Chapter 3

30 4 3
                                    

Jp Marzh's POV

Today is our first day here at Kingdom University.Inagahan talaga namin ngayon para Hindi kami ma-late,nakakahiya naman Kung bago palang kami ehh late na agad kami diba.

Pagpark namin ay hinintay lang naming makapark din si Luke para sabay sabay na kaming papasok.May dalawa kaming kotse yung isa ay kay Luke at yung isa naman ay para saming girls.Kasya naman kami dito sa isang sasakyan pero sabi ni Luke dalhin nalang din daw niya yung sasakyan niya kasi ginaganahan siyang mag drive ngayon.

Pagkatapos niyang mag park ay sabay sabay na kaming pumasok.Nanguna sa paglalakad si Monica at Arianna.Nandito naman kami nila Sam at Luke sa likod nila.Habang naglalakad kami papasok ay rinig na rinig pa namin ang mga bulungan ng mga studyante about sa amin pero hindi nalang din namin sila pinansin.

Hanggang sa napatigil nalang kami sa paglalakad nang may masalubong kami at maghiyawan ang mga babae.

Apat sila,apat na matatangkad at may itsurang lalaki. Kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan nila sa suot nilang uniporme.Naisip ko tuloy kung babagay ba sakin yung uniform namin.Maganda ang uniform namin.Nakita ko na siya sa picture at korean style siya.Black and red checkered above the knee palda paired with white short sleeves blouse,black and red checkered bow and a navy blue blazer. Hindi pa kasi nabibigay ehh next week pa daw.Natigilan nalang ako sa pagiisip nang kalabitin ako ni sam.

"Ayos ka lang?"tanong niya.

Nang tignan ko ang harapan ko ay nakita kong wala na yung mga lalaki kanina.Ganun na ba ako katagal nagisip at hindi ko manlang namalayang wala na sila?hay nako nevermind.

Tango nalang ang isinagot ko kay Sam at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa room namin.Naririnig ko parin yung mga bulungan ng iba tungkol samin.

"Hala kita mo yun parang wala lang silang pakealam kahit nasalubong na nila sila Miguel noh"anang isang babae

"Ano kaba naman Estella bago palang sila hindi pa nila sila kilala"sabi naman ng isa pa

"Oo nga naman Estella''sagot pa nung isa "Uy boys ano nang nangyari sainyo at nakatulala kayo"dinig ko pang sabi ng isa na kung hindi ako nagkakamali ay siya rin yung huling nagsalita

"Huh?"tanong ng isang lalaki

"Ano at ganyan kayo makatitig sa mga yan?"tanong nung isang babaeng nagsalita din kanina

"Ano ba naman kayo tignan niyo oh kaygagandang mga babae.Minsan lang may pumasok na ganyang kagagandang babae dito noh"

"WTF!as if naman na di niyo nakikita yung ganda namin?"mataray na tugon nung isa

"Ano ba kayo Margie wala pa nga ata kayo sa kalahati ng ganda nila ohh"sabi nung isang lalaki at nagtawanan sila.

"Mas gwapo din naman Yung guy na kasama nila kesa sa Inyo ahh!"palahaw na Sabi nung maarteng babae

Natawa nalang din ako ng palihim nang marinig ko ang padabog na paglalakad nung mga babae.

Pagdating namin sa tapat ng classroom namin ay kitang kita ko na agad yung gulo ng mga kaklase namin at rinig na rinig na namin ang ingay na nanggagaling sa loob ng room.

Dahan dahan kaming pumasok at pinagmasdan ang aming mga kaklase.Nakakunot noo kong tinignan ang aking mga kaibigan at nagulat nalang ako nang makitang nagtitinginan din sila.HAHAHA sa tingin ko mag eenjoy naman siguro kami dito.

Nang kunwareng naubo si luke para agawin ang attention ng mga kaklase namin ay gulat naman silang tumingin samin.

Ang iba sa mga kalalakihan ay halos malaglag na ang panga sa gulat na makita kami.Ang mga babae naman ay onti nalang puputok na ang kanilang litid sa kilig habang nakatingin kay Luke.Mga mahaharot!Nginitian nalang din namin sila at dumeretso sa mga bakanteng upuan sa likod.

Fight for YouWhere stories live. Discover now