Chapter 3

364 17 2
                                    

Chapter 3

Aleeza's POV

"Saan ka pupunta, Aleeza?" tanong ni Tita nang makitang paalis ako ng bahay.

"Nakapagluto na po ako ng tanghalian," sambit ko sa kaniya. Tinignan niya lang muna ako bago siya nagyosi muli at hindi na ako pinansin.

Ayos lang naman sa Tita ko na umalis ako ng bahay basta malinis na at maayos na ang lahat. Saka mabait ito kapag good mood siya. Binibigyan din ako nito ng allowance kahit na pa hindi rin siya ganoon kayaman. Nakukuha sa mga racket niya.

Nagtungo naman na ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko kapag sabado at linggo.

"Good morning, Aleeza," bati sa akin ng amo ko na si Lolo Federick.

"Magandang umaga po," nakangiti kong bati dito. Simple lang ang coffee shop na ito. I was always here when I started high school. I like their music taste at gustong gusto ko rin ang mga pagkain ni Lolo. Then 3 months ago, I started to work here. Mabait si Lolo Federick kaya tinanggap ako. When I'm here, I always forget everything.

Sa hindi ko malamang dahilan, this place really comfort me. Siguro'y dahil kaunti lang ang taong nagtutungo dito. Hindi kasi kilala at halos matatanda rin ang nandito.

"Oh... good morning, Lola Gigi," nakangiti kong saad.

"You're here na pala, Aleeza," sabi nito at ngumiti.

"What do you like to have po? Coffee or Tea?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. I don't know but it's different when I'm looking in their eyes kaysa sa mga mata n schoolmate ko. Hindi ko alam kung mapride lang ba ako o ano. It's just that I feel like this elders will never judge me. Maybe because they were strangers? Maybe I just remember my grandma to them? I feel good when I'm talking with them, sobrang dami kong natututunan.

Their life when they were young. Experiences. When you choose to understand them, sobrang sarap makipagkwentuhan. Hindi dahil sa nagmamarunong sila kung hindi dahil marunong talaga sila. Sabi nga papunta ka pa lang, pabalik na ang mga ito.

It's different when they taught you with not making you stupid or anything, just a pure good intention.

"Hmm, I already had tea, darling..." sabi niya sa akin.

"I want a book," nakangiti niyang sambit.

"Ito naman kasing si Federick, alam nang mga oldies ang customer pero ang mga libro ay nasa second floor pa rin," sabi ni Lola Gigi.

"Hay nako, Gigi, huwag ka ng nagrereklamo, gustong gusto mo rin naman dito sa shop," natatawang saad ni Lolo habang binababa ang inumin ni Lola.

"Less sugar, Sweetie," sabi ni Lolo Federick.

"Aba't huwag mo akong masweetie sweetie diyan, baka mamaya ay bumaba si Laurisia at multuhin ako," napatawa naman ako ng mahina dahil doon.

Tinanong ko lang ito kung anong libro ang gusto niya. Nagtungo naman na ako sa taas. Kaya rin hanggang ngayon ay pinapaandar pa rin ni Lolo Federick ang shop kahit na pupwede naman na siyang magpahinga dahil nag-eenjoy din itong makipagkwentuhan sa mga elders.

Kinuha ko naman na ang ilang libro na pinapahanap sa akin. Nang bumaba ay napangiti na lang ako nang kumakanta ang mga ito ng "Aubrey". Halos lahat sila'y may alam ng kantang iyon.

Napalingon naman ako sa papasok na binata. Babatiin ko na sana ito kaya lang ay agad akong natigilan nang mapagtanto kung sino.

"Good morning, Sir," bati ko. That's why he was familiar! Bakit ko nga ba nakalimutan ang lalaking madalas magtungo sa taas? Hindi ko naman siya laging nakikita dahil dito ako sa baba kung magserve ng mga drinks.

One Step Towards You (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon