CHAPTER 1

42 5 1
                                    

JP Marzh's POV

Nandito kami ngayon sa bahay na binili ng parents namin para sa amin.Nagugutom na nga ako ehh kasi medyo tinanghali na kami ng lipat lasi naman itong si Monica ang tagal tagal kumilos.

"Are you done?"tanong ni Sam kaya napalingon ako sa kanya.Nakita kong nakaayos na yung mga gamit niya sa closet niya sa kabilang side ng kama.

"Ahh oo malapit na aayusin ko nalang tong mga sapatos ko"sagot ko at lumapit sa mini shoe rack sa tabi ng closet ko.

"Kailangan mo ba ng tulong?"nagulat nalang ako nang nasa tabi ko na siya

"No it's ok,sapatos nalang naman ehh kaya ko na toh"Sabi ko at nilabas ang mga sapatos ko galing sa bag

"Ok sige.Baba na ako ahh gutom na ako eh"kumaway pa siya saglit bago tuluyang lumabas ng kwarto namin.

Hay nako,ang sarap sa pakiramdam nang malaya.Bata palang kasi ako lagi ko nalang sinusunod Yung mga sinasabi ni D
daddy.Dapat alam mo yung mga limitations mo.Kung anong sinabi niya dapat sundin mo.Kung meron pa sana si mama ngayon malamang sa malamang may kakampi pa ako kahit paano.My mom died when I was just 16 years old.Ayaw ko nalang ulit pagusapan yung tungkol sa nangyari sa kanya kasi masakit parin para sakin.

Si mama yung tipo ng nanay na napaka supportive.Kabaliktaran siya ni daddy.Naalala ko pa noon nalaman niya yung tungkol samin ni James—yung ex manliligaw ko—akala ko noon magagalit siya pero Hindi siya nagalit sa amin.Sinuportahan pa nga niya kami noon ehh.Pero nung araw na lumabas kami at dapat ay sasagutin ko na siya may bigla namang nakakita sa amin at nagsumbong  kay daddy kaya ayun pinaghiwalay niya kami.

*FLASHBACK*

"Are you ready my princess?"tanong ni James sakin.Ngayon araw ay lalabas kami at pupunta sa amusement park.Ngayong araw naisipan ko din na sagutin na siya tutal matagal tagal na din naman yung 9 months na panliligaw niya tsaka pinaparamdam naman niya sakin na mahal na mahal niya ako at mahalaga ako sa kanya.

"Syempre!"excited na sigaw ko

"HAHAH halata nga.Lets go?"Sabi niya at inalalayan akong pumasok ng kotse

Pagdating namin sa park ay may nakita akong lalaki na naka sumbrero.Familiar siya sakin pero hindi ko nalang pinansin dahil tinawag na ako ni James.

Pagkatapos ng ilang rides and games ay napagisipan namin na kumain na muna kasi napagod na din kami at lunch na din.Pumunta kami sa isang maliit na Korean Restaurant at doon kumain.Habang kumakain kami ay napansin ko na naman yung lalaking nakita ko kanina.Ang weird lang Kasi kanina ko pa siya nakikitang sumusunod samin ehh.Nung makita niyang nakatingin ako sa kanya ay umiwas siya ng tingin at kinuha ang kanyang telepono at parang may tinatawagan tsaka umalis.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi parin nawala sa isip ko yung lalaki kanina.Tumingin ako sa paligid pero wala na siya.Siguro nagkataon din lang na parehas kami ng rides na napupuntahan at nagiging praning lang ako kaya ganun.

Pagkatapos ng mahabang araw ay uuwi na din kami.Bago kami lumabas ay bumili na muna kami ng suvenier para sa family and friends ko.

Habang naglalakad ay napansin ko na may mga lalaking nakatayo sa malapit sa kotse ni James at mukang may mga hinihintay.Nang makalapit na kami ay nakita ko ang isang lalaking Hindi dapat nandito ngayon...Ang lalaking hindi dapat makaalam ng tungkol samin ni James...si DADDY.

Napatigil kami sa paglalakad nang humarap siya samin.Lumapit siya sakin at hinila ang kamay ko mula kay James.

"Dad!ouch!nasasaktan po ako!"sigaw ko dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin

"Talagang masasaktan ka!" sabi niya at binitawan ako "Talaga bang Hindi ka na nakikinig sa sinasabi ko sayo JP?!"sigaw niya sakin

"Dad wala po kaming ginagawang masama"halos maiyak na ako

"Anong wala?Hindi bat sabi ko sayo na hinding hindi ka pwedeng magnobyo ng iba dahil ikakasal kayo ng anak nung kaibigan ko"

"Dad ayaw ko po,ayaw ko sa kanya.Hindi mo ako pwedeng ipakasal sa kanya"pagmamatigas ko

"Aba at sumasagot at sumusuway kana sakin ngayon?"pasigaw niya

"Ang gusto ko Lang naman ay mabuhay ng normal!Buhay ko din naman ito kaya hayaan niyo naman akong magdesisyon para sa sarili ko!"pagkatapos kong sabihin yun ay napahawak ako sa kanang pisngi ko dahil sa sakit nang sampal ni Daddy

"At saan mo nakuha yang mga sinasabi mo?Yan ba Ang mga idinudulot sayo Ng lalaking yan?!"pasigaw niya sakin.Dahil sa narinig ko ay mabilis ko siyang hinarap.

"HINDI!WALANG IBANG DAPAT SISIHIN DITO KUNDI IKAW!KAYO!SIMULA NUNG BATA AKO KAYO NALANG LAGI ANG NAGDEDESISYON PARA SA BUHAY KO!NOON OO PINAPABAYAAN KO LANG YUNG MGA DESISYON NIYO PERO NGAYON HINDI NA!BUHAY KO RIN PO ITO KAYA SANA NAMAN HAYAAN NIYO NA DIN AKONG MAGDESISYON PARA SA SARILK KO DAHIL ALAM KO DIN NAMAN PO ANG MGA GINAGAWA KO"kasabay Ng pagsabi ko nito ay ang pagbuhos ng mga luha galing sa aking mga mata

"Jp—"hindi ko na pinakinggan ang sasabihin ni daddy at tumakbo nalang ako sa kung saan.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.Sobrang sakit na nang dibdib ko!punong puno na ako!Hirap na hirap na ako sa buhay kong ito!Gusto ko lang naman ng simpleng buhay hindi yung kontrolado nila lahat ng tungkol sa akin!

***

Fight for YouWhere stories live. Discover now