Chapter 14

227 11 1
                                    

Chapter 14


Aleeza's POV

Kusa na lang akong napangisi nang magpatugtog si Clover. Ang mga tugtugan niya'y alam na alam ko. I was just smiling the whole time habang nakatingin sa may salamin. Sinasabayan niya pa ang kanta na mas lalo ko pang ikinatuwa.

Namamaos ang tinig nito at talaga namang magandang pakinggan sa mga old song na kanta. Natapos niya ang kantang 'leaving on the jet plane' bago kami bumaba dahil nandito na sa pupuntahan namin.

Pinagbuksan ako nito nang pintuan at simpleng nginitian nang makita niya akong nakatingin sa kaniya. Kusa naman kumunot ang noo ko nang mapatingin sa paligid. Tinignan ko siya nang nagtataka ngunit ngumiti lang siya at sinenyasan na akong pumasok.

Hindi ko naman maiwasang mapajunot ang noo lalo na't nang marinig ko ang ilang ingay mula sa loob, mayroong mga nagtatawanan, kwentuhan at kung ano pa. Lumamang ang pagiging kuryoso ko habang papasok kami.

Agad akong nahinto sa may pintuan nang makita ko ang ilang matanda, mga teenagers at kung sino pa habang naghuhulma nang kung ano. Napalingon ulit ako kay Clover.

"I saw your journal last time," sabi niya at tinuro ang notebook na hindi ko binibitawan.

"I saw the title of your journal, finding happiness. Well, I just want to help you find what you really love and what will make you happy," sabi niya at tipid akong nginitian. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Ayaw kong may nangingialam sa desisyon ko sa buhay but with him? He's an exemption.

"Uh... thanks?" hindi ko mapigilang sambitin.

"Don't thank me yet, hindi pa naman tayo nagsisimula," natatawang saad niya. I was just looking at him, I'm really thankful kahit na hindi pa naman ako nagsisimula.

"Mr. Silvano?" tanong nang isang babae, mukhang isa sa mga nagtuturo dito sa studio.

"Good afternoon, Ms. Texon?" hindi siguradong bati nito.

"Ahh yes po, ako po 'yong kausap niyo," nakangiting saad no'ng babae.

"Tuloy po kayo, Sir," sabi niya at nginitian din ako. Tipid naman akong ngumiti dahil hindi ko alam kung paano ko gagantihan ang kabutihang pinakikita nito.

Pinatuloy naman nila kami. Binati kami nang-ilang taong nandito at pakaway kaway pa ang iba.

"Some of them are also finding out what their purpose is," mahinang saad sa akin ni Clover.

"Paano mo nalaman? Madalas ka ba dito?" tanong ko sa kaniya.

"Hmm, nagpunta ako dito nitong nakaraan, I just want to see kung pupwede ba kitang dalhin," sabi niya ag nginitian ako. Ito nanaman ang dimple niyang hindi nawawala kahit simpleng ngiti lang niya. Patango-tango lang ako habang ginagala ang aking mga mata.

I saw some of them na nakafocus lang sa kani-kanilang hinuhulma, may nakita akong halos mahihirap ang ginagawa ngunit karamihan ay basic lang naman ang hinuhulma, pinapanood ko lang sila habang tinuturuan ng ilang gumagabay sa kanila dito. I think they call it ceramic art, hindi ko alam kung ito ba iyon. Hindi ako sigurado.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makakita nang isang matanda na libang na libang sa kaniyang ginagawa, she was just smiling while looking at her piece. Kahit ata'y pagmasdan ko lang ang mga ito'y naaliw na ako.

"Dito tayo." Kuha ni Clover nang atensiyon ko. Tumango naman ako at tahimik na pumwesto sa isang gilid. Mayroon nang ilang bumati sa kaniya tila namukhaan siya. Ngumiti si Clover at binati ang mga ito pabalik.

Maya-maya lang ay may lumapit na sa amin at tinuruan kami ng kung ano. Patango tango lang naman kami ni Clover habang nakatingin sa nagtuturo. Kahit wala naman akong alam tungkol dito, hindi ko pa ring mapigilang maexcite sa bagay na gagawin ko ngayong araw. Patango tango lang ako at hindi maiwasang mapangiti, napatingin naman sa akin si Clover. I just smile at him.

Maya-maya ay sinubukan ko naman na ang mga tinuturo sa akin no'ng instructor. Ganoon din naman si Clover na katabi ko. He was really a fast learner. Pinggan pa lang naman ang gagawin namin ngunit hindi pala ito ganoon kadali, kapag pinapanood mo'y parang ang dali dali ng ginagawa nila ngunit hindi ko akalain na ang hirap din pala nito.

Ang katabi ko namang si Clover ay nagagawa pa rin akong kausapin habang seryoso rin naman sa kaniyang ginagawa.

"I'll just talk to the owner of the studio, Bliss. I'll be back," sabi sa akin ni Clover. Tinignan ko lang siya sandali bago tumango.

Abalang-abala ako sa ginagawa, mayroon pa rin namang nagtuturo sa akin sa gagawin dahil hindi ko naman din ito gamay.

Napalingon naman ako sa isang matanda na siyang lumapit sa akin, siya 'yong matanda na nakangiti habang naghuhulma.

"Apo, ang ganda ganda mo na, ang laki laki mo na," nakangiti niyang saad sa akin. Napakurap-kurap naman ako sa kaniya. Napatigil pa ako dahil bigla niya na lang inabot sa akin ang isang maliit na tasa.

"Ito, Apo oh, ginawa para sa'yo 'yan ng lola," sabi niya pa sa akin.

"Lola, hindi po 'yan si Frida," sabi ng ilang nagtuturo sa kaniya.

"Ano? Siya 'yan! Siya ang apo ko!" Napatayo naman ako at dadaluhan na sana ito ngunit nginitian lang ako ng ilan.

"Huwag ka ng mag-alala, Miss. Kakalma rin si Lola. Pasensiya ka na, ha? Matagal na kasing wala ang apo niya, 'yon ang lagi niyang kasama noon na nagtutungo dito," sabi nang babaeng nagtuturo sa akin at malungkot na ngumiti. Maski ako'y nakaramdam ng kalungkutan dahil sa sinabi niya.

I just know how much it hurt to lost someone you really love. Naiintindihan ko si Lola sa parteng iyon.

"It's okay," turan ko na napangiti na lang din nang malungkot.

"I'm Sharmaine nga pala," sabi niya.

"Aleeza," saad ko at ngumiti ulit ng tipid. Nagpatuloy naman na ako sa ginagawa at siya ring balik ni Clover sa tabi ko. I was busy with my work at maya-maya ay napatingin naman ako nang bumalik ulit ang matanda kanina. Nginitian ko lang naman siya.

"Pasensiya ka na kanina, Hija," sabi niya sa akin, I can't help but smile when she sitted in front of me.

"Sa'yo na ito, maganda iyan," saad niya pa. Hindi ko naman maiwasang magulat doon.

"Salamat po," sabi ko at ngumiti.

"Ang ganda mo, Hija," turan niya sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko, pinamulahan pa ako ng mukha dahil sa pagpuri nito. Nilingon ko naman si Clover nang matawa siya nang mahina, sinamaan ko siya ng tingin kaya pinagtaasan niya ako ng kilay at malapad na nginitian.

"Thank you po," sambit ko na lang habang nagpapatuloy pa rin sa paghuhulma.

"Alam mo ba? Ang apo kong si Frida, mahilig talaga sa ganitong gawain 'yon, mabait na bata, bahay o kaya dito lang siya palagi, hindi mahilig iyon sa pagpaparty kaya siguro maagang kinuha sa akin," malungkot na saad ni Lola. Maski tuloy ako, hindi maiwasang malungkot sa sinabi niya.

"Ngunit wala akong magagawa, 'yon ang kagustuhan ng panginoon," sabi pa niya at ngumiti. I was just listening to her the whole time na nagkukwento siya, paminsan minsan ay nagsasalita ngunit kadalasan ay hindi ko alam kung anong sasabihin.

Kinukwento nito kung gaano kabait na apo ang apo niyang nagngangalang Frida, kita ko ang saya habang binabanggit niya pa lang ang pangalan ng kaniyanh apo.

"Wala atang maganda sa langit kaya maagang kinuha, kung ako na lang sana edi sana'y mas pangmodelo pa," sabi niya kaya napatawa ako sa tinuran nito.

"Lola naman." Napalakas pa ang tawa ko dahil sa kaniya. I was enjoying the whole time talking to her at kalaunan ay nadagdagan pa iyon ng ilan. Nakikitawa lang naman si Clover sa tabi ko.

"Ipakilala mo 'yang asawa mong 'yan, Sheena, ako mismo ang mag-aalis sa anit no'n," sabi ni Ate Sharmaine. Napailing na lang ako dahil isa siya sa pinakamaingay sa mga volunteers na nandito. Ang workspace pala na ito'y hindi talaga sa kanila, nirerentahan ito at karamihan sa mga nagtatrabaho'y volunteers lang.

"Hay nako, wala na akong pakialam doon no! Magsama sila ng kabit niya," sabi ni Ate Sheena at napailing pa.

"Ikaw, Clover, subukan mong paiyakin si Aleeza, nako! Puputulin talaga namin 'yan!" sabay na saad ni Ate Sheena at Ate Sharmaine. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o dapat bang mahiya na lang dahil dito. Pinamulahan ako nang mukha dahil hindi naman kami ni Clover.

Clover just chuckled with their jokes. Magsasalita na sana ako ngunit si Clover ang unang nagsalita.

"Hindi po mangyayari 'yan," natatawa niyang saad. Kasi hindi naman po kami.

It was really enjoying talking to them na hindi ko na namalayan ang oras, parang kumurap lang ako at maggagabi na agad. Napanguso ako dahil sobrang bitin, dapat pala'y binilisan ko na ang pagkilos noong una pa lang. Kapag talaga nalilibang ka'y kaybilis ng orasan.

"Babalik ba ulit kayo?" tanong nila sa amin nang paalis na kami.

"Ask Aleeza po. Babalik ba tayo?" tanong niya at ngumiti pa sa akin na tila ba sinasabing wala akong choice kung hindi ang bumalik. Kahit may choice pa ako, pipiliin ko pa rin ang bumalik dito.

"Oo naman po, saka hindi pa po tapos ang ginagawa namin," sabi ko at tinuro pa ang hindi namin natapos dahil sa pakikipagchismisan.

"Aba, dapat lang!"cnatatawang nang ilan. Napangiti na lang akong kumaway sa kanila habang pasakay sa kotse ni Clover. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko kahit na nakasakay na kami sa loob. Binuksan lang ni Clover ang hood ng sasakyan niya at hinayaan akong magpaalam sa mga bagong kaibigan.

Hindi naman pala required na pupwede ka lang makipagkaibigan sa mga kaedad mo.

"Did you enjoy?" tanong sa akin ni Clover nang makaalis na kami ng tuluyan doon. Papalubog na ang araw, mag-aagaw na ang dilim at ang liwanag.

"Yeah..." sabi ko na hindi pa rin naalis ang ngiti.

"Thank you... I really appreciate it," sambit ko at nilingon siya, napatingin naman siya sa akin at natagal ang tingin kaya pabiro ko siyang inihampas.

"Tumingin ka sa kalsada, hindi pa ako handang mamamatay ngayon," sabi ko at napatawa nang mahina. Napapasabay pa ako sa kanta dahil lang sa sayang nararamdaman ko ngayon.

"You know what? You're like the sky..." sambit niya kaya agad akong napalingon.

"Why?" kuryosong tanong ko. Hindi ko alam kung maganda ba ang sasabihin nito.

" At first, I think you're like the sky dahil laging maganda," sambit niya. Napaawang naman ang labinko dahil doon.

"Hindi ko maiwasang mamangha araw araw dito, kapag pinaghalong kulay ng rosas at lila na may bahid din ng kulay dilaw na talaga nga namang mas nakakabilib, kapag asul na asul ito, kapag kulay dilaw na pinaghalong kahel. Para kang kalangitan na kahit anong kulay mamangha pa rin ako," saad niya. Pinamulahan ako ng mukha doon ngunit agad din akong napailing.

"Hindi araw araw maganda ito, kapag ba inaagaw ng kadiliman ang maliwanag na kalangitan ay nagagandahan ka pa rin? Kapag ba puti lang ito at walang buhay ay maganda pa rin?" tanong ko. I've never appreciate the sky para sa akin ay dekorasiyon lang iyon.

"For me? Yes. It's pretty, it's always been that way. Para bang alam talaga kung anong mga kulay ang magandang pagsama-samahin. And I think it will always remind us that life is not always the sunny one," sabi niya kaua naman napatango ako.

"Noong una, 'yon lang... akala ko hindi na ulit kita maihahalintulad sa kalangitan but..." sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nasa daan ang tingin nito at abala lang sa pagmamaneho. Hindi ko alam ngunit hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.

"You're like the sky, you are very unpredictable, minsan ang hirap mong basahin katulad ng kalangitan, hindi mo sigurado kung uulan ba, kung aaraw ba, kung makulimlim naman hindi mo sigurado kung ibubuhos ba talaga nito but you know what? I love how unsure I am when I'm with you..." saad niya pa at lumingon pa sa akin. Natigilan naman ako doon at hindi alam kung paano siya titignan. Ni wala ngang salitang lumabas mula sa aking bibig. Para lang akong tanga na nakatitig sa kaniya.

One Step Towards You (Published under Ukiyoto Publishing House)Where stories live. Discover now