Chapter 25

179 8 0
                                    

Chapter 25


Aleeza's POV

"Parang timang kasi!" sabi ko na inirapan si Sage. Agad niya naman akonh tinawanan at humarang harang pa sa dinadaanan ko para lang pakabahin ako. Kusa na lang akong napairap sa kaniya.

Nalilibang naman ako habang nag-sskate board. Talagang marunong na ako, halos sabado't linggo kaya kami rito. Pakaway-kaway pa ako sa iilang naging kaibigan ni Sage dito. Pinagkunutan ko naman si Sage nang makita kong pabulong-bulong lang ito sa isang gilid, hindi ko siya pinansin at nauna pa akong nagskate board sa kaniya.

"Sage, ayaw mo ba akong turuan sa mga tricks?" tanong ko nang huminto kami para panoorin ang ilang babae at lalaki na siyang patalon-talon na sa ere, hindi ko maiwasang mamangha habang pinapanood ang mga ito, napapalakpak pa ako dahil do'n. Agad namang napasimangot sa akin si Sage.

"Tumigil ka nga, baka mas mapaaga pa akong mamatay," sabi niya na napailing pa. Napanguso naman ako at hindi pa rin naaalis ang mga mata sa mga nakakamanghang sa ilang tricks ng mga ito.

Kusa na lang akong napapangisi habang pinagmamasdan ang mga ito. Nakita ko pa ang isa na talagang pinaakyat pa ang kaniyang skateboard sa railings. Napaawang naman ang mga labi ko roon at tinakpan pa ang aking mukha ngunit nakasilip pa rin dito.

Natawa naman sa akin ang katabi kong si Sage. Nang lingunin ko siya at simangutan ay agad niyang kinurot ang pisngi ko. Hinampas ko naman ang kamay nito at sinamaan siya ng tingin.

"Gusto mo ng tricks tricks pero tignan mo nga 'yang itsura mo," natatawa niyang saad sa akin. Napanguso naman ako dahil do'n.

"Tara," sabi niya at nilahad pa ang kamay sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay at hindi ko 'yon tinanggap. Nagtungo naman kami sa mga nagsskate board.

"Oh? Nandito ka pa rin, Sage?" natatawang tanong no'ng isa.

"Oh? Sino naman 'yan? Nako! Bago nanaman!" Pang-aasar sa kaniya ng ilang mga kaibigan niya.

"Gago!" Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Tinawanan lang naman siya no'n. Hindi ko mapigilang mapailing dahil marami na rin naman kasing naging ex girlfriend itong si Sage kaya hindi na ako magtataka roon.

"Hay nako, Miss, huwag kang magpapaloko rito," natatawang saad ng lalaki at umakbay pa kay Sage. Natatawa naman akong napailing.

"Talagang hindi," natatawa kong saad.

"Ohh..." mapang-asar na saad no'ng lalaki. Naiiling na lang si Sage na siniko ito.

"Tigilan mo ako, Kio, baka gusto mong mabasag 'yang bungo mo," sabi ni Sage sa kaniya. Napatawa naman ang lalaki sa tinuran nito.

"Easy ka lang, ngayon na nga lang kita nakita ulit, 'di mo ba ako namiss?" natatawang tanong nito.

"Hindi," sabi ni Sage at siniko pa ito. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa.

"Pucha!" hindi makapaniwalang saad ni Kio nang mapagtanto kung sino ako.

"Aleeza!" malakas niyang sigaw at niyakap pa ako ng mahigpit. Napatawa naman ako sa kaniya. Agad din siyang humiwalay na parang napapaso. Napakunot naman ang noo ko kay Sage.

"Hindi kita namukhaan! Ang ganda ganda mo na lalo!" natutuwa niyang saad. Kaklase ko si Kio noong last year namin sa elem. Best friend siya ni Sage ngunit umalis ito at nagtungo ng states, hindi ko alam na bumalik na rin pala ito. Namumukhaan ko pa rin ito dahil nakita ko pa lang ito sa balita noong nakaraang araw, ang alam ko'y nagchampion sila overseas. Well, sporty din naman kasi talaga si Kio parehas ni Sage ngunit hilig na talaga ni Kio ang skating noon pa.

"Kaya naman pala mukhang takot na takot si Sage," natatawang saad nito.

"Huwag mong sabihing hanggang ngayon ay crush mo pa rin si Aleeza?" natatawang saad niya ngunit agad ding natigil nang sapakin siya ni Sage, agad din itong gumanti rito. Hindi ko maiwasang mapailing sa kanila, hanggang ngayon ay ganito pa rin ang mga baliw, madalas mag-away ngunit pagkatapos ay dikit na dikit din naman.

"Tangina mo talaga, Kio!" galit na saad ni Sage.

"Oh? Hindi mo pa rin pala alam, Aleeza? Akala ko'y kayo na!" natatawang saad ni Kio na parang wala lang ang galit ni Sage. Medyo nagulat naman ako sa nalaman.

"Crush mo pala ako noon?" natatawa kong tanong kay Sage. Napaubo naman siya doon habang si Kio ay humahagalpak na ng tawa, may sasabihin pa sana si Kio ngunit agad siyang siniko ni Sage.

"Wow, hindi no! Asa!" sabi niya. Napatawa naman ako doon, imposible nga naman 'yon dahil halos araw-araw niya akong inaasar na talaga namang iniiyak ko kada araw. Hindi ko siya gusto noon pa, nakakainis dahil madalas niya akong laitin na talaga namang araw araw ay kinakasama ng loob ko. Kilala nga siya ni Mama bilang salbahe noon. Hanggang sa high school ay ganoon siya. Nakakainis.

"Asa raw, kaya mo nga siya inaasar no'n dahil gusto mo siya! Hindi ka pinapansi—" Hindi na natapos ni Kio ang sasabihin dahil agad siyang nasipa ni Sage. Imbis na mapikon ay natawa lang si Kio sa kaniyang kaibigan.

"Tangina naman, Pre, hanggang ngayon ba naman ay—" Sinamaan na siya ng tingin ni Sage kaya agad itong mapatikom ng bibig.

"Huwag kang magalit, Boss, mananahimik na." Bakas pa rin sa mukha nito ang pang-aasar.

"Baka gusto mong sabihin ko kay Eya ang ginawa mo no'n?" May panghahamon na saad ni Sage. Napatawa naman ako dahil nagbabantaan lang sila ng kung ano.

"Tagal na no'n! Hindi ko naman sinasadyang lagyan ng buble gum ang buhok niya," sabi nito. Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Napatawa naman si Sage nang makita niya ang mukha ko samantalang si Kio naman ay bakas ang pamumutla sa mukha.

"Ikaw 'yong nagdikit ng buble gum sa buhok niya?! Gago ka!" sigaw ko na hindi alam kung dapat ba akong matawa o dapat ba akong magalit sa kaniya.

"Siraulo ka, hanggang ngayon ay hinuhunting pa rin ni Eya ang naglagay ng bubble gum sa buhok niya!" natatawa kong saad sa kaniya. Napatikhim naman si Kio dahil do'n. Hindi alam kung anong irereact. Napatawa naman ako sa kaniya at napailing.

"Ni hindi ka man lang ata naguilty no'ng umiiyak si Eya at kinalbo!" sabi ko na napailing pa sa kaniya.

"Kung alam mo lang! Naninigas na ako sa kinatatayuan ko no'n," sabi niya naman na naiiling tila naalala ang pangyayari noon.

"Anong nanigas lang? Bobo ka, halos mapaihi ka nga sa salawal mo. Sino ba kasing tangang kung saan-saan dinidikit ang buble gum, ang dugyot mo bobo!" sabi ni Sage sa kaniya. Napahagalpak naman tuloy ako ng tawa do'n. Namumula naman na ang mukha ni Kio dahil do'n.

"Bobo, hindi ko naman kasi alam na doon siya mahihiga, ewan ko ba kay Eya kasi, kung saan-saan natutulog," sabi naman ni Kio.

"Wow, sinisi mo pa talaga si Eya, ha?" natatawa kong tanong.

"Kung makikita mo ang mga post niya siguradong hindi mo gugustuhing umuwi sa pinas," patawa-tawa ko pang saad. Naalala ko ang ilang post ni Eya na nagsasabing kung sino raw 'yong naglagay ng buble gum sa buhok niya, tutusukin niya ng lapis.

"Grabe! Tagal na no'n!" sabi niya at napanguso tila nagpipigil ng ngisi.

"Eh ikaw, Al? Alam mo ba kung sino ang naglagay ng pandikit sa project mo?" tanong niya sa akin nang nakangisi. Saka ko naman naalala ang project ko noon na talagang iniyakan ko dahil nagdikit-dikit. Kusa na lang akong tumingin kay Sage na namumutla ang mukha.

Kahit hindi nila sabihin ay sigurado kong itong si Sage ang may pakana ng lahat. Ang mokong na ito ang papansin noong elem pa lang kami.

"Kahit naman hindi ako, ako pa rin ang pinagbibintangan niyan!" nakasimangot na saad ni Sage. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. May gana pa siyang magtampo gayong siya naman talaga ang mahilig gumawa ng mga kalokohan pagdating sa mga gamit o sa akin.

"Hindi ako 'yon! Pucha, hindi mo ako pinansin ng isang linggo dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Kahit naman ganito ako, alam ko naman kahit paano limitasiyon ko," sabi niya pa na napanguso. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"Hindi siya 'yon," natatawang saad ni Kio.

"Si Dexter 'yon dahil nga mas mataas daw ang grades mo sa kaniya. Nasuntok pa nga 'yon ni Sage kaya sila na principal office e," patawa-tawang saad ni Kio. Napaawang naman ang labi ko roon. 'Yon ang dahilan? Akala ko'y talagang basagulero lang ang gago.

"Naalala ko, kada recess maglalagay siya ng pagkain sa table mo tapos may nakasulat na letter doon 'bati na tayo'" humahagalpak na saad ni Kio habang tinitignan si Sage na pulang-pula na ang tenga. Hindi ko naman maiwasang mapanguso nang maalala 'yon. Hindi ko nga talaga siya pinansin no'n dahil naghihimutok ako sa galit.

"Saan pa pala ang punta niyo? Tara breakfast, my treat," sabi niya sa akin.

"Sure! Why not lalo na kung libre mo?" nakangiti kong saad. Naglalakad na kami palabas nang pumagitna si Sage. Kio chuckled.

"Tangina, hanggang ngayon ba naman ay—" Hindi na natapos ni Kio ang sasabihin dahil nagharutan na sila ni Sage. Napailing na lang ako at hinayaan ang mga ito.

Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang patungo sa isang resto. Natatawa na lang ako sa dami nilang kwento noong elem kami. Kung hindi ko pa nasabi, nagkakilala ang Mommy at Daddy ni Zea at Sage sa school. Nalove at first sight daw si Tito. Sus! Kung alam ko lang ay nagkadevelop-an sila dahil sa mga pagames no'n.

"What about you, Kio? Kumusta ka na? Balita ko ang dami mo na raw fans?" tanong ko sabay sulyap kay Kio. Natawa naman siya sa tinuran ko.

"Wala man, siguro'y kapag nakikita lang ako ng mga ito, syempre nakita sa tv," sabi niya na napatawa ng mahina. Napatingin naman ako nang may mga kumakaway at nakikipag-up here sa kanila dito.

"Wala ka ng balak mag-aral?" tanong ko sa kaniya.

"Nag-aaral ako, kaya ko naman pagsabayin kahit paano," sabi niya naman at tumawa pa. Napatango naman ako doon.

"Sana lahat, hindi ba, Sage?" tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.

"Naniwala ka naman diyan sa tangang 'yan," sabi ni Sage at napailing pa sa patawa-tawang si Kio. Napailing na lang ako.

Maya-maya ay nakarating na kami sa resto. Katulad nga ng sabi ni Kio, siya na ang nanlibre sa amin. Wala talagang awkward moments sa kanila kahit na ang tagal ng hindi nagkita ng mga ito. Hindi rin naman nila ako hinahayaang maop, sinasali pa rin naman ako sa usapan.

"Oh... I have to go now. Someone texted me. Pasensiya na! Next time ulit! Text text tayo, Aleeza. Date muna kayo!" patawa-tawa niyang sambit at binuhat ang skate board niya habang pakaway-kaway pa sa amin. Napangiti na lang akong kumaway din pabalik sa kaniya.

Naiwan naman kaming dalawa ni Sage. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay nang makita ang titig ko sa kaniya.

"I'm sorry kung pinagbintangan kita noon," sabi ko at napanguso. Ang frustrating kaya sa feeling kapag napagbibintangan ka sa bagay na hindi mo naman ginawa. Pinitik niya naman ang noo ko.

"Ang tagal na no'n!" sabi niya at napailing pang natatawa. Hindi ko naman tuloy mapigilang mapanguso dahil do'n.

Nagpatuloy na rin naman kami sa pagkain. Nagkukwentuhan lang din kami ng kung ano, hanggang sa napagpasiyahan na rin naming umalis. Naglakad pa ulit kami dahil nandoon ang motor niya.

Lulan-lulan ng motor niya habang pauwi. Nililibang ko lang ang sarili sa ganda ng paligid. Hindi na rin nawala ang ngiti sa aking mga labi.

Agad na nawala 'yon ng makarating kami sa kanto patungo sa bahay. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Clover na naghihintay lang sa may gilid, pangiti-ngiti lang ito sa ilang kapit bahay namin ngunit hindi maitatangging ang mga mata niya'y mukhang pagod na kakahintay.

Agad siyang napatuwid ng tayo nang makita ako. Napalingon pa siya sa likuran ko nang makita si Sage na pinagtaasan lang siya ng kilay. Tinignan ko ulit si Clover, hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko siyang ngumiti at tipid na kumaway.

One Step Towards You (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon