37th Station

242 17 2
                                    

" sigurado ka ba? " paninigurado ni Zai kay Rein. Mauuna na kasi siyang umuwi dahil nakalimutan nya na maaga ang pasok nya sa trabaho bukas.

" oo, maaga pa, I can take care of myself Zai " pagpapalagay nya sa loob ni Zai. May parte tuloy kay Zai na ayaw nya munang umuwi pero kailangan na kailangan nya.

" sige na Zai, that's okay " saad pa ni Rein sabay tango sa kanya. Walang sasakyang dala si Rein dahil sinundo siya ni Zai sa apartment nya.

" okay, basta don't drink too much ha? Ayaw kong pagewang-gewang kang uuwi sa apartment mo " saad ni Zai at napatawa nalang ang dalaga.

" this? this is the last shot, promise " saad ni   Rein sabay lagok sa iniinom nya. Pagkatapos naman ay ibinaba nya ang baso at agad na nilayo ni Zai ang baso.

" last okay? wala nang last na 4 shots pa , nako ka " saad ni Zai kay Rein at natawa naman si Rein.

" sige na, promise last nayun " saad ni Rein at pinapatayo na si Zai para makauwi na. It's already 1 am. Kaya kailangan na ni Zai umuwi. Tumayo naman na sila.

" oh Rein? alis ka na rin? " tanong ni Caryll na nakasandal sa balikat ng boyfriend nyang si Micko.

" hindi, babalik rin ako " sagot ni Rein at tumango naman sila. Tumayo na sila Rein at naglakad na papuntang exit ng restaurant.

" ingat ka pauwi ha? gonna get you a grab gusto mo? " pag-aalok ni Zai dahil nag-aalala sya sa dalaga. Umiling nalang ang dalaga.

" no, no need, I can, Zai . Don't worry " sagot ni Rein at nginitian ang binata. Wala nang magagawa si Zai. Huminga naman siya ng malalim at niyakap si Rein. Hinalikan naman siya nito sa noo. Nagulat ang dalaga sa ginawa ng binata.

" para boyfriend ang dating " bulong sa kanya ni Zai. Nahampas ni Rein sa tagiliran si Zai.

" aray ko naman " matawa-tawang saad ni Zai. Tinulak naman na siya ni Rein papunta sa sasakyan nya at kumaway na.

" byeee, take caree, drive safely " tumango naman ang binata at inistart na ang sasakyan.

Pagkaalis ng sasakyan ni Zai, bumalik naman na siya sa pwesto nila. May reunion kasi sila. They rent a space inside a restaurant.

Kumpleto sila, maging si Justin ay nagpunta rin. Masasayang kwentuhan at tawanan. Maraming nangyari sa limang taon.

Naging si Caryll at Micko, ang dalawang laging nag-aaway nagkatuluyan. Si Bry naman naging successful Architect and Business woman at makakapag-asawa ng Engineer. Yung crush nya nung college sa Engineer department, magiging asawa na nya. Maging ang mga kaibigan nya hindi makapaniwala rito. Si Yuki, isang successful businessman na. Dahil isa na siyang chef ngayon, nagtayo na sya ng sariling restaurant. Restaurant ni Yuki ang venue nila sa reunion na ito.


" Rein, saan ka? sabay ka na samin, " aya ni Caryll kay Rein. Umiling naman ang dalaga.

" ayos lang, maghintay nalang ako grab . Tsaka uwi mo nayang si Micko, bagsak na oh " sagot ni Rein sabay turo kay Micko na dala-dala nila Justin at Yuki. Inilagay naman nila ito sa loob ng sasakyan.

Nagsisialisan na ang mga kaibigan nya. Habang sya naglakad pa ng kaunti para hintayin ang grab na binook nya. Patingin-tingin sya sa cellphone nya.

" Rein, sabay ka na kay Justin. Anung oras na oh , may grab pa ba ngayon ng ganitong oras? mukhang bilang nalang " napatingin naman si Rein kay Yuki. Samantalang si Justin, hinihintay ang sagot ni Rein. Dala ni Justin ang sasakyan nya, sariling sasakyan nya.

Bago pa siya makasagot nagvibrate ang phone nya at nakita na hindi matutuloy ang binook nyang sasakyan sa grab.

" ano? cancelled? " tanong ni Yuki. Tumango naman si Rein.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now