CHAPTER 10:Why?

768 15 0
                                    

Chapter 10:Why?

Cali Jade P. O. V

Agad akong pinababa ni Reseire sa kandungan niya at mabilisan siyang tumayo para buksan ang pinto. Nakagat ko ang sariling labi ko dahil sa nagawa naming 'yon.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "B-Bakit hindi ko magawang u-umangal?" Habol ko ang hininga dahil dahil sa sobrang kaba.

'Yung init sa katawan ko nananatili dahil sariwa pa sa isip ko kung paano hawakan ni Reseire ang bewang ko at igiling ako sa pagitan ng mga hita niya.

Kung paano niya halikan ang labi ko. Kung paano niya paglabanin ang dila namin. Kung paano niya halikan ang leeg ko at kung paano niya ito kagatin.

"B-Bakit g-gano'n?" Hindi ko na maintindihan. Naguguluhan na ako. Ni hindi ko magawang umangal. Ni hindi ko siya maitulak. Ni hindi ko magawang pigilan ang sarili kong tumugon sa mga halik niya kahit pa alam kong nasa tamang wisyo pa ako at kahit alam kong babae siya.

Ano bang nangyayare sa akin? Bakit ko nagawa ang bagay na 'yon? Dahil ba nagkusa ako at hindi pinilit? Pero damn it! Babae siya! At sa paningin ng lahat... Mali 'yon.

"A-Ano na bang nangyayare sa akin? K-kay Reseire?" Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam. Nawawala ang anumang sakit sa dibdib ko na idinulot ni Kently. Nawawala ng pa-onti onti ang nararamdaman ko ng ganoon kadali at kabilis?

Ano bang ginagawa sa akin ni Reseire? Paano niya nagagawang baguhin ang ako? Paano niya nagagawang hilumin o gamutin ang sugat na nagdurugo sa puso ko?

"Jade." Narinig ko ang boses niya. Hindi ko siya magawang lingunin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naaakit ako sa boses niya.

'Yung nararamdaman ko kay Kently nakakalimutan ko. Nawawala. 'Yung pagpipilit ni Kently sa akin ay Kusa naman kay Reseire.

"Jade." Muling tawag niya sa pangalan ko. Naramdaman ko ang paglakad niya papunta sa harap ko. "Jade." Sambit niya sa pangalan ko ng tatlong beses.

Dahang dahan akong nagtaas ng tingin sa kanya. Nakita ko ang mukha niya. Kalmado at seryoso. Pero kahit ganoon pa man ay nanatiling nakatingin ako sa kanya.

"P-Pasensiya na kung hinalikan kita---" Pinutol ko ang sasabihin niya at tumayo saka siya hinarap.

"N-Nagkusa ako. W-Wala kang kasalanan. Dahil a-ako yata 'yung problema kasi n-nagagawa kong humalik pabalik k-kahit pa alam n-nating dalawa na galing ako sa break-up. I-I'm sorry..." Yumuko ako at hindi ko na magawang salubungin ang mga titig niya.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko at itiningin ako sa kanya. Muling nagtama ang mga namin sa isa't isa.

"Isipin mo na lang na...parte 'yon ng pagpapanggap natin. Halik na pagpapanggap lang. Halik na walang malisya. Halik na hindi totoo." Aniya at nginitian ako. Ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Ngiting kakaiba. Hindi ito pilit.

"P-Pero parang kasing m-mali." Bumuntong hininga ako. "Kinailangan pa kitang gamitin para lang sa makalimot ako. Ginagamit kita para mawala 'yung nararamdaman ko. Reseire...sorry k-kung nadamay ka pa sa gulo ng buhay pag-ibig ko. S-Sorry." Hindi siya sumagot bagkus ay niyakap niya ako.

"Naiintindihan ko. Tsaka kaibigan mo ako,Jade." Aniya. "Siguro nga ginagamit mo lang ako pero at the same time pumayag naman ako,'diba? Kasi kaibigan mo ako,Jade. N-nakita ko kanina kung paano magtulungan sina Lezie para sayo. Pakiramdam ko napunta ako sa mga magkakaibigan na totoo. K-Kaya pumayag ako para may maitulong naman ako." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Tutulungan kita dahil...kaibigan kita." Aniya at hinalikan ang noo ko.

When She's The One (G×G) Where stories live. Discover now