Parte Dos

171 31 1
                                    

༒Haunting in the School༒


Ericson's POV

Yung crew kanina. Hindi naman siya dating ganun. Habang tinitimpla kasi niya ang juice ay may nilagay siya dito. Tapos may binobulong siya sa Juice. Magic spell siguro. Biglang naging weird ang lahat simula kanina. Tinapon ko ang juice na naging kulay itim na.

Nandito ako ngayon sa hallway ng Engineering department. Walang estudyante dito dahil mamayang gabi pa ang klasi nila. Makulimlim ang langit at parang uulan. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may marinig ako na umiiyak. Humihikbi ito. Sinundan ko ang tunog at dinala ako nito sa CR ng mga lalaki. Madumi ang CR na ito at hindi na ginagamit.  Ang alam ko ay puno ng mantsa ang mga dingding ng cr. Mabaho at walang tubig na umaagos sa mga gripo na puno ng kalawang. Patuloy parin ang paghikbi niya.

Napansin ko na biglang naging madilim ang paligid. Naging gabi ang buong paligid at wala ni isang tao ang dumadaan. Namamalik mata ba ako? Aatras na sana ako kaso mas nanaig ang kuryusidad ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay nakita ko ang aking sarili sa salamin.
"Ang pogi ko talaga." Sabay kindat sa salamin. Pagkatapos kong kumindat ay may biglang lumitaw sa salamin.

"Waaaaaaa!"

Isang babae na nakaputi. Ngunit hindi ko makita ang mukha dahil sa mahaba nitong buhok. Ngunit kitang kita ko ang mata niya sa kaliwa. Nanlalaki ito. Nakatayo lang ako at nanginginig. Alam kong hindi na ako makagalaw kaya pumikit nalang ako para hindi ko na makita ang mukha niya.

Biglang naging tahimik ang paligid. Chance ko na para maka alis sa CR na ito. Binuksan ko ang  aking mga mata. Nang dinilat ko ito ay mas lalo akong nagtaka! Nandito na ako sa loob ng isang kwarto ng CR. Naka upo ako sa bowl. Ayaw bumukas ng pinto!

"Damn!"

Mayamaya ay may humikbi sa kabilang room. Tunog babae ito. Patuloy lang siya sa paghikbi. Pumatong ako sa bowl at dahang dahan na sinilip ang kabilang quarter. Unti-unti ko ng nakikita ang buhok niya. Malapit ko ng makita abg mukha niya nang biglang.

Hinawakan niya ang aking buong mukha. Ang laki naman ng kamay niya! Pilit kong hinihila ang aking sarili palayo sa kanya. Hindi ako makakita dahil natakpan ng buo niyang palad ang aking buong mukha!

Bigla kong naramdaman na bumabagsak ako. Lumuwag narin ang kanyang pagkahawak sa akin. Tinanggal ko ang kamay. Naputol pala ang kanyang kamay dahil sa paghila ko.

"Eww! Disgusting!"  Itinapon ko sa labas ang kamay. Maya maya ay bumalik na naman ang pag iyak. Umiiyak na naman siya!

Tumayo ako at sinipa ang pinto. Ngunit ayaw bumukas. Palakas ng palakas ang paghikbi niya. Nakafocus ang atensyon ko sa pinto. Ayaw bumukas! Sinipa ko ito ng sinipa ngunit ayaw parin bumukas.

"What the!" Napamura ako dahil biglang nabasa ang paa ko. Ang alam ko ay wala namang tubig dito! Pagtingin ko ay napatalon ako sa aking nakita. Napakaraming dugo! Naliligo na ang ilalim na parte ng katawan ko sa dugo. Patuloy parin ito sa pagtaas. Abot na hanggang bewang ang dugo! Buti nalang ay marunong ako lumangoy. Pero iba parin ang tubig compared to blood. Masyadong malagkit at mahirap lumangoy. Para na akong fried chicken na isinawsaw sa ketchup!

Lumangoy ako papunta sa pinto ng CR. Buti nalang ay bumukas ito.! Hays salamat naman. Nandito.na ako ngayon sa labas at biglang nawala ang dugo!. Nawala na rin ang humigikbi. Naging maliwanag na rin ang buong paligid. Napahiga nalang ako sa hallway dahil sa sobrang pagod.
"Haah. Haah. Haah" hinahabol ko ang aking paghinga. Nakatingin lamang ako sa bobong ng hallway.

Reina's POV

Kumakain kami dito sa canteen. Hmm nasaan kaya si Ericson. Pasaway talaga yun.

Slendrina's Dark SECRETWhere stories live. Discover now