CHAPTER 5: I Chosen You

899 16 1
                                    

Chapter 5: I Chosen You

Cali Jade P. O. V

Si Kently nga...

Nakikita ko ang mukha niya pero alam kong hindi niya ako napapansin dahil tutok na tutok siya sa kakapindot sa cellphone niya.

Anong ginagawa niya dito?

Sinong kikitain niya?

Bakit siya nandito?

Ano nga bang ginagawa niya dito? Napabuntong hininga naman ako. Umiwas ako ng tingin sa gawi niya. Hindi ko na dapat pinapakialam kung ano ang mga gagawin niya...

"W-Wala na akong pakeelam sa kanya." Sunod sunod ang pagbuntong hininga ko. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Nilingon kong muli ang gawi ni Kently. At sa puntong iyon may kasama na siya.

Si Adder...

Nanginig ang buong katawan ko. Totoo ba itong nakikita ko? Magkasama nga sila...

Pinigilan kong tumulo ang luha ko pero masyadong traydor ang mga luha ko dahil kusa itong pumatak. Naramdaman kong mas nilulusaw ang puso ko. Mas lalong kumikirot. Mas lalo akong nasasaktan.

Lalo niya lang p-pinatunayan na...nanloko siya...

Parang lalong dinudurog ang puso ko. Gusto ko siyang lapitan at sampalin pero hindi ko magawa dahil masyadong nanginginig ang katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Patuloy ang pag-agos ng luha ko papunta sa aking pisngi. 'Yung sakit lalong nadagdagan. 'Yung kirot lalong nabigyan ng dahilan para manatili sa puso ko.

Nagmahal ako pero bakit ganito ang kinalabasan? Sakit ang kabayaran. Wala naman akong kasalanan. Pero bakit kailangan kong lahat ito pagdaanan?

Sana'y hindi na lang kita nakilala Kently...

Ginawa ko naman ang lahat! Sumugal ako kahit alam kong may tayo at alam kong talo. Minahal kita. Pinaramdam ko 'yon. Pero bakit ganito ang sitwasyon? Bakit sakit ang ibinalik niya?

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sana'y hindi na lang kita minahal kung sasaktan niya lang pala ako.

S-Sana pala ay h-hindi na lang ako nagmahal...

Patuloy parin sa pag-agos ang aking luha. Nanatiling nasa kanila ang paningin ko. At lalong sumakit noong makita kong nakangiti si Kently habang nakatingin kay Adder.

Nagawa niya pang ngumiti? H-Habang ako ay nasasaktan?

Ganoon ba ka walang kwenta ang nararamdaman ko para gawin niya saakin ito? Alam niyang nasasaktan ako pero bakit parang wala lang sa kanya?

Okay na ba siya? Kaya ganiyan siya kasaya? Paano ang nararamdaman ko? Paano ang panloloko niya? Paano niya pagbabayaran ang ginawa niya? Ganoon lang ba ako kadaling kalimutan? Ganoon ba ako kadaling balewalain?

Ganoon ba ako hindi ka importante sa kanya?

Ngiting hindi ko magawa na siyang ginagawa niya ngayon. Ngiting nakaguhit sa labi niya na animo'y wala siyang nasaktan na tao.

Minahal niya ba talaga ako?

Minahal lang ba niya ako?!

O...

When She's The One (G×G) Where stories live. Discover now