Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 2

12.9K 464 103
                                    

Chapter 2


"Pakshet!" Hulas kong usal at pilit na hinahabol ang hininga. Tinukod ko ang kamay ko sa tuhod ko at mistulang nakatuwad sa daan. Ipinagod ako ng lalaking 'yon sa paghabol ko sa kanya. Gwapo kaya kahabol-habol, e! I just did it because may atraso siya sa akin!

But I bailed on my friends and my captains, wala na ata akong mukhang ihaharap sa kanila. I gave up following him when he turned his car away at mapapalayo ako ng daan. I thought he's going to park somewhere near kaya sinubukan kong habulin. And from his get-up, maybe this guy came from some casino. He looked so rich, naaamoy ko pa rin 'yong pabango niya kagabi. I can't figure out what it is but it maybe more than thousand dollars—or maybe hundred thousand dollars worth.

Gano'n siya kayaman!

And speaking of mayaman, there's a lot of papa de asukal around, but I still have my respect and decency so goodbye, pero kung may irereto sa akin? Why not? I still can separate my work life and personal life. Kapag personal life, walang pakialamanan!

"Hey, Celyne! Pupuntahan mo pa ba kami rito? We're waiting for you, itong mga gwapo nating piloto kanina ka pa hinahanap!" tanong ni Caro, kausap ko sa phone.

Muli akong humugot ng hininga. Pero natigilan ako kasi mukhang may umutot na dumaan sa paligid ko. Napalingon pa ako sa mga grupo ng babae na halos kita na ang mga kuyukot nila sa iikli ng mga suot na super-short shorts. Ano 'to, ready bukaka, agad?

Parang slide the pants out and bring home the talong!

"No, Caro, I don't think I'll be joining you guys tonight. Nahihiya na ako kina Captain so might as well, bumalik na lang din ako sa hotel natin. I-take out niyo na lang ako, a!"

"Cely! Baka ikaw ang i-take out diyan ng mga sugar daddy ah! Naku, sinasabi ko sa 'yo! Nandito ka for work, not to find a relationship! Wala nang nagtatagal ngayon, jusko." Halatang problemado si Caro sa kabilang linya. She wanted to push to me join them pero ayokong humarap sa kanila ngayon. I'm too exhausted right now, hulas na hulas na ang make up ko. Gosh, ang mahal pa naman ng James Charles Pallette na nabili ko!

"Ano namang sasabihin ko rito kay Captain Stewart? Kainis kang babae ka! Ako pa pinahihirapan mo!"

Humalakhak naman ako ng tawa. "Problema mo na 'yan, Caro! Sabihin mo na lang may biglaang LBM ako, hindi na kinaya! Sumirit na kamo kaya ako tumakbo ako palayo!"

"Okay fine!" Kahit hindi ko nakikita si Caro, ramdam ko ang pag-ikot ng mata niya. "So, saan ka na ngayon? Babalik ka na nga ba ng hotel? Or mag-iikot ikot ka riyan? Bawal lumandi, a!"

"Of course not! Hindi ako lalandi 'no! Hindi nga ako sure kung may asawa na ako, lalandi pa ba ako?! Mahanap ko lang 'yong taragis na 'yon, masasampulan talaga sa 'kin 'yon!" Panggigigil ko pa. Halos kagatin ko na ang labi ko at kulang na lang ay magdugo. "Pero susubukan kong pumunta sa Tiffany & Co."

"Oh, okay, anong gagawin mo ro'n? Isusuli mo ba 'yong singsing mo?"

Umiling ako. "No, I wouldn't. Dadaan lang ako tapos kapag nakita nila ako at pinatawag ang security, ibigsabihin ninakaw ko nga 'yong singsing."

"Kailangan mo ba ng back-up? Pwede ko rin namang sabihing may LBM din ako," suhestyon nito.

"Siguro, pero no need na. Kapag hindi ako nakabalik by midnight sa hotel, pakipuntahan na lang ako sa presinto, gets? But if nothing happens, I would just gladly walk around at magtatanong-tanong. I need to fill all the gaps in my head. Baka super laswa na pala ng mga ginagawa ko!"

"Ayan, girl, napapala ng inom nang inom!" paninisi pa ni Caro.

"Hoy, babae! Hindi ko naman ginusto! Uminom ako kasi napilitan lang ako, hindi 'ko naman inasahan na paggising ko, may asawa na agad ako! Hello?! Nakaloloka na ang mga ganap 'te!"

Waking Up in VegasWhere stories live. Discover now