#11-T

1 1 0
                                    



"Hindi lang siguro mataas ang alcoholic tolerance mo noh! O kaya naman hindi ka sanay uminom!?"



Kanina ko pa siya inaasar tungkol sa alak dahil ayaw niya talagang pumayag na uminom.



Hanggang sa makababa kami mula sa rooftop ay inaasar ko na siya. Hanggang sa makarating kami sa floor namin.



"Hindi pwede." Aniya ng walang lingon lingon sa akin.



"Napaka--" Napatigil ako ng makasalubong namin si Nurse Criza pagliko namin sa pasilyo. Agad akong ngumiti. "Hi Criza!"



Huminto rin siya katulad namin at nakataas kilay na pasalit salit ang tingin sa amin.



"Bakit magkasama na naman kayo?"



"Bawal ba Nurse Criza?" Mazedon asked.



"Hindi naman, pero..." She trilled off. "Kapag kasi magkasama kayo ay kung ano ano ang naiisipan niyo!"



"Promise hindi na kami gagawa ng kalokohan, diba Sanaa?" Mazedon nudge me.



Nakakunot noo ko siyang tinignan pero pinanliitan niya lang ako ng mga mata like his trying to say something.



Nagtaas ako ng kanang kamay na parang nanunumpa. "Opo....hindi na kami gagawa ng gulo" Ngumiti ako ng malapad kay Nurse Criza"



Nurse Criza squinted her eyes before she sighed. "Fine. I trust you both. Sige na. Bumalik na kayo sa room niyo at magpahinga"



We both nodded before she go away.



"Seryoso ka ba?" Tanong ko agad pagkaraan kay Mazedon.



"Syempre hindi. Isa sa listahan ko ang magsinungaling kay Nurse Criza" Nilabas niya ang maliit na pulang planner niya at ballpen "Check!"



"WAHHHHHH"



"Takbo!" Hinawakan ni Mazedon ang kamay ko at kaagad na hinila. Tumakbo kami hanggang sa marating namin ang silid niya.



Pareho kaming hinihingal na umupo sa sahig. Nagkatinginan kami bago parehong tumawa. Para lang kaming baliw.



Nilabas niya ang planner niya at nay panibagong nilagyan ng check.



Halos nakakalahati na namin ang mga list to do niya. Dalawang linggo na rin ng simulan namin ito isagawa at ngayon ay ang dami na naming nabibiktima.



Nagkakalat kami sa canteen, kami naghahatid ng pagkain sa pasyente pero hindi naman namin papakainin, inaalisan namin ng destrox ang mga pasyente, naglusak kami ng tubig sa hallway para madulas ang kung sino mang dumaan at marami pang iba.



Palagi rin kaming napapagalitan kapag nahuhuli kami pero kapag hindi ay wala silang magagawa dahil wala silang patunay kahit sikat na kaming mga naughty ni Mazedon sa buong hospital.



Nasa ibang bansa ang mommy at daddy ni Mazedon kaya walang magagalit sa amin.



"Mamaya na tayo lumabas" Mahinang sabi ko ng tumayo na si Mazedon.



"Huh?" Tinignan niya ang wall clock. 7:00pm pa lang pero inaantok na ako.



Maya maya ay naramdaman ko ang mga bisig ni Mazedon na pumapalupot sa katawan ko. Binubuhat niya ako.



Hinayaan ko lang siya. Palagi niya itong ginagawa sa akin kapag dito na ako nakakatulog sa kwarto niya.



Naamoy ko ang natural scent niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Hiniga niya ako sa kama niya at kinumutan. Siya ang natulog sa sofa.



"Goodnight" He said in a husky voice as soon as he turn off the light.



Palagi siyang nag-go-goodnight sa akin nang tinanong ko siya kung bakit ay dahil daw wala kaming kasiguraduhan kung magigising pa ba kami bukas.



He had a point.



"Goodnight" I closed my eyes.



Pagkagising ko ay naabutan kong mahimbing pang natutulog si Mazedon sa sofa. May kumot din ang kalahating katawan niya.



Pinagmasdan ko ang mukha niya. Makakapal na kilay. Matangos ang ilong, maninipas at mapupulang labi, mahahabang pilik mata, makinis na mukha. Magulo ang buhok niya pero gwapo pa rin siya tignan. May kalakihan rin ang katawan niya. Hindi halatang may sakit siya.



Napatigil ako sa mga pumapasok sa isip ko. Ano? Bakit ko pinupuri ang lalaking ito?



Napailing iling ako at dumeretsyo na lang sa cr. Matapos non ay lumabas na ako ng kwarto ni Mazedon hindi ko na siya ginising pa.



Pagpasok ko ng pinto ay napatigil ako.



Halos naestatwa na ako doon habang nakahawak pa rin sa door knob. Napakurap kurap pa ako. Isang babaeng nasa edad 40 ang lumingon sa akin. Naiiyak na ngumiti siya.



"A....anak..." Akmang lalapit na siya para yakapin ako ng kaagad akong lumabas sa silid.



"Sanaa!!" Narinig ko pa ang tawag ni Nurse Criza pero tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero mas gugustuhin ko pang tumakbo kaysa makita ang babaeng iyon.



Ang aking ina na iniwan ako walong taon na ang nakakalipas.



Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nagpakita pa? Ngayong hindi ko na siya kaylangan at ayaw ko na siyang makita!



"Ah!" Sa dibdib ng lalaki ako nabangga kaya napatigil ako sa pagtakbo. It's Mazedon.



"Sanaa? Anong nangyari? B-bakit ka umiiyak?" Nagaalala niyang hinawakan ang mukha ko. Hindi pa naman ako umiiyak. Nagbabadya palang ang mga luha kong bumagsak pero ngayon ay tumutulo na ito.



Agad akong napayakap kay Mazedon. Nung una ay nagulat siya pero naramdaman ko rin ang mga braso niyang niyayakap ako ng mahigpit. Ang isang kamay niya ay hinaplos ang buhok ko.



"Shhh, Tahan na" His husky voice said.



Sa hindi ko malamang dahilan ay naging okay ako sa mga bisig niya. Embrace that I was longing for, I didn't expect to feel from this man.



When i was alone i always thought myself that i dont need a comfort from anyone. I can comfort myself. But i was wrong. I need someone to lean on. And its him. Its Mazedon.



"Thank you" i whispered still buried my face on his chest. "For always by my side"



"My pleasure, Sanaa"


We don't have to be cureWhere stories live. Discover now