5

12 1 0
                                    

After a week...


Lumabas na sila Ava, Ryde at Wine at sumakay ng cab papunta sa ZRO Entertainment building para sa unang araw nila as trainees. Since trainees na sila, ang company na ang magpprovide sakanila ng mga dorms kung saan sila titira. Kinakabahan ang dalawa dahil panibagong experience ito sakanila.


Batch 2 sila na trainees dahil 3 araw lamang nagpa-audition ang company.Excited si Ryde makasalamuha ang kapwa dancers and si Wine naman ay excited rin dahil magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan. Ngayon, seryoso sila sa pagiging trainees. Nangako rin sila sa sarili nila na kahit may mga dadaan na pagsubok, sabay nila ito lalagpasan.


Nang makarating na sila sa tapat ng building, napangiti si Wine at naiiyak naman si Ryde dahil sa saya. Hindi parin sila makapaniwala na makakapasok na sila sa building at magttraining. Nagpaalam na si Ava dahil baka ma-late pa sila sa calltime na 8:30am. Strict ang company nila dahil isa ito sa malalaking entertainment companies sa bansa.


Niyakap ni Ava sina Ryde at Wine at sinabihan ng goodluck. Agad na sila pumasok pagkatapos magpaalam. Doon, may nakita sila na staff na may hawak-hawak na sign na nakasulat "Batch 2 ". Dumiretso sila sa at pumila sila dito.


Pagkatapos nila hintayin ang mga natitira sa Batch 2 ay naglakad na sila papunta sa restricted area na kung saan ang mga trainees, idols at staffs lamang ang pwede pumasok gamit ang ID. Nabighani sila lahat sa ganda ng building ng ZRO Entertainment. Hindi maalis sa mukha nila ang ngiti at kasiyahan.


"Ryde ang ganda no! Kinakabahan ako sa magtuturo saatin mamaya baka hindi magustuhan sayaw ko :(" bulong ni Wine habang papunta sila sa locker room. Nahihiya siya dahil sa tingin niya hindi siya magaling sumayaw dahil sa isip niya, ang mga kasama nila ay hindi kinakabahan. Agad naman cinomfort ni Ryde si Wine.


"Ano baaa, lahat tayo dito kinakabahan-" napatigil si Ryde.

"Okay guys, paki-iwan nalang dito mga gamit niyo and it's okay to leave your phones it's safe naman here" sabi ng staff na nag- guide sakanila sa building.

"Don't hesitate to ask me questions. It's normal to be nervous sa inyong first day, lahat naman ng trainees." dinagdag ng staff.

Nakalma na ang kabadong si Wine dahil sa sinabi ng staff. Iniwan na nila ang mga gamit at dumiretso na sila sa dance studio at doon nag orientation about sa rules. Pinaupo sila sa lapag at nagsimula na mag introduce ang speaker ng orientation.


"Good morning trainees!" sabi ng staff. Napangiti ang mga trainees nang ibanggit na official trainees na sila ng company. Napahawak ng kamay sila Wine at Ryde dahil hindi parin sila makapaniwala.


"Andito kayo ngayon because you are all official trainees of ZRO Ent. I would like to introduce first.." sabi ng staff. Lahat sila ay nakikinig ng maigi dahil ayaw nila ma-miss out itong opportunity. Binigyan sila ng schedule nila for today; orientation for rules, dance training, vocal training.


Pagkatapos ng orientation ay dumiretso sila sa canteen ng company. Lahat ng pagkain ay libre para sa first day ng mga trainees. Habang kumakain sila ng lunch, naalala nila si Ava at naisipan nila na tawagan ito.


"Hello Ava?"

"Oh! Wine! Kamusta na dyan?"

"Okay lang! so far orientation palang kami"

"Good! Makinig kayo maigi and behave ha! Malaki na kayo, you know discipline na"

"Sure Ava! Miss you!"

"Miss you too! Bye!"


Pagkatapos ibaba ang call ay 5 minutes before calltime na nila para sa orientation ng dance training at bumalik na sila sa dance studio. Dito, isang choreographer ang nag orient sakanila and pinasayaw din sila ng freestyle to know what their styles are. Tina-take note ng choreographer kung ano-ano ang mga styles ng mga trainees.


After 2 weeks...


Saturday morning at maaga nagising si Wine dahil maaga ang calltime nila for vocal training. Si Ryde naman ay nagising na rin dahil may dance training siya ngayon. Nagluto ng breakfast si Ava and agad tumayo ang dalawa dahil naamoy nila ang mabango na ulam.


Kwinento ni Wine na hiniwalay na ang girls sa boys sa kanilang training. Kwinento rin niya na may mga na-kaibigan na siya sa girls. Si Ryde naman ay mayroon na din mga na-kaibigan. MAs naging comfortable sila sa trainings dahil may mga kaibigan sila na nakakarelate sa mga problema nila.


1:31am ; jb x seulgiWhere stories live. Discover now