29th Station

202 14 0
                                    

Rein's

" thankyouuu " saad ko sabay tanggal ng apron ko at tumingin sa orasan ko. Maaga pa naman nagpupunta yun, nako.

" sige, ingat sa pag-uwi ha? may makasama ka ba pauwi? " tanong naman ni Kuya Ger sakin.

" nakoo, may tagasundo yan kuya wag kang mag-alala " napatawa nalang ako sa sinabi ni Ate Jen habang lumalapit sa tabi ni Kuya Ger. Oo, ayos na lahat sa kanya. Magaling narin tatay nya. Ito na rin yung last day ko bilang night shift.

" sigi po mauna na po ako, byee " paalam ko at sinuot na handbag ko at dali-daling lumabas.

Kada uuwi ako, hinihintay at hinahatid ako sa bahay ni Justin. Aaminin ko na kinikilig ako sa mga ginagawa nya. Kahit katatapos lang ng practice nila talagang nagpupunta siya. Sa shop na siya dumidiretso para ihatid ako sa bahay.




" bakit lagi mo akong hinahatid ? eh anlayo kaya ng bahay namin sa lugar nyo " saad ko at tumingin naman siya sakin.

" ano ba, wala yun. Parang di ka naman nasanay na lagi kitang hinahatid sa inyo. Tsaka gabi lagi uwi mo, bilang l-lalaking k-kaibigan mo. Ihahatid kita para sa safety mo " paliwanag nya. Pumalagay naman loob ko sa sinabi nya.

" Rein, " tawag nya sakin kaya napalingon ako.

" hm? " sagot ko sa kanya.

" anung gusto mo sa lalaki? " nagulat naman ako sa biglang tanong niya.

" hmm, " bigla tuloy akong napaisip sa sinabi nya.

" syempre una sa lahat, may takot sa Diyos.
Mabuting tao, at yung lalaking marunong umiyak " sagot ko sa kanya. Napahinto naman siya maglakad. Napahinto rin ako.
Napatingin ako sa kanya.

" bakit may tao bang hindi marunong umiyak? " pagtatakang tanong nya. Natawa naman ako sa sinabi nya at hinatak siya sa tabi ko at nagpatuloy kaming maglakad.

" hindiiii, ibig sabihin ba sakin nun, yung lalaking kayang ipakita kung anong emosyon nararamdaman nya. Yung hindi siya nahihiyang ipakita yung emosyon na nararamdaman nya. Hindi ba sabi kasi nila, dapat daw ang mga lalaki hindi umiiyak . Gusto ko yung lalaking hindi nahihiyang umiyak o hindi tinatago yung nararamdaman nya. Gusto ko yung nakikita ko yung talagang sya, tsaka iyakin ako kaya gusto ko karamay " paliwanag ko sa kanya sabay ngiti. Napangiti nalang din siya sa sagot ko.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now