2 - Classroom

18 0 0
                                    

Magulong ayos na naman ng silid-aralan ang naabutan ko. Nagkukumpulang mga estudyante. Nagkakaingayang grupo sa bandang likuran at hindi magkamayaw na asaran. Tila hindi nila alintana na ako ay dumating na. Hindi man lang nila makuhang masindak o manahimik sa aking presensiya. Wala na nga sigurong mas gugulo pa sa seksiyong ito na hawak ko sa taong ito. Sila na ata ang pinaka-iniiwasang klase ng mga katulad kong guro. Bukod kasi sa sobrang ingay at gulo ng klase nila, masasabi ring sa kanila na rin ata matatagpuan ang mga estudyanteng may mababang marka sa bawat nilang asignatura. Minsan nga napapaisip na lang ang mga kasama ko sa faculty, ano raw bang mayroon sa klaseng ito at kahit na anong pilit na pagsusumikap ng mga ito ay parang wala lang nangyayari? Nariyan na halos linggu-linggong may napapatawag sa kanila sa guidance. Higit lalo every quarter kung saan mino-monitor ang mga grades nila.

"Good morning, class," sa wakas ay sabi ko makalipas ang halos limang minutong pagkakatayo ko sa harap.

Ni wala man lang natinag sa sinabi ko. Wala man lang bumati pabalik. Ngunit imbes na mapikon sa kanila, mas pinairal ko ang pagiging pasensiyosa ko. Ito kasi ang pag-uugaling dapat taglayin ng isang guro, bukod sa kinakailangang maibahagi ng tama ang mga kaalamang sakop ng asignaturang aming itinuturo, kinakailangan din na lawakan namin ang aming pasensiya. And I consider this one as a gift. Sino ba naman kasing iintindi pa sa kanila sa loob ng paaralan kundi kami rin naman 'di ba?

"Justine," tawag ko sa estudyanteng maituturing na pinakamagulo sa kanilang lahat. Kasalukuyan siya ngayong bumabangka sa kanilang grupo at sumasayaw-sayaw pa.

"Oh, yes, Ma'am Xia?" maarteng tono niya. Nagtawanan naman ang kaniyang mga kamag-aral sa ginawa.

"Justine! Bakla ka talaga eh. Pa-english-english ka pa! Hindi bagay!" buyo naman ni Fred. Ang hindi papahuli sa ingay na kamag-aral nila.

"Tse! Pwede ba? Manahimik ka na lang. Am I talking to you?" baling ni Justine kay Fred. Mayamaya ay muling bumalik sa akin ang tingin niya. Sinensyasan ko siyang lumapit sa akin. Nang masabi na sa kaniya ang nais kong ipagawa ay mupo na ako sa aking upuan na nasa tapat ng teacher's table.

"Okay, classmates! Attendance tayo! Abad?" umpisa ni Justine.

"Present!"

"Agoncillo?"

"Ayay, Justine!"

"Avanceño?"

"Nandito!"

Halos inabot ng sampong minuto ang pagtatawag ng pangalan ni Justine. Hindi kasi maiwasang magkaroon ng distruksyon at unnecessary reactions ang mga batang ito. Matapos mag-attendance ay agad na akong nagsalita sa harapan at ipinaliwanag sa kanila ang aming gagawin sa umagang ito.

Magkakaroon kami ng tinatawag na mock exam at walang pagpapalitan ng guro na mangyayari sa buong araw na ito. At dahil sa ako ang kanilang adviser, ako ang naka-assign sa kanila ngayon to facilitate this mock exam.
After I explained and instructed things that we're going to do, sinimulan ko ng i-distribute ang mga photocopy ng exam na ginawa ng kanilang subject teacher.

Mabilis na lumipas ang oras, natapos na rin nilang sagutan ang lahat ng test paper na kanilang sinagutan. Agad ko iyong pinakolekta kay Marvin na kamuntikan na namang mag-cutting sa klase. Mabuti na lang talaga at agad kong nahuli at natunugan ang balak niya. Nagpapaalam ba naman kanina na magpupunta lang ng cr ngunit may nakasukbit naman na bag sa kaniyang balikat.

"Okay, exchange paper."

Sinabi ko na nga ang mga sagot. Napapakamot ng ulo ang karamihan sa tuwing mare-realize nila na mali ang sagot nila. Ang ilan naman ay naiiling at hindi rin maiwasang may mga natatawa pa sa tuwing makikitang mali ang sagot ng kaklaseng may-ari ng papel na tsini-check nila.

Matapos mag-check ng papel, ibinalik na ang mga ito sa may-ari at agad ko namang kinuha ang kanilang score.
Karamihan sa kanila ay tila baga nahihiyang sabihin ang kanilang score. May nakakuha pa nga ng 2 out of 50 items. At ang highest sa kanila? 30 out of 50 items lang naman.

"Okay, class. Thank you for your wonderful performance today," ani ko sa harap matapos makuha ang kanilang scores.

Nagtatakang napatingin sila sa akin. Tila hindi nila maapuhap kung anong ibig kong pakasabihin. Halatang hindi nila mawari kung bakit ko sinabing maganda ang ipinakita nila gayong bukod sa napakagulo na nila, ay napakababa pa ng markang nakuha nila.

"Eh, Ma'am Xia, ano pong wonderful doon? Wala nga po kaming ginawang tama, eh. Ang gulo-gulo namin tapos puro pa kami bagsak," kausap sa akin ni Gia - siya na siguro ang maaaring maituring na pinakamatino sa kanilang lahat. Kahit na pasaway ring tulad ng mga kamag-aral ay napagsasabihan naman ito at kahit paano ay hindi naman talaga nakakakuha ng bagsak na marka. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na score sa lahat.

"Oo nga, Ma'am Xia," sang-ayon ni Dino. Nagtanguan din ang iba pang estudyante. Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"No, class. You've done well today. You're actually doing great," nakangiting sabi ko ulit.

"Ma'am, we don't know if you're delusional or being sarcastic here. But please, can you stop it? You can't fool us," maarteng turan naman ni Cindy. Ang Inglesera nilang kaklase at halata sa pustura ang pagiging kikay.

"No, listen okay? Kaya ko sinasabing maganda ang ipinakita ninyo ngayon ay dahil una, nakinig kayo sa kabila ng pagiging magulo ninyo. Pangalawa, sumunod kayo sa intruction. Pangatlo, ginawa ninyo ang tama dahil kahit na nahihirapan kayong magsagot, walang nagtangka ni isa man sa inyo ang mangopya. Pang-apat, may natutunan kayo. Kahit pa sabihin nating bagsak ang nakuha ninyong marka, ang mahalaga may nakuha kayong tama. Kahit pa sabihing dalawa lang ang nasagot mo, ang mahalaga may natutunan ka. Sa ginawa natin, makikita kaagad ang mga topic na kailangan pa nating pagtuunan ng pansin. Kung alam mong hindi mo nagawa ng tama ang bagay na iyon, gumawa ka ng paraan para maitama iyon. Kung hindi mo alam ang sagot sa 9 plus 7, aralin mo ng sa gayon, sa susunod, maitama mo na ito. Class, alam ko, ang section ninyo ang itinuturing na worst sa lahat ng worst sa paaralang ito, at alam kong aware kayo roon. But that doesn't mean that all throughout your staying here, ganoon at ganoon pa rin kayo. You can actually do something for a change. From being worst to better or let's say best. Hindi ako naniniwala na sadya na kayong ganiyan. Lahat kayo may kakayahan. Halimbawa, si Justine, oo, siya ang pinakamagulo sa lahat but as we can see, there is a potential in him to be a good leader. Who else? Si Gia, hindi man siya maging kasing talino ni Einstein o ng pinakamatalinong estudyante rito sa paaralan, hindi imposibleng sooner or later ay mag-excell siya dahil sa pagsusumikap niya. Si Marvin? Kahit na madalas ang pagditch niya sa klase, nakikita ko ang talinong itinatago niya. Sabihin nalang natin na may dahilan kung bakit siya ganiyan. Same as your situation class, alam ko, lahat kayo may potential to grow and perform more than we expected. All you have to do is to figure it out. You guys, really done well. And I am grateful to be your adviser. At least, nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang mga bagay na ginawa ninyong tama," mahabang paliwanag ko.

Tila naman may anghel na dumaan sa aming silid-aralan. Tahimik lamang silang nakikinig sa sinasabi ko at bago mag-uwian, nagulat na lang ako nang salubungin nila ako.

"Guys, group hug!" ani Justine.

"Yeah! Group hug!" sabay-sabay nilang sabi at nag-uumapaw sa tuwang tinanggap ko ang yakap nila.

Maluha-luha ako habang naririnig ang pasasalamat nila at ang mahigpit nilang yakap. Ito talaga ang bagay na pinakamasarap sa pakiramdam para sa aming mga guro. Ang magkaroon ng klaseng hindi man perpekto, mahihipo mo naman ang kanilang puso na maaaring maging daan para sa kanilang pagbabago.

-
By: xarisagape 💕
09/08/17
2:50am

One Shot Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon