128

1.8K 44 9
                                    

CLIO'S POV

Pinadalhan ako ni Ezra kahapon ng dress. Hindi lang pala dress, parang isang buong set na ng damit. Baby pink dress siya na above the knee na may flower embroidery sa dulo. Nag-suot lang ako ng nude heels then nag-hikaw. Ayoko talaga ng hikaw dahil nangangati 'yung tenga ko pero mga kaibigan ko, pinilit ako na magsuot. Bagay daw kasi sa damit ko.

"Looking good," bati sa akin ni Ezra nang makalabas siya sa kwarto niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Looking good," bati sa akin ni Ezra nang makalabas siya sa kwarto niya. "Pink is really your color." 



"Oo nga, no? Puro pink ata suot ko or lavender tuwing nagkikita tayo," sagot ko.



Tumingin sa akin si Ezra at ngumiti. Nako naman! Bakit naman gumaganon? Baka hindi ako makaabot nito sa dinner kasama mga magulang niya, ah.





"Kinakabahan ako. Mabait ba Daddy mo?" tanong ko.




Tumingin ulit sa akin si Ezra at nag-isip. Bigla tuloy akong kinabahan dahil ang tagal niyang sumagot at pinag-isipan pa.



Tumawa siya at kinuha 'yung phone niya sa may table. "Kidding. He's kind, don't worry. Hindi siya nangangain though hindi nga lang palangiti, but I'm sure you'll manage. Ikaw pa ba?




"Thank you, ah. Nakatulong promise," pilosopo kong sagot sa kaniya at umirap. Tinawanan niya lang ako at ginulo 'yung buhok ko. Ang hirap ayusin n'on, e!



"Let's go," aya niya sa akin at inabot ang kanang kamay niya para hawakan ko. Sabay kaming naglakad palabas ng bahay nila sa Katipunan. Oo, nandito ako ngayon. Sinundo niya ako mula sa UST tapos dito na lang din pinagbihis. Lulang lula ako nung nakita ko 'yung bahay nila dito, pero mas maliit 'yon kumpara sa bahay nila sa Makati.




Isang oras bago kami nakarating sa bahay nila. Sobrang tahimik sa buong subdivision pero lahat ng bahay nakabukas ang ilaw. Nakakatuwang tingnan. Kaya imbes na kausapin ko si Ezra, tinitigan ko na lang 'yung mga bahay na nadadaanan namin.




"Good evening, Clio!" bati sa akin ni Ate Sloane nang makababa kami parehas ni Ezra sa sasakyan. Sinalubong niya kami at niyakap ako at sumunod kay Ezra.




"Wow, sister. Aren't you too excited?" sabi sa kaniya nin Ezra.




"Who wouldn't be? My brother is finally introducing his girlfriend to the family!" natutuwang sagot sa kaniya ni Ate Sloane.




"I'm still courting her," 



Sinamaan siya ng tingin ni Ate Sloane at inakbayan niya ako. "Doon din mapupunta 'yon. Right, Clio?"

Take It SlowWhere stories live. Discover now