2

14 1 0
                                    

After 7 years..

Inalagaan ni Ava ng maayos sina Ryde and Wine. Mahilig pahirapan ni The Shadow si Ava dahil hindi naman niya talaga ito mahal at alam ni Ava iyon, alam niya na ginagamit lang ang katawan niya. Tinuruan din sila ng mga tauhan ni The Shadow ng self-defense. At the age of 16, alam na ni Ryde kung paano gumamit ng mga baril. 


Nung napadaan si Ava sa room nila Ryde and Wine, natuwa ito. Alam ni Ava na may potential ang dalawa sa pagsayaw at pagkanta dati pa. Nang makita ni Wine si Ava sa pintuan na nakasandal habang nakangiti, napahinto ito sa pagsasayaw.


"Ava!!" napasigaw si Wine at napatingin naman si Ryde. Nahihiya si Wine dahil hindi pa siya napanood ng ibang tao except si Ryde dahil sila lang naman ang magkasama palagi.


"Oh, bakit ka napahinto? Galing mo kaya" sabi ni Ava. Napangiti si Wine sa sinabi ni Ava. Hindi siya makapaniwala na may nakakaappreciate ng talent niya.


"Pano naman ako" pabirong sinabi ni Ryde. Inasar siya ni Wine. Nagtawanan nalang ang tatlo na turing sa isa't isa ay parang pamilya. 

At doon naalala ni Ava na may importante siya na sasabihin sa dalawa. 


"Ryde, Wine. Makinig kayo ng maigi sa akin" pabulong na sinabi ni Ava. 

"Kailangan niyo tumakas dito sa bahay. Hindi dapat kayo sumusunod sa  mga gawain ng boss at may opportunity kayo na magsimula ulit ng bagong buhay, tutulungan ko kayo" sabi ni Ava. Gusto niya tulungan ang dalawa dahil alam ni Ava na mali ang magpalaki ng mga bata para turuan sila na gumawa ng mga mali at ilegal.


"Huh??" sabi ng dalawa. Nalilito sila kung ano ang gagawin.


"Mag-impake na kayo at mamayang gabi itatakas ko kayo. Wag kayo mag-alala sakin. Kaya ko kausapin ang boss" sabi ni Ava. Pero sa katotohanan, natatakot si Ava at baka kung anong punishment ang ibigay sakanya ng boss. 

"Tutulungan ko kayo maging idols at doon ang simula ng bago niyong buhay" pinaalala ni Ava. Agad naman sila nag-impake ng patago at habang walang dumadaan na tauhan ng boss. 

Para kay The Shadow, importante sina Ryde at Wine dahil sakanila ipapamana ang gang at ang kaniyang mga pera. Hindi niya ito maibibigay ng basta basta sa mga tauhan dahil takot siya at baka ibalewala nalang ito.


At 9pm...


Mabuti na maaga natulog ang boss at makakatakas ang dalawang bata. Ngunit may mga tauhan na paikot ikot sa loob ng bahay. Naisip ni Ava na "iakit" ang tauhan na nakabantay sa backdoor bilang distraction. Nang makalabas na ang dalawang bata, agad naman sumunod si Ava. 


Pumunta sila sa ni-rent ni Ava na lugar na malayo sa underground house. Magsstay muna sila doon ng isang linggo para sa audition. Noon palang, plinano na ni Ava ang lahat, ang pagtakas, ang audition, at ang pagiging idols nila Ryde at Wine. 


Makalipas ng 3 araw...


Maagang dumating ang tatlo sa audition para sa ZRO Ent. Mahaba ang pila ngunit hindi sila nawalan ng tiwala. Nang makapasok sila sa audition room, kinabahan na ang dalawa. Hiwalay sila nag audition at sa kabutihan, natuwa ang mga staffs sakanila. Natuwa ang dalawa kasi they took a risk and nagsucceed sila. In 2 weeks, makakakuha sila ng email to know if nakapasa sila. 


"Hala. Ava, hindi  ka po ba hinahanap ng boss??" nagtaka si Wine. Nagulat si Ava sa sinabi niya. Nakalimutan ni Ava na baka hinahanap na pala siya ng boss at nagtaka bakit hindi siya cinocontact nito.


"Oh bat nalulungkot? Need natin magcelebrate! My treat!" sabi ni Ava. Iniba niya agad ang topic dahil ayaw niya muna malungkot at maiba ang mood dahil lang sa boss. Tumungo naman sila sa isang restaurant at kumain ng dinner.


After 2 weeks...


Gising parin si Ava ng madaling araw dahil binabantayan niya ang mga bata. Napatingin naman ito sa kanyang phone at napansin na hindi parin hinahanap ng boss si Ava at kahina-hinala ito.




1:31am ; jb x seulgiWhere stories live. Discover now