Chapter 16

3.7K 67 5
                                    

     Paalala: Ang mga susunod na bahaging ito ay may temang hindi angkop sa taong may edad na 18 pababa.

Sa Tindahan ni Aling Celia.
   Nasa loob ang dalaga habang tumutulong sa pagtitinda sa mga kustomer. May ngiti siya sa mga labi sa bawat pagtanggap sa mga namimili.

" Thank you po. " may ngiti niyang tugon sa bawat mamimili na umaalis.

" Jen, mukhang ang ganda mg ngiti mo ngayon ah! " puna ni Aling Celia sa kaniya habang nagbabalot ng mga takal ng asukal.

" Aling Celia, masaya lang ho ako saka sabi niyo dapat akong ngumiti eh." ani Jen na tila napakamot sa ulo niya.
" Tama yan eha, ngitian mo lang ang lahat ng problema. " tugon nito sa dalaga.

" Aling Celia, mamimis ko ho kayo saka wala na akong malalapitan kapag malungkot ako. At wala na akong isaw na mabibilhan. Mamimis ko talaga ang tindahan niyo saka ang mga tao dito. " malungkot na sabi ng dalaga.

" Hija, ganun talaga ang buhay kasi uuwi kana sa inyo para sa mga naghihintay sayo. " tugon ni Aling Celia saka lumapit sa kaha de kahon.

" Sa tingin niyo Aling Celia babalik pa ho ba si sir Carllex? " pa usisa ng dalaga.

" Syempre mahal ka non, " tugon nito.
    Napatahimik na lamang ang dalaga sa kinauupuan nito. Hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyare ang bagay na iyon.

      Matapos ang maghapong pagtitinda ay umuwi na ang dalaga sa bahay nito.

       Magsasaing pa siya hindi tulad ng naroon si sir Carllex na lagi siyang pinaghahanda nito ng pagkain.

" Hayyst, bat siya na naman ang iniisip ko? Ano ka ba Jen, umayos ka nga! " sumbat niya na lamang sa sarili habang nagsasaing.

    Hindi na siya gaya ng dati na charcoal stove ang ginagamit sa pagluluto. Natutu na siyang gumamit ng de kuryenteng aplayanses sa pagluluto. Lahat ng non ay natutunan niya sa binatang bumago sa pananaw niya sa buhay.

" Jen, sanay ka namang mabuhay mag isa diba? Pero bakit malungkot ka?" kausap niya sa sarili.

    Napaupo na lamang ang dalaga sa silya nito habang inaalala ang nagdaang pangyayare.

    Ang pagkaligtas niya sa buhay ng binatang nabundol sa poste. Ang pang aasar nito sa kaniya at pagsisilbing nito ay nag iwan ng isang magandang alala sa loob ng maliit na bording house ng dalaga.

" Sir, nalulungkot ho ako! " sambit niya na parang gustong bumalik ang sir Carllex niya.

    Napasubsob na lamang ang mukha ng dalaga sa mesa nito na tila may mabigat na problemang dinadala.

    Lilipas ang mga oras na tila siya'y tulala pa rin at hindi makaalis sa silyang kinauupuan niya.

"Kring, kring, kring,,, " tunog ng alam clock ng phone niya.

    Doon na lamang nanumbalik ang ulirat ang dalaga at napatayo ito at naghanda na nang kaniyang hapunan.
Pasado alas otso na ng gabi ng siya'y makapag hapunan.

   Pagkatapos non ay agad siyang nagligpit at naghugas kasabay ng paglimot ng mga ala alang iniwan sa kaniya.

" Ganun nga Jen, kalimutan mo na siya kasabay ng pag alis mo rito sa maliit mong inupahan na bahay. " wika pa niya habang nakatitig sa sofa na laging inuupahan ng binata.

    Ibabagsak na lamang ng dalaga ang katawan niya sa kamang laging pinag aawayan nila ng binata dahil sa laging walang damit ito kapag natutulog.

    Ipipikit na lamang ng dalaga ang mga mata kasabay ng luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

ONE NIGHT STAND (S-1)-Carrlex de la Vega series - COMPLETED Where stories live. Discover now