25th Station

209 12 0
                                    

" Rein ! "

napatingin naman ang dalaga sa tumawag ng pangalan nya. Agad napangiti ang binata nang makita na sya ng dalaga. Kumaway ito at masayang tumakbo papunta sa dalaga.

















" oh Zai, " gulat na saad ni Rein. Di nya inaasahang magkikita sila ngayon araw. Dahil nasa gitna ng paghahanap ng maaapplyan itong si Rein.

" anung ginagawa mo rito? " tanong ni Zai kay Rein. Nagpatuloy naman sila ng lakad. Sinabayan ni Zai si Rein sa paglalakad.

" ah, naghahanap ako ng maa-applyan " paliwanag ni Rein. Nakaformal siya. Long sleeves and slocks, para presentable tignan.

" maa-applyan?? " tanong ni Zai at kinunutan ng noo si Rein.

" ahh oo, balak kong kumuha ngayon ng summer job " paliwanag ni Rein kay Zai.

" talaga ? saan mo ba balak mag-apply? " tanong ni Zai at kinuha yung envelope na dala ni Rein na may mga lamang resume/bio data.

" ayy thankyou Zai, di naman ata mabigat yan " natatawang saad ni Rein. Natawa naman si Zai sa kanya.

" hmm, actually , kahit fast foods lang ganun or shops " saad ni Rein. Naiinitan na siya sa suot nya, basang-basa na siguro kili-kili nya sa sobrang init.

Habang naglalakad sila, napahinto si Rein at napaupo sa tabi. Di na nya kaya, sobrang init na.

Pinaypayan naman siya ni Zai gamit yung envelope.

" grabe sobrang init, wala kang dalang payong? " nag-aalalang tanong ni Zai at tinabihan si Rein. Umiling naman si Rein bilang sagot sa tanong ni Zai.

" gusto mong magpalamig muna? " tanong ni Zai at inaya si Rein. Sumama naman si Rein kay Zai. Nagpunta silang bubble tea shop.










" thankyou Zai " saad ni Rein at uminom ng drink nya. Napangiti naman si Zai.

" wala lang to, ano ka ba " sagot ni Zai na kinangiti rin ng dalaga.

" kilala ka pala ng may-ari neto? " tanong ni Rein kay Zai. Napahinto naman sa pag-inom si Zai.

" a-ah, oo, pinsan ko may-ari neto " paliwanag ni Zai. Nanlaki naman mata ni Rein sa sinabi ni Zai.

" wooa, " namanghang saad ni Rein. Napatingin naman si Rein sa paligid, inoobserbahan ang shop.

" sa tingin mo, hiring sila? " tanong ni Rein. Napatingin naman si Zai sa kanya.



















Zai's

" sige na, kahit ngayon lang oh, " pamimilit ko sa pinsan kong si Joshuel. Ngunit tila naalibadbaran siya sa sinabi ko at padabog na binagsak ang controller ko.

" uy , mahal yan " saad ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin. Napalunok naman ako.

" edi bumili ka nalang bago " sagot niya sakin at tinuloy paglalaro.

" sige na Josh, pleaseeeee?? " nagmamakaawa na ako rito sa pinsan ko. Sana naman pumayag siya hindi ba?

" ano ba Zai? ayoko, ayoko, ayoko " saad nya paulit-ulit habang busy maglaro.

" magpapanggap ka lang naman tapos, TAPOS NA " paliwanag ko sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalaro at binagsak na naman controller ko. Kabibili ko lang nyan insan, huhu wag yan panggigilan mo.

" mukha ba akong may-ari ng ganun shop? " saad nya at lumapit sa dako ko. Umupo rin sya sa harap ko.

" Sige na Josh, babayaran kita. " saad ko at napatingin sya ng matagal sa mata ko.

" Zai, magsusuot ako ng suit. Napakainit na suit, at aaktong inosente sa harap ng mga empleyado mo pati sa harap ng babae mo "  mabilis na pagkakasaad nya na may halong konting gigil.

Joshuel is a gangster. One of the greatest underground businessmen. Iba ang kalakaran ng business sa kanila, kumpara sa amin.

Oo, akin yung shop na yun. Gusto kong i-hire si Rein para di na sya mahirapan maghanap ng trabaho.

" sige na insan, ikaw kasi nabanggit ko , " pagpapaliwanag ko sa kanya.

" eh bat kasi di mo sinabi sa kanya yung totoo? edi sana di mo ko ginugulo-gulo ngayon " sabay sabunot sa buhok nya sa sobrang inis.

" ayaw ko, baka isipin nya mapresko ako sa ganung paraan. I want to stay simple sa paningin nya. " pagpapaliwanag ko sa kanya. Napayuko naman ako sa sinabi ko.

Aaminin ko, mayaman ang pamilya ko. Pero since di naman akin yon, I earned my own. Mayaman pamilya ko pero hindi ako. Sa mga magulang ko yun, pinagtrabahuhan nila yun. Nagtayo ako ng shop ko bilang panimula. Isang taon palang naman shop ko, pero maganda ang sales since malapit sa mga office. I'm being independent. I have my own condo, and car. Pero yung kotse ko, di ko yun ginagamit kapag papasok sa school or kapag immeet friends ko, sila Micko. I want to stay simple. Gusto ko ng normal na buhay, yung simple at hindi nahuhusgahan.

Kilalang-kilala magulang ko, pero kahit dala ko apelyido nila. Hindi ko pinapahalata. I have a younger sister, she's struggling dahil sa sobrang pressure na binibigay sa kanya. Gusto kong mabuhay ng tahimik kaya umalis ako sa bahay. Pinayagan rin ako ng magulang ko bumukod sa kanila nung 17 palang ako. Kaya they gave me a condo and my car. Pero sa pagpapatayo ko ng shop, ako lahat ang nag-asikaso nun. Masaya akong naging proud sila Mommy at Daddy sa nagawa ko. Now, in return, I'm doing my internship sa company ni Daddy. Kahit sinasabi ni Daddy na sa akin mapupunta ang kompanya , wala akong balak na agawin sa kanya yun. Gusto ko ring pagtrabahuhan papunta sa posisyon na yun kaya nagsisimula ako sa maliit.

" Zaindro Del Rosario, hay nako " napatayo siya. Mukhang aalis na ata sya. Napaangat ulo ko.

" seryoso ako.
  sa kanya. "

Napatigil sya sa sinabi ko at humarap sa akin.

" kaya sana tulungan mo ako, " konti nalang magpupuppy eyes na ata ako para pumayag to.

Umirap naman sya at nilahad kamay nya.
Napangiti naman ako sa kanya.

" Thankyouuu insan " imbes na handshake as a sign of deal. Napayakap ako sa kanya. Narinig ko nalang na natawa sya. Tinapik nya naman likod ko at kumalas.

" Aba, salamat sa Diyos kamo, may sineryoso ka narin " natatawang saad nya. Napangiti nalang ako.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now