Parte Diez

115 33 6
                                    


Happy Ending

Reina's POV

Nasa harapan namin si Granny. Nakatayo sa gilid niya si Slendrina na nakabuka ang malaking bibig.
"Maghiwalay tayo Klein"

"Hiwalay lang, walang tayo" psshh! Nakuha pa niyang magbiro!
"Wag kang pahuli Rein, bubuhayin pa natin si Ericson at Marky" napangiti ako sa sinabi niya. Nilabas ni Klein ang kanyang kutsilyo. Naiwan ko pa sa Sasakyan ang Sandok! Yun lang ang nag-iisa kong sandata.

"Hoy lola! Habulin mo ako!" Sigaw ni Klein sabay takbo sa madilim na hallway. Ngunit si Slendira ang humabol sa kanya. Naloko na! Si Granny pa talaga ang katapat ko!
"Yepeeey!" Sigaw niya habang hinihila ang palakol niya. Kinakabahan na ako. Ano ang laban ko sa napakalakas na matandang yan?  Dahil sa sobrang kaba ay hindi ko namalayan na napa atras ako. Atras lang ako ng atras hanggang sa mabangga ko ang napakalaking puno. Wala na akong takas! Nasa harapan ko na siya!. Unti-unti na siyang lumalapit sa akin.

"Yepeeeey!" Bigla niya akong pinalo ng palakol mula sa kaliwa. Leeg niya pinapatamaan ko! Mabuti nalang ay nakailag ako. Bago paman tumama ang palakol ay yumuko ako. Pagkatapos ay tumakbo ako palayo sa kanya. Ngunit bigla niyang binitawan ang palakol at kinalmot niya ako sa likoran.
"Aaaahg!" Sobrang hapdi! Pero pinilit ko paring tumakbo. Kailangan kong makalayo sa kanya. Tumakbo ako sa madilim na hallway papunta sa sasakyan. Ngunit masyado siyang mabilis. Habang tumatakbo ako sa hallway ay nahawakan niya ako sa damit ko at itinapon niya ako sa isa sa mga classrooms! Grabi ang lakas niya!

Nabasag ang gelosi glass at tumilapon ako sa loob ng classroom. Nabagok ako sa misa at nagpagulong-gulong sa sahig.
"Yepeeey!"
Gumapang ako papunta sa isang mesa. Lock ang pinto ng classroom. Pero pinipilit parin niyang pumasok. Ito pala ang kahinaan niya? Malakas nga siya pero hindi nag iisip. Pwede naman siyang dumaan sa bintana.

Biglang nagliwanag ang buong paligid. Nasa ilalim parin ako ng Mesa.
"Class, meet your new Classmate Slendrina" tinig ng isang babae sa may harapan.Nasa likorang mesa ako nakatago at bakante ito. Yung ibang mesa ay may naka upo dahil kitang-kita ko sa ilalim ang mga paa nila.
"Diba mangkukulam sila?"
"Oo nga eh, Taga bundok yan".
Bulong bulongan ng mga naka upo sa ibang Upoan. Bakit biglang nagkaroon ng tao dito? Madilim pa to kanina!

May mga yabag akong narinig at papalapit ito sa pwesto ko. Nanatili lang ako sa ilalim ng mesa.
"Mangkukulam!" Sigaw ng nasa kabilang Row. Pagkatapos nilang sabihin yun ay may kinumot na papel nanahulog sa Sahig. Pinagbabato nila si Slendrina ng papel.
"Ha haha haha! Mangkukulam!"
"Taga bundok!"
Umupo si Slendrina sa upoan malapit sa akin. Rinig ko ang kanyang pag iyak habang hawak-hawak ang teddy bear niya. Patuloy lang ang pag iyak niya.
"Tama na yan Class! Baka kulamin kayo nyan!"
"HAHAHAHAHAHA!" Nagtawanan ang buong klasi. Nakayuko siya sa Mesa na nasa ibabaw ko. Patuloy lang ang pag iyak niya.Maya maya ay may pumatak na dugo mula sa mesa. Umiiyak siya ng dugo? Parami ng parami ang patak ng dugo. Palakas ng palakas ang tawa ng mga estudyante.

May lumapit sa kanya na isang lalaki.
"Hoy mangkukulam!! Tumungin ka!" Inaalog niya si Slendrina pero patuloy parin ito sa pag iyak. Maya maya ay tumigil na siya sa pag iyak
"Ano na mangkukulam?! Hahaha!"Sarap sapakin nitong lalaki na to. Kung naging kaklasi ko lang si Slendrina, sinapak ko na tong lalaking to. Nanggigil ako. Ahhhg ang hapdi ng likod ko.
Tumigil sa pag iyak si Slendrina at biglang natigilan ang lalaki.
"Aaaaaaaaaaaaaaahg!" Isang sigaw ang pinakawalan ni Slendrina. Ahhgg ang lakas at ang sakit sa tainga! Tinakpan ko ang aking tainga ngunit tagos parin ang sigaw niya! Ang lakas niya sumigaw! Parang dudugo ata ilong ko!

Slendrina's Dark SECRETWhere stories live. Discover now