PROLOGUE

35 5 0
                                    

Jp Marzh's POV

T*ng*na late na ako! Kung hindi lang dahil sa bw*set na Aldrine na yun hindi ako malelate eh. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa may bigla akong mabangga na matigas na bagay—I mean tao.

"F*ck late na ako, ano ba miss tumingin ka kasi sa dinadaanan mo sa susunod" sabi ng lalaking nabangga ko gamit ang mababang boses, halatang inis na inis. Agad kong inangat ang ulo ko at tinignan ang lalaking nabangga ko ng nakataas ang kilay.

"Excuse me lang ah hindi lang naman ako may kasalanan dito noh. Kung tumitingin ka din sana sa dinadaanan mo sa tingin mo  ba mababangga ako sayo? At tsaka hindi lang naman ikaw ang malelate dito noh" sabi ko sabay tulak sa kanya pagilid. Maglalakad na sana ako ng bigla niya akong tawagin sa apilyedo ko.

"Ms. Castro" masungit na aniya. Ganun nalang ang gulat ko ng bigkasin niya ang apilyedo ko eh hindi ko naman siya kilala. Pagharap ko sa kanya ay nakita ko siyang nakangisi habang nakatingin sa akin.

"Ako ba ang tinatawag mo? Why do you know my surname?" pagtataray ko dito

"I think I know you" sabi nito

"How?" pagtataray ko muli dito

"Nagkita na tayo dati maybe 2-3 years ago. It's also by an accident. Nice to see you again Ms." sabi niya sabay talikod sa akin at naglakad ng mabilis.

Sino siya? Nagkita na kami 2-3 years ago? His voice sounds familiar pero hindi ko siya maalala. Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad na papunta sa classroom namin. Habang naglalakad ay napaisip ako tungkol sa sinabi nung lalaking nabangga ko at naalala yung nangyari sakin noon ng takbuhan ko si daddy. Hindi kaya siya yung lalaking----

Fight for YouWhere stories live. Discover now