ー 78

1.5K 48 34
                                    

CLIO'S POV

"Paano natin tatawagan si Ezra?" tanong ni Lucas. Nandito kami lahat sa kusina ngayon at nagtutulong tulong sa pagluluto.


"I already texted him. He will go here before 12PM," sabi ni Ate Sloane.


"Sinabi mo Ate na may kainan?" tanong ulit ni Lucas.


"No. I told him na Lola wanted to talk to him," sagot ni Ate Sloane.


Nagsimula nang magluto si Matthew, Jupiter, at Titus. Gustong sumali nila Lucas at Brent pero tinataboy nilang tatlo. Baka raw kasi malason sila sa mga iluluto nila kapag tumulong 'yung dalawa.


Si Jun at Yohan, abalang nags-set up ng table sa may garden nila Ezra. Doon na lang daw kami kumain ng lunch. Sabi nila may dinner daw mamaya sa isang mamahaling restaurant and after n'on, pwede na raw kaming umuwi.


Nakita kong abala pa rin si Julian sa pagkalikot ng laptop niya. Sumilip ako ng bahagya at nakita na may ine-edit siyang video. "Para saan 'yan?" tanong ko.


"Ah, ito? Film namin 'to para sa school," sagot niya.


"Film course mo?" tanong ko.


"Oo," sagot niya. Iniwan ko na siya d'on dahil parang ang busy niya sa ginagawa niya at ayoko naman na mang-abala pa. Sa pagkakaalam ko, magastos 'yung ganoong course at kailangan talaga ng connections pero sa bagay, mayayaman naman sila.


Lumapit ako kay Chanel na nangingiti habang nagt-type sa phone niya. "May ka-chat ka, no? Sino 'yan?" tanong ko sa kaniya.


"Sa tinder lang 'to!" sagot niya habang tinatago sa 'kin yung phone niya.


"Sige, kapag ikaw naloko dyan, 'wag kang iiyak," sabi ko. Inirapan niya lang ako at pumunta sa living room. Ubod talaga ng sungit 'yung babae na 'yon. Kaya walang nakakatagal na lalaki, e. Choir!


"Good morning, Clio!" bati sa akin ni Ate Sloane na kakababa lang mula sa kwarto niya. Kakaligo niya lang ngayon. Kanina kasi tumulong siya sa pagluluto kaya ngayon lang nakapag-ayos.

 Kanina kasi tumulong siya sa pagluluto kaya ngayon lang nakapag-ayos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"You're so gorgeous, Clio!" puri sa akin ni Ate Sloane.


Bago kasi siya natulog kagabi, pinapunta niya ako sa closet niya para bigyan ng damit na dapat ko raw suotin ngayon, at suot suot ko siya now.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Take It SlowWhere stories live. Discover now