35th Station

202 13 0
                                    

Justin's

Pagkasintas ko ng sapatos ko, kinuha ko na agad yung bag ko. Nagpaalam naman ako kay Mommy at sumakay na sa sasakyan ni diko.

" nako " habang nag-aayos ng seatbelt ay napatingin naman ako kay diko.

" bakit diko? " alalang tanong ko sa kanya. Patuloy nya parin inistart yung sasakyan nya.

" ayaw magstart " saad ni diko. Nanlaki mata ko at tinignan ang gas gauge ng kotse.

" eh diko, ubos na gas mo oh " saad ko sa kanya sabay turo. Napasapo naman siya sa noo nya. Lutang ba tong si diko?

" oo nga pala ginamit ito ni kuya kagabi, nakalimutan nya pala palagyan " saad ni diko. Agad ko namang kinuha bag ko at tinanggal seatbelt.

" commute nalang tayo diko " lumabas naman na ako ng sasakyan at nakita ko naman yung gulat na expresyon ng mukha ni diko.

" magcocommute ka? sigurado ka? " tumango naman ako at nagsimula na kami maglakad palabas ng kanto namin. Naramdaman ko na ring sumunod si diko sakin. Agad ko namang nilagay ang cap at mask ko.

" sigurado ka ba? baka mamaya " nag-aalalang sambit ni diko at inayos ang cap ko. Tumango nalang ako.



" it's been a long time " natatawang saad ko sa sarili ko. Ngayon lang ulit ako nagcommute. Kadalasan kasi si diko naghahatid sakin o di kaya ako nagdadrive papuntang office kapag galing akong bahay.

Napinturahan na pala ng bago ito. Maganda naman pala. Pumunta na kami sa pila.

" marunong ka pa bang magcommute? " mapagbirong saad ni diko sakin. Natawa naman ako at tumingin sa kanya.

" marunong pa naman diko grabe ka sakin " sagot ko sa kanya at napangiti nalang sya. Kinuha ko yung phone ko at kumuha ng litrato sa paligid. Ang ganda ng bagong train station, bagong pintura.

Maya-maya, dumating na ang train. Namangha rin ako dahil nag-iba na ang train. Wow, may pa ganito na Pilipinas. Agad ko namang tinago ang phone ko at naghanda na para sa pagpasok sa loob.

Pagkapasok ko , iba narin pala itsura ng train sa loob. Pero syempre hindi naman nag-iiba ang mga tao, marami talagang tao. Medyo siksikan. Medyo napalayo ng konti si diko. Halos puro babae nasa tabi ko.

Habang umaandar, tinitignan ko na lang yung mga nadadaanan. Naaalala ko siya. Nang dahil sa train, nakita at nakilala ko siya. Naaalala ko yung una naming pagkikita, di ko naman akalain na talagang makakaclose ko pa siya. Nasaan na kaya siya? Limang taon na rin ang lumipas, Architect na kaya sya? Hindi ko na siya nakita pagkatapos ng graduation ko.


" abaaaa puti yung buhok ! " saad ni Yuki sakin. Napatawa nalang ako sa reaksyon nya.

" parang nung nakaraan ang inosente mo pa sa itim na buhok ah, " pang-aasar ni Micko. Natatawa nalang ako sa kanila. Nasa bahay sila ngayon, dahil may konting celebration. Graduate na ako ! Yes ! sa wakas !

" Jah, tawag ka ni Mommy " saad ni diko sakin. Agad naman akong tumayo at nagpaalam muna sa kanila. Tumungo naman akong kusina.

" yes ma? " saad ko sa kanya at tumabi sa kanya. Tumingin naman siya sakin at hinatak nya ako palapit sa kanya.

" nasaan si Rein? andyan na ba sya? " nagulat ako sa tanong ni Mommy. Agad naman akong napakamot sa batok ko dahil sa hiya. Kaya nagpaganito si Mommy kasi gustong-gusto nyang makita si Rein. Nakita nya lang kasi sa mga pictures.

" w-wala pa po e " saad ko kay Mommy at inabot yung pinapapaabot nyang sandok sakin. Tumingin naman ulit sakin si Mommy.

" pagkadating, tawagin mo agad ako ah " saad ni Mommy sakin. Napangiti nalang ako. Nakakahiya mommy...

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now