Epitome of Hope

121 4 0
                                    


"Lishell Faster!" hannah shouted at me.

We are Running on the hospital hallway, hoping that we will come on time.

but it's too late.

We enter the room and heard a loud and straight ting sound. and from there, we knew that we didn't make it.

"Time of death, 06:14am"

The doctor bowed down as a sign of respect to the patient. We bowed down too and headed the way out.

"I'm sorry, we did everything we can." Doctor Salvador said to the family of the patient. Loud Crying filled the whole hallway, His Mother was crying so hard, her hand is on her chest while stating the name his son repeatedly. We bowed down and say our condolences.

"You may come in ma'am, Excuse me" Doctor Salvador said before he leave.

Tinignan ko ang Lalaking nakahiga sa hospital bed habang naka palibot sakaniya ang pamilya niya, lahat umiiyak, lahat malungkot, lahat Nakikiramay sa pag alis ng isang anghel sa buhay nila.

Ang nanay ng pasyente na umiiyak sa Dibdib niya, paulit-ulit na binabanggit ang pangalan at umaasang maibabalik pa sakaniya ang anak niya. Sabi nga nila, Mas masakit mawalan ng Anak kesa mawalan ng magulang. I feel sorry for what happened. tinignan ko ang nanay niya. Kung ako ay nalulungkot para sa nangyari, paano pa kaya siya.

Nagtungo ako sa nurse station para kunin ang gamit ko at nag paalam kay Hannah dahil mag ouout na ako, Sumakay ako ng elevator, at lumabas ako ng ospital para tawirin ang pinaka malapit na Starbucks. doon ko daw kikitain si Annie.

"Nandito na ako" I texted her nung makarating ako, nakaorder na rin ako ng kape para sakin. Napatingin ako sa bintana nung may marinig akong patak.

"𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘪𝘨 𝘯𝘢 𝘶𝘮𝘢𝘨𝘢" Nakangiting sabi ko bago humigop sa mainit na kape.
nilabas ko ang paborito kong libro, 𝘓𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘥𝘰𝘳𝘬𝘴.

Maulang umaga, Mainit na Kape, at ang paborito kong libro ang kukumpleto sa umaga kong ito.

Nasa gitna na ako ng pagbabasa nung may kumuha ng libro ko.

"Annie give it back"

"Living with the Seven dorks huh? good taste lishell" Ngumiti siya at ibinalik saakin ang libro ko.

"Ang daya mo lish! di mo ko inorderan?" naka ngusong sabi niya. di naman bagay sa kaniya.

"Alangan namang umorder na agad ako, edi lumamig na yung kape mo" Di na siya sumagot, bumili nalang siya ng iinumin niya.

Inubos ko na ang kape ko pati ang tinapay na kinakain ko.

"Ano? sasamahan mo muna ako?" sabi niya nung mailapag niya yung tray ng orders niya.

Napataas ako ng kilay at binalik ang tingin sa binabasa. "para san?" tanong ko

"hala ka gurl! Diba sinasamahan mo ko lagi tuwing umaga para bumisita?" naibaba ko ang libro ko at tumingin sakaniya. Oo nga no, bakit ko nakalimutan yun?

Hinatak ko agad ang bag ko at pinasok doon ang libro, tsaka ko tinungo ang pinto palabas.

"Huy Hintayin mo naman ako!" napalingon ako sa kasama kong umiinom ng kape. "Paano tong kape ko?" sabi niya habang nakaturo sa inumin niya.
"Edi dalhin mo" binaba niya dahan dahan ang Kamay na nakaturo at kumamot sa ulo.

"Good Morning Nurses!" Masiglang bati ni Annie nung makapasok siya sa nurse station sa loob ng pedia room. Naiwan ako sa gitna at hinahanap ang batang lagi kong nakikita. hindi ko siya mahanap, di ko rin naririnig ang tawa. Baka tulog pa siya, uuwi na muna ako.
Naglakad na ako papunta sa pintuan at hinawakan ang door knob, handa na akong hatakin ito nang may narinig akong maliit at mala anghel na tinig.

Collection of Short Stories and One ShotsWhere stories live. Discover now