Chapter 2

2.4K 120 31
                                    


My head turned 180° to the left when Tita Carolina’s palm landed on my face. I immediately felt the seering pain on my right cheek. “How dare you disobey me, Alectrona?! Wala ka na bang matinong gagawin?! You will always sneak out! Hindi ka ba talaga nadadala, huh? And what did you do to my daughter?! Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang saktan si April?! You don’t have the rights to land your filthy hands on her skin!” she shouted. Nagpupuyos siya sa galit at alam ko, ilang sandali na lang ay mas sasaktan niya pa ako.

Nakahalukipkip si Iris sa gilid at panay naman ang iyak ni April, nagpapaawa. Si Tito Sandro ay hinahaplos ang likod ng kaniyang asawa.

I kept my mouth shut. I looked at them with blank face but my inside is already burning with rage. Ang kakaunting respeto ko na lang kay Tita Carolina ang pumipigil sa’kin para huwag siyang patulan. Pilit ko pa ring isinisiksik sa utak na may utang na loob pa rin ako sa kanila para lang pakalmahin ang sarili.

Nahihirapan na akong panatiliin ang pag-iisip na ’yon. Ilang salita pa ni Tita Carolina ay pakiramdam ko’y sasabog na ako.

Bigla niyang hinigit ang buhok ko kaya napaigik ako sa sakit at napahawak sa kaniyang kamay. “May ipinagmamalaki ka na ba, Alectrona? Ano? Kinakalaban mo na kami? Kaya mo na ang sarili mo?” gigil na aniya at mas hinigpitan ang kapit sa akin.

A single tear escaped my eyes, but I immediately wiped it. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko dahil masakit na talaga. “Bitawan niyo po ako, Tita,” mahinahon kong sabi kahit na bahagyang nanginginig ang aking labi.

She laughed with mockery. Hinigit niya pa ang buhok ko at inilapit ang kaniyang mukha sa’kin. “Lalaban ka na? Pinapaalala ko lang sa’yo, Alectrona... Third year college ka pa lang.. You still have a year left to graduate. If I were you, I’ll stop provoking my Tita Carolina. She might send you out of this house and make your life even more miserable.” Binitawan niya ako kaya napasubsob ako sa sahig.

“Carolina...tama na yan. Bata pa si Alectrona, naghahanap lang ’yan ng kasiyahan.” I shivered with Tito Sandro’s voice. Pakiramdam ko’y may iba pa siyang ibig sabihin don.

“I don’t care, Sandro! Nakikitira na nga lang siya rito ay gumagawa pa sya ng mga kalokohan! So ungrateful!”

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpagan ang damit. Nakita kong tumahan na si April at matalim na lang ang tingin sakin. Kinapa ko ang pisngi at napabuntong hininga. Nakalmot na nga ako ni April kanina ay sinampal pa ulit ako ng ina niya. Sobrang sakit din ng anit ko.

“Wala ho akong nakikitang masama sa ginagawa ko, Tita. Iris and April can go anywhere, why am I always an exception?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko’t naitanong 'yon.

Mas tumalim ang mata niya. “Are you questioning me now, you ungrateful wench? Matuto kang lumugar sa bahay na ’to. You and my daughters are not the same! Hindi kayo magkakalebel! Huwag mong gayahin sina Iris dahil magkaiba kayo! Itatak mo ’yan sa kukote mo!” Nginisian ako ni Iris pero hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin.

“Aren’t you being unfair, Tita? I’m doing my duties here... I’m studying hard... Why can’t I even do the things that will make me happy? Hindi ako nakakalimot—” I stopped when she slapped me again. Mas lalong nag-alab ang galit ko at tuluyan nang nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Shut up!” Nanggigigil ulit niya akong nilapitan at kinaladkad papunta sa bathroom. Kinabahan ako nang mapagtanto kung ano na namang balak niyang gawin sa’kin.

“Tita! Stop please... please!” Mas lalo akong naiyak nang marating namin ang banyo at pilit niya akong pinaluhod at itinapat sa baldeng puno ng tubig.

“Carolina! Ano ka ba! Tigilan mo na ’yan at pagpahingahin mo na si Alectrona!” rinig kong sabi ni Tito Sandro at pilit na inihihiwalay sa’kin si Tita. Tinabig lang siya nito at muling hinablot ang buhok ko.

Ludic Selcouth #2: This Song Saved My Life Where stories live. Discover now