Chapter 35

2K 40 1
                                    

Kinagabihan
    Nasa kama na si Jen at sa dating bahay sila nagpalipas ng gabi. Sa bahay nang kaniyang yumaong mama na si Jennalyn Celine Rygosa Rio y Santos. Kinuha ang pangalan ni Jen sa mama niya kaya kuhang kuha niya ang apearance at ugali ng mama niya. Hindi mo siya basta basta mapapangiti. At madaldal kaya laging sabog si sir Carllex kapag kaharap niya ang asawang si Jen.

   Naroon pa rin ang mga lumang gamit sa kwarto ng mama niya. Maglilibot uli si Jen sa bawat sulok ng kwarto at titingin ng lumang picture. Mangingiti siya ng makita ang lumang larawan ng mama niya. " I miss you mama sana nai-hated mo ako kanina. " sambit ni Jen at niyakap ang larawang hawak.

   Papasok naman ng palihim si Carllex at bahagyang yayakapin ang asawa.

" Hi tita, asawa ko na ho ang anak niyong pangit. H’wag ho kayong mag alala dahil aalagaan ko ho siya. " sambit ni Carllex sabay halik sa noo ni Jen.

" Saan ka galing? " usisa ni Jen sa kaniya at umupo na ito sa kama. Mukhang matutulog na si Jen nang pigilan siya ni Carllex.

" H‘wag ka munang matulog! Mag uusap pa tayo. " ani Carllex sabay lapit sa asawa at kumuha ng makapal na kumot.

" Ano ba kasi pag uusapan natin. Pwede bang bukas na. " pakiusap ni Jen sa kaniya.

" Honeymoon dapat natin ngayon pero buntis kana. So, mag uusap tayo about sa ating dalawa. Tatanungin kita at dapat sagutin mo ng tama. " sabi ni Carllex sa kaniya at pasimpleng pinatay ang ilaw.

" Ano ba? Sabi mo mag uusap ba't ang dilim? " pagkatakot ni Jen na napayakap sa asawa niya.

    Matatawa na lamang si Carrlex sa ginawa niya.

" Bubuksan na. " sabay on ng switch at napalitan ito ng nagniningningan na mga little shape of stars na ilaw.

" Ang dami mo talagang alam. " ani Jen habang nakatitig sa kisame. Nababalutan kasi ito ng mga little stars na ilaw kaya parang nasa labas lang sila nanonood ng mga bituin sa kalangitan.

" Alam mo Jen, ang hirap mo talagang pakiligin eh. Pero ok lang yon kasi pangit ka naman kaya mahal na mahal kita. " sabay halik sa pisngi ng asawa.

" Ano ba ang pag uusapan natin? " usisa uli ni Jen at halatang nakadikit sa asawa na tila takot siya sa dilim.

" Sus, gusto mo lang yakapin ng pogi mong asawa eh. " inis nito kay Jen. Sumimangot na lamang ito.

" Matutulog na talaga ako, " tampo na nito sa kaniya.

" Subukan mo nang at kakagatin kita sa leeg. " banta ni Carllex sa kaniya.

Jen Pov's
      Kainis talaga siya kahit kailan. Biruin mo, tatakutin na naman ako kapag hindi nasunod ang gusto niya.

    Inaantok na kaya ako. " Carllex, bukas na tayo mag usap. I'm so sleepy na. " sabi ko habang nagbabalak ng humiga.

" Mag usap pa tayo Jen saka sabay na tayo matulog. Sige na oh. " pakiusap niya sa akin. Hala, bakit kaya nangpipilit ang asawa ko?

" Sige, pero kapag inantok ako tutulugan kita. " payag ko sa kaniya.

" Sinabi mo yan, " akbay niya sa akin.
    Humiga ako sa bisig niya habang nakatingala sa taas. Ang ganda ng stars saka kumikinang ang mga ito at tila pasko na.

" Jen, anong nagustuhan mo sa akin? " ask niya sa akin. Sabay hawi sa buhok ko. Bat naman
niya tinanong iyon.

Alam naman niyang nagustuhan ko siya dahil sa napaka responsible niya.

" Ang caring mo eh saka responsible. Noong nasa bording tayo, hangang hanga ako sayo sir Carllex kasi ang galing mo sa lahat ng bagay. Akala ko nga isang ordinaryo ka lang pero nalaman kong bilyonaryo ka. Sinubukan kong kalimutan ka at magalit sayo. Alam mo ba sinubukan kong magpakamatay dahil sayo. Kasi pinangako ko kay mama na hindi ako magpapakasal sa isang bilyonaryo. Iyon ang huling hiling ni mama sa akin bago ako nag aral ng kolehiyo. Sabi niya mumultuhin niya ako kapag ikinasal ako sa mayamang angkan. Hindi ko maintindihan si mama noon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit ganun ang bilin ni mama. " kwento ko sa kaniya habang napahikbi.

ONE NIGHT STAND (S-1)-Carrlex de la Vega series - COMPLETED Where stories live. Discover now