Chapter 39

2.1K 39 4
                                    

After 20 minutes
     Kaagad namang nagising si Jen ng maramdaman ang presensiya ng asawa niya sa tabi nito. Mapapahikab na lamang si Jen at magtatago pa sa kumot. Mukhang nahihiya ito sa asawa niyang nakatitig lang sa kaniya.

" Good morning pangit. " bati ni Carllex sa kaniya na tila inaasar siya nito.

    Mapapansing malapit nang magtanghali kaya pababangunin na lamang siya ni Carllex sa kama nito. " Jen, bumangon kana diyan kasi maya maya ay magla - lunch na. " pa alam niya sa asawa na ayaw lumabas sa pagkakumot nito.

" Ayoko pang bumangon, " tampo nito sabay talikod sa asawa niya na tila bitin pa rin ang pahinga niya. Sa halip na asarin niya si Jen at bahagya niya itong tinabihan sa pagkahiga sabay bulong.

" kakagatin kita, " pananakot niya rito.

    Kaagad namang napabalikwas si Jen at bumangon habang nakasimangot sa asawa niya.
" Mamaya kana matulog, pangit. " kurot niya sa pisngi ng asawa at kinuhaan ng damit.

" Susuotin ko ba ito? " usisa ni Jen sa inabot na bestida ni Carllex sa kaniya. Ang bestidang mahaba at balot na balot ang katawan niya.

" Gusto mo bihisan kita? " mala ngisi nitong sabi na ikinahampas ni Jen sa kaniya ng unang hawak nito.

" Tskk, " snob nito at saka pumasok sa dressing room.

     Hahabulin naman siya ni Carllex na napasama sa loob ng dressing room.

" Ba't andito ka? Magbibihis kaya ako! " bahagyang kamot ni Jen na tila nagtataka sa pagsama ng asawa niya sa loob nito.

" Jen, kahit saan ka magpunta sasamahan kita. Paano nalang kung madudulas ka. " paliwanag niya sa asawa nito.

" Ay, sana all maalalahanin. Pwede bang tumalikod ka, sir Carllex. " pakiusap ni Jen sa kaniya habang nahihiya sa asawang nakabantay sa kaniya.

" Jen, isang tawag mo pang sir Carllex sa akin. Mamumula yang leeg mo." banta niya kay Jen na ikinatawa nito.

" Ok sige, talikod kana kasi lalaki ka. " patalikod niya sa asawa niya.

" Kalabitin mo nalang ako kapag may kailangan ka or tapos kana. " tugon ni Carllex kay Jen at humarap siya sa pintuan.

Jen Pov's
     Ayy, ang OA ni sir Carllex eh. Pati dito sinamahan ako. Para namang lampa ako? Hindi naman ako lampa eh.

" Sir este Carllex, pwede mo bang itaas itong zipper ng dress. Napakahaba niya para namang nasa alaska tayo eh. " sabi ko sa kaniya habang pinipilit na abutin ang zipper.

   Bigla nalang may humawak sa kamay ko at bahagyang binaba ang kamay ko.

" Iyan talaga ang pinasusuot sa mga nagdadalangtao dito sa mansiyon, Jen. At malamig ang klima dito. Ayan, bagay pala sayo eh. Kahit pangit ka. " bahagya niyang yakap sa aking likuran at hinawi ang buhok ko.

    Naglalambing na naman siya. At ayan, nakasubsub siya sa leeg ko. Ano bang ini emote - emote nito? " May problema ka ba? " ask ko sa kaniya habang nakahawak ang mga kamay niya sa tiyan ko. Hindi na lamang siya sumagot sa akin at sa halip ay itinali niya ang buhok ko ng isang pulang laso.

    Nakakamangha talaga ang asawa ko at alam niya kung paano taliin ang buhok ko. Napansing kong may isinuot siya sa akin. " Suotin mo ito mahal kong asawa at nagpapatunay iyan na ikaw ang pinili kong makasama. " sabit niya sa leeg ko ng kwintas na ibinigay sa akin ng mama niya. Ang kwintas ng tagapagmanang panganay na anak na ibibigay sa asawa nito.

   Sandaling kong hinawakan siya sa mukha ng aking mga palad at tinitigan. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag alala sa akin. " Maraming salamat Carllex at tinanggap mo ako. Mahal na mahal kita. " sandali kong halik sa noo niya at sa magkabilang dulo ng pisngi.

ONE NIGHT STAND (S-1)-Carrlex de la Vega series - COMPLETED Where stories live. Discover now