Parte Siete

63 28 0
                                    

Slendrina༒
(The Escape) 

Reina's POV

Naka upo ito sa sulok. Maitim ang buo niyang katawan na para bang naligo siya sa tinta. Hindi parin ito nagsasalita

"S-Sino ka!" Sigaw ko sa nakakatakot na nilalang.
"A-aray. Ang sakit ng katawan ko. Akala ko mas masakit mahulog sa maling tao pero Damn!  Mas Masakit to!" Boses ni Roke yun ah. Lumapit si Marky at Ericson kay Roke. Tinulongan nila siyang makatayo. Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa hitsura niya. Nagmumukha siyang uling.

"Bakit kaba napunta dyan? "Tanong ko habang tumatawa
"What's funny? Nahulog lang naman ako mula sa 2nd floor papunta sa underground na ito. Ang malala pa, hinahabol ako ng isang Matangkad na lalaki!" Hinihimas niya parin ang kanyang braso. May bali ata. Wala naman siyang sugat. Sino ang lalaking yun? May iba pang halimaw sa bahay na ito?

"Asan nga pala ang iba nating kaklasi?"  Hindi siya kumibo sa tanong ni Marky. Lima nalang kami dito. Masakit mang isipin ngunit kailangan naming makalabas dito. Gusto ko pang makita si Nanay. Gusto ko pa siyang mayakap

"So guys, what's the plan?" Tanong ni Klein habang nakataas ang kilay. Nakatingin pa siya sa akin
"Aba. Hindi ako ang may plano. Si Ericson ang may plano. Diba?"
"Ha? Me?"

"Guysss..... May plano ako." Presenta ni Marky. Nakinig kami ng mabuti sa plano niya. May utak din pala to. Akala ko puro pera lang bukang-bibig nito.

"Ito ng plano. Alam naman nating nandito lang sa hallway nato si Granny, tapos si Slendrina is Nandito. Tapos yung matangkad na lalaki ay nasa itaas. Tapos yung pandak na babae nagbabasa. Base sa mga nalaman at research ko in terms of conducting a study at sa nabasa ko na one plus one is Magellan, therefore I can conclude that the best way to escape in this Place is to RUN."

"Alam mo! Ang dami mong Alam! Gusto mo itumba kita? " Sigaw ni Klein habang sinasakal si Marky. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung ganayan kahaba ang sagot tapos sa huli iiwan ka din. I mean sa huli tatakbo lang pala ang gustong sabihin.

"Ok guys! Tama na ang daldalan! Narinig nyo siya, tatakbo tayo" Wait, what? Seryoso si Ericson?! Kung sa bagay, hindi naman nila alam na dito kami nagtatgo dahil hindi niya kami nakita kanina.

"Yepeeeey!" Shit! Nagkamali ako! Kanina pa pala sila nagaabang sa labas ng pinto. Kasi naman, sobrang ingay.

"Paano na to? Kailangan natin mag isip ng ibang paraan" bulong ni Roke.

Mr.Guzzman's POV

Nandito na ako sa patag na bahagi ng bundok. Masasabi kong nasa tugatog na ako ng bundok. Masyadong madilim ang gabi, buti nalang ay nadala ko ang keychain ko na may nakasabit na flashlight. Kahit maliit ang sakop nitong liwanag ay sapat na para makakita ako sa aking dinadaanan. Binay bay ko ang kalsadang aspalto. Nanginginig ako dahil sa lamig ng lugar. Mayamaya ay may napansin akong gumalaw mula sa gilid. Sa likod ng makapal na talahib.

Dali-dali akong lumingon at itinutok ang flashlight.
"Sino yan?!" Ngunit walang sumagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad. May kung anong gumalaw na naman sa gilid. Lumingon ulit ako. Paglingon ko ay napa atras ako sa aking nakita! Si-Si Ted! Nasa harapan ng mukha ko at namumutla. Sobrang putla niya. Nakatitig lang siya sa aking mga mata at hindi gumagalaw.

"Bang!" Pinaputokan ko siya. Bigla siyang nawala sa aking harapan pagktapos kong magpaputok. Binalik ko ulit ang tingin sa harapan. Nandoon na naman siya sa gita ng karsada! Nakatayo n siya at ngumingisi. Pero hindu siya gumagalaw! Nanginginig na ako. Mabilis akong tumakbo papunta sa gubat. Alam kong hindi siya si Ted dahil walang tama ng baril ang kanyang ulo.

Slendrina's Dark SECRETWhere stories live. Discover now