Chapter 41

2.4K 42 1
                                    

Jen Pov's
     Nagising na lamang ako sa isang panaginip kaya napahikbi ako na wala sa oras.Tumambad na lamang ang mga titig sa harapan ko sa sandaling iyon.

   Nasaan kaya ang asawa ko? Ba't wala siya rito?

" Pa, si Carllex saan? " hanap ko sa asawa ko dahil wala siya roon. Dati rati kasi ay excited siya at nasa tabi ko siya umaantabay sa akin.

     Lumapit na lamang si mama Jerimy sa akin. Bakit ganiyan ang mga titig nila? Ang kanilang mga mata'y namumugto na tila may iniyakan sila. Ano kaya ang nangyare?

" Lola, ano ho ang nangyare? Bakit wala si Carllex? " tanong ko uli kay lola na hindi makatingin sa akin. Teka, may nangyare bang masama sa asawa ko?

    Lumapit na lamang si papa Fierce sa tabi ko sabay hawak ng mga kamay ko.

" Jen, wag kang mabibigla. Sumabog ang kotse ni Carllex kanina at wala na siya, Jen. " pagtatapat niya sa akin. Teka, nagbibiro lang ata si papa. Hindi ata maaari iyon.

" Nagbibiro lang kayo diba? " usisa ko sa kanila na tila hindi ako naniniwala sa binalita nila sa akin.

" Jen, wala na ang asawa at sumabog ang sasakyan niya kanina. " sabat ni lola señora Mia sa akin.

    Para akong hinampas ng paglaking laking tubo sa nabalitaan.

"Hi-hindi totoo yan! Hi-hindi! " pagtutol ko habang nagsisimula nang umagos ang mga luha sa aking mga mata. Nagsimula na akong humikbi sa sandaling iyon. Napasigaw ako na wala sa oras na tila nagwawala sa harapan nila.

     Nilapitan na lamang ako ni papa at niyakap pinakalma.

" Jen, wag kang maggagalaw baka mabinat ka! " patahan na yakap ni papa sa akin. Sinong tatahan? Pinatay nila ang asawa ko. Mga hayop sila. Pagsisisihan nila ang ginawa nila sa asawa ko.

   Narinig ko na lamang ang pagring ng phone nila.

" Ma'am na sa amin na iyong nagpasabog. " sambit ng kausap niya sa kabilang linya. Sino kaya ang kausap ni lola at pinili niyang iparinig niya sa amin ang usapan nila.

" Good! Pasabugin mo rin at lagyan mo ng bomba ang tiyan niya. Gusto kong maranasan niya ang ginawa niya sa asawa ng apo ko. " pagkagalit na utos ni lola sa kausap niya.

    Napatitig na lamang kami sa kaniya. Napalapit si lola Rygosa sa akin at lumuhod sa harapan ko. " Gaganti tayo Jen at dadanak ng dugo dahil sa ginawa nila. Hindi ako papayag na hindi tayo makaganti. Hawiin mo ang mga luha mo Jen at maging matapang ka. Mayroong tatlong anghel ang naghihintay sayo sa babies room. Gawin mong inspirasyon sila Jen at h'wag kang susuko. Mahal na mahal ka ng lola. " halik niya sa noo ko at sandali akong niyakap.

   Pagtayo niya ay bigla nalang akong may nakitang chapa? Oh my ... Pulis ba si lola? Pero bakit ganon siya umasta?

    Napahagulhol na lamang ako bigla na parang namimis ko si Carllex. Na mimis ko ang pang aasar niya. Ang paglalambing niya. Ang pag aalaga niya. Ang presence niya sa tabi ko.

" Pa, ang asawa ko... " tangis ko nalang bigla dahil hindi ko matanggap ang nangayare.

" Shhh, tahan na aking anak wag ka nang umiyak. " yakap ni papa sa akin.

" Pa, sabi niya papakasalan pa niya ako pero ba't iniwan niya ako? " hikbi kong mag isa na lalong ikinayakap nila sa akin.

    Napalingon na lamang kami sa pintuan ng marinig ang iyak ng mga baby ko.

" Pa, lalaki silang walang babae. " sambit ko habang naaawa sa mga anak kong agad na iniwan ng papa nila. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Hindi ko kayang mag isa lalo na't tatlo sila.

ONE NIGHT STAND (S-1)-Carrlex de la Vega series - COMPLETED Donde viven las historias. Descúbrelo ahora