Parte Otso

69 26 0
                                    

Slendrina༒
(I'm Back)



Reina's POV

Dumiritso kami sa hospital pagdating namin sa bayan. Ngunit patay na si Ericson. Hindi na ako naiyak dahil naubos na ang aking luha. Niyakap ako ni Klein habang umiiyak.

"W-Wala na siya" bulong ko kay Klein
"Shhhh" Pilit akong pinapatahan ni Klein. Hinihimas niya ang aking likod. Si Marky naman ay kinakausap si Ericson.

"Pare, magtira ka ng chix para sa akin dyan ah. Wag mong aawayin si Satanas pare. Be a good boy"
Mayamaya ay kinuha na siya ng mga lalaki. Paparating na rin ang kanyang pamilya dito

"Guys, kailangan ko na kayong ihatid sa inyo. Hinahanap na kayo ng mga parents nyo" ani ni Mr.Guzzman.

"Sir pwede po bang sa bahay nyo nalang ako ihatid, gusto ko po munang samahan si Reina" sabi ni Klein
"Ako din sir" Pati din si Marky Sasama

"Ahh bahala kayo, basta ako uuwi na" Hindi kasi namin masyadong close si Roke kaya medyo naiilang pa siya.
"O sige. Basta magpahinga kayo" ani ni Mr.Guzzman habang iniikot ang manibela.

Pagdating namin sa bahay tumalon ako papunta kay mama sabay yakap.
"I miss you ma" sabay halik sa pisnge niya.
"I miss you anak. Buti nalang ay ligtas kayo. Alalang alala ako sayo" Kahit na nakita ko na si mama ay malungkot parin ako. Siguro ay dahil wala na siya. Wala na ang taong minahal ko ng husto. Noong bata pa nga kami ay lagi niya akong nililigtas sa mga bully. Isang sapak lang niya, sapat na para tumakbo ang anim. Pero suplado naman.

Hindi ko na namalayan na tumulo na ang aking luha sa harapan nila. I really miss him!
"What's the problem baby?" Tanong ni mama habang hinihimas ang likod ko.
"Ma W-Wala na si ......Ericson" mas lalo akong napaiyak habang sinasabi ang mga katagang yun.
"Mabuti pa pumasok muna tayo sa loob"

Nasa sofa ako naka upo katabi si Klein. Habang si Marky naman ay nakahiga sa kabilang Sofa.
"Hoy Marky! Umayos ka. Wala ka sa bahay nyo" bulong ni Klein. Napakunot naman ang noo ni Marky
"Susssss..Ang sabihin mo, gusto mo lang tumabi" sagot ni Marky.Nainis si Klein sa sinabi ni Marky at babatuhin sana niya ito ng unan ngunit dumating si Mama.

"Kumain muna kayo" Oo nga pala! Wala pa kaming nakakain simula kagabi. Inilagay ni Mama ang meryenda sa lamesa. Kumuha kami ng tig iisang sandwich kaya may apat pang natira sa plato.

"Ikaw Marky, kumuha ka" sabi ni Mama. Bakit kaya hindi siya kumukuha.

"Wag na ho tita, isa lang naman gusto kong kainin" nakatingin siya kay Klein.

"Oh ano tinitingin tingin mo dyan!" Iritang bulong ni Klein.
"Oh sya sige, maiwan ko na kayo dyan. Magluluto pa ako. Sanay mabusog ka sa kakatitig dyan Marky.hahaha!" At umalis si Mama.

"Rein, paano kaya tayo natunton ni Mr.Guzzman.?" Oo nga no. Paano nga ba niya kami natunton.
"Baka dahil detective siya" tumawa si Klein. Naubos na ang kanyang Sandwich. Inabot niya ang plato pero nakatingin parin siya sa akin. Hindi niya alam na kumukuha din si Marky kaya nagkahawakan sil ng kamay.

🎶hakala ko ekaww ay akeeeen.totoo sa akeng panengennn🎶
Nanlaki ang mga mata nila pareho at nagkatitigan. Namumula si Klein habang si Marky nakangisi.

"Wait lang, asan yung apat na Sandwich dito?!" Pasigaw kong tanong. Bitter na kasi ako! Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy sa pagtitigan. Inubos ni Marky ang natitirang sandwich?!

Slendrina's Dark SECRETWhere stories live. Discover now