8

8 1 0
                                    

Last night na maglalakad at kakain ng street foods sila Ryde at Wine dahil malapit na magdebut si Wine. Kailangan na niya magdiet at sumunod sa rules ng pagiging idols. Umupo muna sila sa park at nagpahinga.


"Hindi ako makapaniwala na magddebut na ako" sabi ni Wine habang nakatingin sa mga bituin at nakangiti. Tahimik ang paligid at dahil doon, binigyan sila ng mood na may late night talks. Nagpatugtog si Ryde ng mga slow mellow songs.


"Ako rin eh... Sobrang saya ko para sayo" sabi ni Ryde. Maliwanag ang buwan at walag kaulap-ulap. Pagtingin ni Ryde kay Wine, kitang-kita ang mga bituin sa kaniyang mga mata. Hindi napigilan ni Ryde na mapangiti dahil dito.

Biglang humiga sa damo si Wine at napa buntong-hininga. Tinignan ni Ryde si Wine at kanina pa siya nakangiti dahil nabighani ito sa kaniyang mga mata. Ngayon lang nakaramdam si Ryde ng ganito. Napansin niya na bumibilis ang tibok ng kaniyang puso nang mag eye contact sila ni Wine. 


Hinila siya ni Wine para humiga rin. Nang humiga si Ryde, napapikit ito habang nakikinig kay Wine na hinu-hum ang kanta na Pagtingin by Ben&Ben. Napa upo si Ryde at biglang pinause ito. Napansin ni Wine ang ginawa ni Ryde.


"Oh! Bat pinause?" tanong ni Wine. Hindi makaharap si Ryde  kay Wine dahil nagbblush siya. Hindi nagsalita si Ryde dahil alam niya mauutal siya.


"Bakit pinause mo? Play mo dali kakantahin ko" sabi ni Wine at bumalik ag tingin niya sa mga bituin. Plinay ni Ryde ang kanta habang nakatalikod ito kay Wine.


Patuloy na hinum ni Wine ang kanta hanggang sa napatayo si Ryde at nagpaalam na mauuna na siya umuwi.

"Mauuna na ako, uwi na ako Wine" sabi ni Ryde habang umiiwas ng tingin.

"Agad agad??" sabi ni Wine.

"Maaga pa kasi ako bukas" sabi ni Ryde habang napapahawak sa kaniyang leeg dahil nahihiya siya. Magsasalita palang si Wine ay naglakad na agad si Ryde papalayo.


Na-weirdohan si Wine at hinayaan nalang si Ryde na umalis. Pagkatapos ng ilang minuto, nabored na si Wine at umuwi na rin. 


Kinabukasan...


Maaga nagising si Wine para hintayin si Ryde sa labas ng dorm room. Inisip niya na sabay nalang sila pumasok ngayon dahil gusto niya tanungin si Ryde bakit ang weird ng kilos niya kagabi. Nang makita niya ang mga roommates ni Ryde, tinanong niya ang mga ito.


"Uhm. Excuse me po? Nandiyan po ba sa loob si Ryde?" tanong ni Wine.

"Ah.. Hindi po. Alam ko maaga siya umalis kanina wala pang araw nun" sabi ng mga 2 male trainees.

"Ah ganun po ba.. Sige po. Thank you" sabi ni Wine. Nagtaka ito dahil tamang oras naman siya gumising para hintayin si Ryde pero maaga siya umalis? Bakit kaya ganon?

Naglakad na papalayo ang 2 male trainees. Umalis na si Wine at nilakad na papunta sa company building.



After lunch na at kasama ni Wine ang mga girl trainees na bestfriends niya. Nang pumila na si Wine sa cafeteria, ngayon niya lang nakita si Ryde. Nandoon si Ryde sa kabilang dulo ng pila, nakabili na ng pagkain. Pinuntahan niya ito at nagulat si Ryde.


"Huy! Bakit di moko sinamahan kaninang umaga? Aga mo umalis" sabi ni Wine.

"Huh? D-diba maaga ga ako aalis?" sabi ni Ryde habang hawak hawak ang tray.

"Lah. Sobrang aga mo naman pala aalis bat di moko sinabihan?" sabi ni Wine.

"Sinabi ko kaya hahaha" sabi ni Ryde at tumawa nalang.


Umupo na sila sa kanilang mga circle of friends sa company at kumain. Triny ni Ryde ang kaniyang best na mag act ng normal kapag kasama si Wine. Mukhang kinaya naman niya ito. Ngayon niya na nalaman na may gusto na pala siya kay Wine. Naweweirdohan si Ryde dahil dati pa sila magkakilala ni Wine at ngayon niya pa ito nagustuhan.



A month before Wine's debut as solo artist...



Malapit na magdebut si Wine at hindi mawala ang kaba sa kaniyang dibdib. Kinakabahan siya dahil mataas ang expectations ng public sa kanya. Paminsan- minsan ay nagkakaroon ng panic attacks si Wine dahil malaking step ito sa kaniyang buhay. 


Buti nalang at nandoon si Ryde para sakanya. Cinocomfort niya si Wine palagi after dance practice. Dahil palagi silang magkasama at sinasabihan na mukhang couple sila dahil sa kanilang friendship, hindi maiwasan ni Ryde na magkagusto kay Wine. Mas seryoso na ngayon si Wine sa kaniyang pagpapractice at madalas pa ito mag-overtime sa gabi. 


At 12am...


Hindi sabay umuwi sila Ryde at Wine dahil sabi ni Wine na baka mag-overtime ito. Nag-alala di Ryde dahil alam niya na sinasagad niya ang sarili niya pagdating sa pagsayaw. 


Nakailang katok si Ryde sa girls dorm, tanong ng tanong kung nakauwi na ba si Wine. Naiirita na ang mga girls dahil hindi sila makatulog dahil dito. Nang malaman ni Ryde na 12am na at umuulan sa labas, hindi siya nag-alinlangan na takbuhin papuntang building. Pinaakyat siya ng guards papuntang dance studio at doon nakita si Wine na nakahiga.


Pumasok siya at dahan dahan binuhat si Wine at kinuha ang mga gamit. Bumaba sila sa lobby at doon nagpatila ng ulan. Mukhang sobrang pagod si Wine dahil hindi siya nagigising sa lakas ng ulan. Nang makatila ang ulan, tinakpan ni Ryde si Wine ng jacket at tinak

1:31am ; jb x seulgiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon