CHAPTER 18: I'll wait...

573 13 1
                                    

Chapter 18: I'll wait...

Cali Jade P. O. V

Paulit-ulit sa tenga ko ang sinabi ni Reseire. Hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi niya. Gusto kong kurutin ang sarili ko para magising ako sa panaginip na ito. Totoo ba talaga 'yon?

"R-Reseire..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanlalambot ako sa mga titig niya. Nanunuyot ang lalamunan ko.

"Bakit?" Anito na tila hindi makaramdam ng kung anong ilang. Nasabi niya iyon ng deretso. Ng walang alinlangan. Pero totoo nga ba iyon?

"'Yung sinabi mo..." Nakagat ko ang sariling labi ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"'Yung I love you?" Aniya at umiwas ng tingin sa buwan. "Totoo 'yon. Ilang araw akong naguguluhan tungkol sa nararamdaman ko. Mahirap paniwalaan. Pero 'yon ang katotohanan. Ang bilis hindi ba? Ilang araw pa lang kita kakilala tapos mahal na kita? Sabihin mo nga sa akin...may panahon o oras ba na nakatakda para magmahal? Hindi diba? Kasi kusang mararamdaman ng hindi inaasahan." Nakita ko ang paglunok niya.

"Mahirap pigilan o labanan yung nararamdaman. Ngayon ko lang ito naramdaman. Nagmamahal ako. Nagmamahala ako ng taong durog pa ang puso. Mahirap pigilan o iwasan ang nararamdaman kapag puso na ang kalaban. Ang hirap paniwalaan, hindi ba Jade?" Tumingin siya sa akin. Walang anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

"Na magkagusto sa kapwa ko babae." Bumuntong hininga siya. "Mali ba ako? Mali ba 'yung nararamdaman ko? Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang mahalin ang tulad mo? Kasalanan ko bang nagkaroon ako ng nararamdaman para sayo?" Yumuko siya at muling bumuntong hininga.

"Kasi Jade...nagiging klaro na. Hindi ko naman balak na sabihin ngayon pero ito kasi 'yung magandang pagkakataon. Ayoko man malaman mo ngayon ay linakasan ko na ang loob ko para masabi 'to." Nagtaas siya ng tingin sa akin.

"Pero nagiging klaro na ang nararamdaman ko para sayo. I like you. Pero isa lang ang alam ko tungkol sa nararamdaman ko. Mahal kita." Agad siyang umiwas ng tingin sa akin.

"Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko ngayon. Kasi hindi naman tayo pareho ng nararamdaman. Ang gusto ko ay tulungan ka pero bakit bigla akong nagka-gusto sayo? Bawat halik mo pabalik, nagkakaroon ako ng nararamdaman para sayo." Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin at niyakap niya ang mga tuhod niya.

"Magmamahal na lang ako sa taong kakagaling pa lang sa hiwalayan." Rinig na rinig ko ang bawat pagbuntong hininga niya. "Do really possible to fall in love with a broken hearted women? Do really possible to fall in love with you? Na babae na katulad ko?" Nananatili siya sa ganoong posisyon. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. May saya pero may lungkot kasi hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.

When She's The One (G×G) Where stories live. Discover now