Chapter 5

8 2 0
                                    

Jp marzh's POV

Pag dating namin sa canteen ay hinanap na agad namin kung saan umupo sila Arianna at Monica. Nang mahanap na namin sila ay nilapitan na namin sila.Paglapit namin ay napansin naming may kasama silang isang babae.

"Ohh antagal niyo naman? " Bungad samin ni Arianna

"Ohh you guys are here na. This is Isabela" Pagpapakilala ni Monica dun sa babae

"Hi I'm Isabela, you can call be Bela" Masaya ngunit nahihiyang pagpapakilala naman ni Bela at nagpakilala na din kami sa kanya.Pagkatapos naming magpakilala ay nagpresinta na si Luke at Arianna na sila nalang ang magoorder ng lunch namin.

*AFTER CLASS*

After our class I received a message from my dad and he's asking me to go to our house. Malamang kakausapin  niya na naman ako tungkol dun sa gagawin niyang kasal. Ilang beses ko Nang sinabi sa kanyang ayoko pero lagi niya parin akong pinipilit at sinasabing wala na daw akong magagawa dahil nakapagdesisyon na siya.

Nang makababa kami sa parking ay sinabi ko na sa kanila na pinapapunta ako ni dad sa bahay at hihiramin ko muna yung sasakyan ni Luke. Pumayag naman siyang ipahiram sakin ito. Nang makapasok na silang lahat sa sasakyan ay napatingin ako kay Sam na hanggang ngayon ay Hindi parin pumapasok sa sasakyan.

"May problema ba? " Tanong ko sa kanya nang tignan niya ako

"Jp pwede ba akong sumama?" Tanong niya at lumabi pa. TSS MUKANG ASO.  
(A/N: JEPE? MASAYA KA NA DIYAN?..CHAR HAHAHA OK CONTINUE)

"Sam, Hindi na kailangan. Kaya ko nang pumunta magisa dun. Malamang kakausapin lng naman ako ni dad ehh"sagot ko sa kanya

"Sige na please?ako na mag dradrive para sayo para Hindi ka na mapagod"nakangiting pangungumbinsi niya. Alam ko ng iniisip niya. Iniisip niya na baka magaway na naman kami ni daddy kaya gusto niyang sumama.

"Ano Sam Hindi ka pa ba papasok?"sa tono ni Luke ay parang medyo naiinis na siya.Sasagot na Sana si Sam nang ako ang maunang magsalita.

"Hindi,sasama daw siya sakin" Sabi ko at ngumiti. Napangiti naman si Sam sa sinabi ko

"Ahh ok sige magingat kayo, mauna na kami ahh" Sabi niya at tuluyan na silang umalis

Pumasok na din ako sa shotgun seat ng sasakyan at nagsimula nang mag drive si Sam papunta sa bahay ni daddy.

* * *
Maglalagay nalang ako ng mga pic ng mga damit nila para ndi na ako masyadong mahirapan mag explain ahh HAHAHAHA

Mariane.... Oo alam kong tamad ako mag explain ng damit🙂HAHAHA

Fight for YouWhere stories live. Discover now