Chapter 32

195 7 0
                                    

Chapter 32


Aleeza's POV

"Good morning, Bliss," nakangiting saad sa akin ni Clover. Agad naman akong nagulat sa presensiya niya.

"Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong. Ang aga-aga'y nandito na siya!

"Wala, maglalakad lang papasok," sabi niya at ngumiti. Napanguso naman ako dahil do'n.

"You're not busy anymore?" tanong ko when the truth is lagi naman siyang nandito kahit busy pa siya.

"Hindi na, wala naman ng pagkakaabalahan ngayon," sambit niya at napakibit ng balikat.

"It's very tiring ba being a student council?" tanong ko sa kaniya.

"It's worth it tho... protecting those powerless..."

Nagkwentuhan lang kami habang papasok sa school. Ni hindi ko na nga namalayan ma nandito na kami sa third floor kung hindi ko lang nakita ang kaklase ko.

"Hala, hanggang dito ba naman?" natatawa kong tanong.

"Sige na! Bye!" sabi ko at tinulak siya, tinignan niya lang ako at nginitian. Hindi ko naman maiwasang mapangiti na lang din dahil nakakahawa naman kasi talaga ang dimple nito.

It's been a tiring day for me, ni hindi rin ako makauwi agad dahil cleaners pa ako. Ni hindi na rin ako nakaangal ng lahat sila'y umalis na. Ganoon talaga ang mga tao, kapag nasasanay sa isang bagay, kahit na mali, ipagpapatuloy pa rin. Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang ilang upuan.

Agad ko namang nakita si Clover na nakasandal sa may pinto.

"Hey... huwag mo na kaya akong hintayin? Baka matagalan nanaman," sabi ko at napanguso.

"It's fine, para namang hindi pa ako nasanay," natatawa niyang saad at lumapit sa akin.

"Bakit ba kasi ikaw lang lagi ang naglilinis?" supladong tanong niya. Napanguso naman ako doon at nagkibit ng balikat.

"Hayaan mo na, nandito na rin naman," sabi ko. Wala na akong magagawa, alangan naman magwala pa ako gayong wala na sila dito sa classroom.

"Amin na nga 'yan," sabi niya at kinuha ang pamunas ng black board sa akin. Hinayaan ko naman na siya. Kinuha ko na lang ang walis at nagsimulang linisin ang ilang parte ng room.

Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you

Agad naman akong napatingin sa gawi niya ng marinig ang tumutugtog. Napaawang naman ang labi ko ng makita ang vintage na music box. Nang lingunin ko siya'y nagkibit lang ito ng balikat. Sinabayan pa niya ang awitin habang nakangiti sa akin. Napatawa na lang ako dahil do'n at napapailing na nagpatuloy sa pagwawalis.

Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you

Nilingon ko ulit siya nang papalapit na ng papalapit ang tinig niya sa akin. Napatawa naman ako ng malakas ng maglahad ito ng kamay. Pinaningkitan ko siya ng mata at napapailing habanv tinitignan ito.

"May I have this dance, Miss?" natatawa niyang tanong. Natatawa ko naman 'tong hinawakan. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa harap, mas malapit sa music box.

On the day that you were born the angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue

Nakatingin ito sa mga mata ko habang nagsasayaw kami dito sa harap ng walang taong classroom. Hindi ko maiwasang mangiti habang kaharap ito.

"Tusukin ko 'yang dimple mo e!" natatawa kong saad ngunit nakangiti pa rin siya habang kumakanta, pailing iling sa akin.

That is why all the boys in town
Follow you all around
Just like me, they long to be
Close to you

"Bliss..." mahinang bulong niya. Nakahawak ang kamay sa baywang ko, ang mga mata'y nananatili sa akin.

"Hmm?" tanong ko na hindi rin maalis ang mga mata sa itim na mga mata nito.

On the day that you were born the angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue

"I like you..." marahang sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ilang minuto bago nagproseso sa utak ko ang sinabi niya. Napatulala lang ako sandali dito habang nanlalaki ang mata.

He likes me? Seryoso ba 'yan?! Natataranta naman akong napabitaw sa kaniya at marahang tinulak ito ng mahina.

"I'm sorry! Magsasaing pa ako!" sabi ko na natatarantang kumalas at hinanap ang bag ko.

That is why all the boys in town
Follow you all around
Just like me, they long to be
Close to you

Parang tanga pa ang tugtog dahil patuloy pa rin ito sa pagkanta.

Just like me, they long to be
Close to you

He was just there looking at me. Hinayaan niya akong tumakbo at umalis sa classroom. Nang makarating sa bahay ay ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso dahil sa pagtakbo.

"Anong problema mo, Aleeza? Hingal na hingal?" natatawa tanong ni Tita sa akin. Ni hindi na ako makausap ng maayos simula noong gabing 'yon. Ni hindi nga ako nakatulog dahil paulit ulit na nagrerewind ang pag-amin nito. Ano bang malay mo kung gusto ka nito bilang isang kaibigan, Aleeza? Takbo ka kasi ng takbo.

Sa sumunod na araw ay sobrang aga kong pumasok para lang iwasan siya. Ni hindi nga ako nagrecess at kumain sa cafeteria para lang hindi ito makasalubong ng landas.

Nang sumapit ang hapon ay agad akong nagpresinta sa guro na dalhin ang kaniyang mga libro sa library. Nagtataka pa ang ilan kong kaklase dahil hindi nila ako pinilit ngayon para lang ihatid ang mga libro.

Nanatili ako doon at hindi pa lumabas ng mag-uwian na. Marami pa namang tao sa library dahil dinadagsa naman ito kapag nag-uuwian na. Nagtungo ako sa pinakadulo para lang manahimik kaya lang ay hindi ko na rin namalayan pa na nakatulog na rin pala ako.

Nagising na lang ako sa marahang tapik sa akin.

"Miss, umuwi ka na gabi na," sabi sa akin ng librarian na mukhang kakakita lang sa akin.

"Isasara na namin itong library, baka mamaya ay masaraduhan ka," sabi niya sa akin.

"Pasensiya na po," natataranta kong saad at napakamot sa ulo. No'ng sabihin ng librarian na gabi na, hindi nga talaga ito nagbibiro dahil nakikita ko na ang mga bituin sa kalangitan. Tsk. Siguro naman ay wala na si Clover dito, hindi ba?

Palakad na ako patungo sa main gate nang makita ko siyang nakasandal doon. Hala! Impossible 'yon! Mas lalo ko pang napagtanto na siya nga nang makita ko ang bag niya. Huwag mong sabihing hinintay niya ako? Napakamot ako sa batok at napaiwas na lang ng daan, tutungo na lang ako sa likod na gate.

Habang naglalakad ay napatingin naman ako sa field, medyo maliwanag dito. Napakunot ang noo ko nang makita si Sage na siyang nakahiga sa may damuhan, gamit gamit niyang pangunan ang kaniyang bag. Ano namang ginagawa ng mokong na ito dito? Feel na feel pa ang paghiga.

Napailing na lang ako at lalagpasan na sana siya ngunit agad itong tumawag kaya pinagkunutan ko siya ng noo at pinagtaasan ng kilay.

"What are you still doing here?" tanong niya sa akin. Umupo siya sa pagkakahiga.

"Paki mo?" tanong ko naman kaya tinawanan niya ako.

"Sungit!" natatawang saad niya kaya inirapan ko siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Bakit ba nandito ka pa? Akala ko'y umuwi ka na kanina pa?" nagtatakang tanong niya na hinila ako. Napasimangot naman akong naupo sa tapat niya.

"Wala, nakatulog ako sa library," sabi ko na napakibit ng balikat.

"Ayy, naglilibrary ka pala? Nag-aaral ka?" Mas lalo akong napasimangot nang nagkunwari pa itong nagulat. Sinamaan ko naman siya ng tingin at inirapan.

"Dito ka muna, hatid na lang kita," sambit niya na tinapik pa ang damo.

"Sus, anong alam mo kung iniihian pala 'yan ng aso?" tanong ko ngunit naupo rin naman dahil wala naman akong gagawin at isa pa, ayos lang naman siguro ito ng matakasan ko na ng tuluyan si Clover.

"Ikaw? Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kaniya.

"Uyy, interesedo ka na sa akin, crush mo na ba ako?" natatawang tanong niya kaya nginiwian ko siya at napairap na lang. Natawa naman ito sa naging reaksiyon ko.

"Kakatapos lang ng training," sabi niya kaya napakibit ako ng balikat at tumango. May isang tournament pa kasi silang lalabanan ngayong taon, para na rin sa mga senior na aalis na sa susunod na taon.

"Teka, order tayong pagkain," sabi niya habang nangangalikot sa kaniyang cellphone, hinayaan ko naman siya, gagabihin ngayon si Tita kaya wala rin naman akong kasama magdinner kaya hinayaan ko siya. Agad naman akong napanguso nang maalalang baka magdala nanaman si Clover ng pagkain pero hindi rin naman siguro dahil nasa tapat pa siya ng gate kanina.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingala sa kalangitan. Nawala naman ako sa iniisip ko nang kausapin ako ni Sage tungkol sa kung ano.

"Teka, pupwede ba tayo rito? Sure ka?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede 'yan," natatawa niyang saad kaya nagkibit na lang ako ng balikat.

Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga inorder niya, nanlaki naman ang mga mata ko dahil sunod-sunod 'yon.

"Wow, parang baboy ang kakain, ha?" tanong ko na napailing sa kaniya. Paano ba naman kasi'y dalawang box ng pizza ang inorder niya at nag-order pa sa ibang fastfood chain ng bucket na pang animan.

"Ayos lang 'yan, para naman tumaba ka," natatawang pang-aasar niya. Iritado ko naman siyang tinignan ngunit natawa lang ito sa akin, napairap na lang ako.

"Here," sabi niya at susubuan pa ako.

"May kamay ako!" turan ko na nginiwian siya. Napatawa naman siya doon.

"Alam ko!" saad niya na sinubo pa rin 'yon sa akin. Napairap na lang ako dahil halos mabulunan ako. Wala talagang kagentle gentle sa katawan ang mokong na 'to. Natatawa naman niyang inabot ang inumin sa akin.

"Pucha, lahat talaga ng ayaw mo sa akin mo nilalagay? Nakakabadtrip ka!" inis kong sambit. 'Yon ang pinakaayaw ko sa kaniya. Ang hilig dagdagan ang kinakain ko. Kung ayaw niya, ilapag niya lang sa pinggan niya, hindi 'yong nilalagay pa sa akin. Napanguso naman siya at hindi umimik.

Maya-maya lang ay nagtatawanan na rin naman kami dahil sa mga naalalang katatawanan noong bata kami.

"As if naman! Ikaw nga, umiyak ka no'ng graduation tapos ngayon hindi mo na rin naman pinapansin ang mga kaklase natin no'ng grade 6," sabi niya na natatawa. Napanguso naman ako doon, may paiyak iyak pa kaming nalalaman kalaunan ay kakalimutan din naman pala ang isa't isa.

"Ikaw nga, last day na nga ng klase nakipagsuntukan ka pa!" sabi ko na napailing. Napaisip naman siya doon at maya-maya'y bahagyang nainis.

"Well, they were telling something that's not really nice about you," sabi niya na napailing pa. Agad ko naman siyang pinagtaasan ng kilay.

"At ikaw hindi?" tanong ko sa kaniya.

"Hmm..." sabi niya at nagkibit ng balikat. Magsasalita pa sana siya ng may biglang pumito.

"Gago ka! Sabi mo pupwede tayo rito!" natataranta kong sigaw sa kaniya. Natatawa niya lang akong hinila patayo at tinakbo ang dalawang burger.

"Manong! Sa Inyo na po 'yan! Hindi pa naman nagagalaw 'yang isang box ng pizza!" malakas niyang sigaw habang hinihila ako.

"Pucha..." mahinang bulong ko habang hinihingal. Kakakain ko, shet! Nakakainis!

"Kaimis ka talaga!" malakas kong sigaw kay Sage habang tumatakbo pa rin kami palabas. Ang mokong ay parang sanay na sanay na habang tumatakbo, gusto ko itong sapakin sa inis ngunit tinawanan niya lang ako.

Maya-maya ay nakalabas na kami ng school. Parehas kaming hinihingal dahil sa ginawng pagtakbo.

"Baliw ka," sabi ko na naiiling sa kaniya.

"Yeah, sa'yo," sabi niya at ngumiti pa.

"Gusto kita, Lee..." sambit niya sa kalagitnaan ng paghingal. Para akong tuluyang nawalan ng hininga dahil sa narinig. Agad kumunot ang noo ko sa kaniya. Nanatili naman ang ngiti sa mga labi niya, tusukin ko ang singkit na mga mata nito e!

"Teka! May lalabhan pa pala ako!" malakas kong sigaw at tinulak siya palayo sa akin.

One Step Towards You (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon