pa. Araw-araw kong ipapaalala sa'yo na ang pangit-pangit mo. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo na pinangangalandakan mo pa 'yang mukha mo? Eh nakakasuka nga!"

Nagdiwang naman ang puso ko nang marinig ko ang sabay-sabay na hiyawan at tawanan ng mga kaklase namin. See? That's what they like. Ito ang klase ng show na hinding-hindi nila pagsasawaan. At sa palabas na ito, ako ang bida.

"Say whatever you want, Ara. But you can't deny the fact that you're weaker than I. Stop being so entitled by being bully. While in the first place, you're the true victim in here," Jia told me straight to my eyes.

Napatigil ako ng bahagya sa sinabi niya. Tapos hindi ko maiwasang maalala na naman 'yung mga panahong ako ang nilalait-lait niya. Siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban na ako. At hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa kaniya. She's the true witch and not me.

Kaagad kong kinuha 'yung gunting na tinago ko sa bag ko, walang anu-ano'y kinabig ko ang buhok niya at ginupit ito. But instead of seeing her cry, she just met my eyes and smile weakly.

"Is this what you really want? To be worse than I?"

One Shot Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon