3

9 2 0
                                    

At  8am...


"NAKAPASA KAMI!!" sigaw ni Wine. Hawak niya ang phone niya at tuwang tuwa dahil sa resulta ng kanilang audition. Nagising sina Ryde at Ava dahil dito. Mukhang inaantok pa si Ava dahil late na sya natulog kagabi. Bigla naman napatayo si Ryde.


"TOTOO BA?????" sabi ni Ryde habang papunta kay Wine para tignan ang phone. Napatalon naman sa saya si Ryde. Dahil sa mga pangyayari, hindi na rin makatulog si Ava.


"Congrats!" sabi ni Ava habang nakangiti at halos naiiyak na.


"Lah! Walang iiyak diba" sabi ni Ryde at napatawa niya si Ava dito. Hindi lang makapaniwala si Ava dahil parang noon, anliliit palang nila. Ngayon, matutupad na ang pangarap nila. 

Nag-group hug sila at kumain na ng umagahan na niluto ni Ava. Ikatlong araw na nila sa labas ng bahay ng The Shadow at di parin sila hinahanap nito. May gut feel si Ava na pinapanood sila ng mga tauhan ng boss. 

Habang kumakain ang 3, napatayo si Ava at sumilip sa bintana. Nakita niya may black car sa may gilid ng kalsada at kahina-hinala dahil kaparehas ito ng mga kotse ng boss. Nagulat siya dito at sinara niya agad ang kurtina. Napaupo siya sa lapag at natatakot. Napatingin naman ang dalawang bata.


"Ava!!" sabi ni Ryde. Napatigil sa pag-kain sina Ryde at Wine. Kapansin-pansin na namumutla si Ava dahil sa kaba at takot. Tinulungan ni Ryde si Ava na humiga at magpahinga muna. 


"I-lock niyo ang pinto. Dali!!" sabi ni Ava. Agad ni-lock ni Wine ang pinto at kwinento ni Ava kung ano ang nakita niya. 


Kinabahan sila dahil nahuli na sila ng boss pero napansin nila na hindi sila kinikidnap pabalik sa bahay. At doon, nagkaroon ng idea si Ava. Hindi niya sinabi ang idea sa mga bata dahil ayaw niya sila mag-alala.


Buong araw sila hindi lumabas ng ni-rent nilang lugar dahil alam nila na baka may naka-abang na kikidnap sa kanila. Nang sumilip si Ava sa bintana, napansin niya na wala na ang itim na kotse pero hindi parin gumaan ang loob nito. Alam niya ang mga gawain ng boss, alam niya na may plano ang boss sakanila. 


Kinabukasan...


Nagising sina Ryde dahil napansin nila na tahimik ang bahay. Unang tumayo si Ryde para maghilamos ng mukha. Nung napansin niya na wala si Ava, pumunta siya sa kitchen at baka nandoon si Ava kaso wala siya. Hinanap niya si Ava sa mga kwarto ngunit wala parin. Nataranta siya dahil hindi nila alam ang gagawin at alam nila na pinapanood parin sila ng mga tauhan ng boss. 


Ginising niya si Wine at nalilito parin sa mga pangyayari. Hindi nila alam kung paano na sila lalo na hindi sila familiar sa lugar at baka kidnapin sila. Then may nakita si Ryde na nakatiklop na papel sa dining table.  Katabi nito ang phone ni Ava. Kinuha niya ang papel at binasa:


Ryde & Wine,

I am so sorry kung iniwan ko nalang kayo bigla-bigla. Pag pasensyahan niyo na ako. May naisip  kasi akong plano at yon ang kausapin ang boss tungkol sa pagsunod niya sainyo. Wag kayo mag-alala dahil babalikan ko kayo. Heto iniwan ko ang phone ko. Inalis ko na ang lumang simcard ko at pinalitan ko ng bago para hindi kayo ma-trace ng boss kahit saan. Gamitin niyo yan para kung kailangan niyo ng tulong, tawagan niyo lang ako.

-Ava


Nalungkot ang dalawa dahil sa sinulat ni Ava sakanila. Nalungkot man sila pero may tiwala sila kay Ava na babalik siya. At dahil dito, kailangan matuto ng dalawang bata kung paano maging independent sa ngayon. 


to be continued...


1:31am ; jb x seulgiWhere stories live. Discover now