PROLOGUE

5.3K 30 1
                                    

Prologo

Hawak niya ang kamay ko habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Nandito kami ngayon sa teransa ng bahay ko, pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Hindi ko akalaing magmamahal ako ng taong katulad niya. Hindi ko inaasahan at hindi ko alam at nagkaroon ng dahilan. Hindi ko akakalaing mamahalin ko siya. Pero sinunod ko lang ang gusto ko at kung ano ang nararamdaman ko. Mahal ko siya kahit pa pareho kami ng kasarian basta ang mahalaga ay pareho din kami ng nararamdaman.

"Kung sakaling hindi tayo magkatuluyan? Anong magiging plano mo?" Tanong niya. Lumingon ako sa kanya at ganoon din siya saakin.

"Nangako na ako sa sarili ko na ikaw lang ang mamahalin ko." Sambit ko at ngumiti naman siya. "K-kung sakaling hindi tayo ay ang plano ko ay hindi na magmamahal ulit. Mag-aampon na lang ako para magkaroon ng kasama sa buhay kung sakaling maghihiwalay tayo."

"Sigurado ka diyan?" Aniya. Tumango ako at muling nagbaling ng tingin sa paglubog ng araw.

"Hindi ko inaasahan na magmamahal ako ng katulad mo na kapwa babae ko. Pero hindi ko naman p-pwedeng diktahan ang nararamdaman ko eh. Reseire, mahal kita." Ani ko at muling tumingin sa kanya.

"Gaya mo Cali... Mahal na mahal din kita." Hinarap namin ang isa't isa at tumingin sa mga mata. Hinawakan ko ang bewang niya at doon ay muling naglapat ang mga labi naming dalawa.

Kusa kong naipikit ang mga mata ko at ganoon ay diniin niya ang halikan naming dalawa. Love has no gender. Hindi ko na kayang baguhin ang nararamdaman ko. Minahal ko siya dahil 'yun ang naramdaman ko.

Nakita ko na lang na nakahiga na kami sa kama habang hindi napuputol ang paghahalikan naming dalawa. Naging agresibo ang halik na iginagawad naming dalawa sa labi ng isa't isa. Hanggang sa siya na ang kumalas.

"I-ikaw lang ang nagparamdam saakin nito Cali . Hindi ko akalain na ang isang 'Cali Jade Trade' na tulad mo ay mamahalin ang isang 'Reseire Mendez' na tulad ko." Aniya at nginitian ako.

Ako din... Hindi ko akalin na mag-uumpisa lahat sa isang pagpapanggap hanggang napunta sa totohanan...

"When you're the one Reseire... Hindi na ako nagmahal ng iba... Kasi binago mo ako, binago mo ang nararamdaman ko..." Ani ko at ngumiti din sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko at doon ay muli niya akong hinalikan.

Pero natatakot ako na... Magkagusto ka sa iba at higit na masakit ay kung sa isang lalaki pa... Kasi 'pag nangyare 'yon ay... Wala akong laban.

To be continued...

DISCLAIMER.

Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning!!! ❌
Ang istoryang ito ay may maseselan na pangyayare... Kung hindi mo kayang tagalan, mabuting wag monang simulan...

When She's The One (G×G) Where stories live. Discover now