ー 47

1.6K 42 5
                                    

Clio:puta

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Clio:
puta

dalawang linggo akong hindi
nagbukas ng fb tapos picture
niya ang makikita ko?!

HOW TO UNSEE

Chanel:
it's a sign, clio

Skye:
pabebe ka pa kase

ilang araw ka na rin tinetext
ayaw mo pang replyan.

Clio:
busy nga ako sa school

Daphne:
busy sa pag-iyak ba kamo?

Clio:
parehas

Daphne:
gusto ka nang itulak ni
skye kanina HAHAHAHA

Skye:
eh kasi ba naman, notif na
ng notif yung phone niya
hindi man lang tinatapunan
ng tingin tangina

Clio:
parang gusto ko nalang maging
broken ulit para hindi harsh sakin
masyado si skye

Skye:
tanga

pinaghihintay mo kasi 'yung tao
na wala namang kaalam alam na
nasaktan ka pala niya unintentionally.

hindi rin naman kasi niya kasalanan na
naging ganoon yung pangarap niya. at
alam naman nating lahat na hindi 'yon
sinasadya ni ezra. napakabait non, diba?

Clio:
oo naman

Skye:
oo naman pala eh. ba't hindi
mo pa replyan ngayon?

ikaw nagsimula nito clio, at ikaw
din tumapos kung gusto mo nang
tapusin. alam kong wala pang
namumuong romantic feelings
between the two of you pero wag
mo namang i-ghost. nakakaapekto
rin 'yan sa pag-iisip ng tao.

tsaka maganda nga yung ginawa
niya na sinabi niya agad sayo na
wala kayong pag-asa, sa totoo lang.
at least alam mo na agad, di ba?
at least hindi na masakit kapag
hulog na hulog ka na tapos tsaka
niya lang sasabihin na gusto niyang
maging pari. ano mas gusto mo?

Clio:
yung ngayon...

Skye:
ayun naman pala e

marami pang oras, clio. pwede
mo pang mabago 'yon kung
sakali man. takte, hindi ikaw 'to.
hindi ikaw 'yung basta basta na
lang sumusuko ng walang laban.

Clio:
hoy wag mo naman akong
paiyakin! shetness.

Daphne:
kung ayaw mong umiyak,
replyan mo na.

Clio:
hindi ba ang rupok ko na n'on?

Skye:
hindi ka marupok.

ginagawa mo lang kung
ano ang dapat mong gawin.

anong karupok rupok don?
rereplyan mo lang naman.

Clio:
oo na nga e

Chanel:
did i just see the badass side
of skye? omg

Skye:
ulul

hoy clio, gawin mo na

now na

Clio:
oo eto na nga

nubayan di ko matiis si dolphin ko

SIGE NA HUHU

MISS KO NA TALAGA SIYA

Take It SlowWhere stories live. Discover now