Epitome of Hope 2

33 2 0
                                    

Diretso siyang nakatitig saakin at tila maluha luha nung makita ako.

"You're absent yesterday" Tumulo ang luha niya kaya tumingin siya sa ibang direksyon.

"Candy missed you" she said.

Hindi ako makagalaw, maraming tumatakbo sa isip ko. Kung bakit namumutla siya, bakit ang laki ng pinayat niya at bakit nasa private room na siya ngayon.

"It hurts, My Shelly" tinuro niya ang suwerong nakatusok sa kaliwang kamay niya na binalutan ng diaper para hindi niya magalaw, pero mas nagulat ako nung dahan dahan niyang inangat ang hintuturo niya at tinuro ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya.

"Rest well first, Candy. We'll be back next time. Take care!" Lumabas kami at Hinatak ako ni Annie paupo sa isang upuan malapit sa labas ng kwarto ni Candy. Hindi parin ako makapaniwala. Napahawak ako sa dibdib ko tila sumisikip ito dahil sa nakita ko. Napatingin ako kay Annie na bakas ang lungkot sa muka.

"Annie, anong nangyari? ba-bakit ganun yung kulay niya? Ba-bakit? A-anong nangyari?" Niyakap ako ni Annie at dun ko nabuhos ang luha ko.

"𝙄𝙣𝙙𝙞𝙫𝙞𝙙𝙪𝙖𝙡𝙨 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙖 𝙢𝙪𝙡𝙩𝙞𝙥𝙡𝙚 𝙝𝙞𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙤𝙛 𝘿𝙚𝙣𝙜𝙪𝙚 𝙑𝙞𝙧𝙪𝙨 𝙄𝙣𝙛𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙝𝙖𝙙 𝙢𝙤𝙧𝙚 𝙩𝙝𝙖𝙣  𝙩𝙬𝙞𝙘𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙧𝙞𝙨𝙠 𝙛𝙤𝙧 𝙙𝙚𝙫𝙚𝙡𝙤𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙇𝙚𝙪𝙠𝙚𝙢𝙞𝙖."

𝘓𝘦𝘶𝘬𝘦𝘮𝘪𝘢...

𝘓𝘦𝘶𝘬𝘦𝘮𝘪𝘢...

𝘓𝘦𝘶𝘬𝘦𝘮𝘪𝘢...

Patuloy na nag echo sa utak ko ang salitang sana hindi ko na sana narinig. Paulit ulit kong inulit ang salita pero hindi pa pumapasok sa isip ko at di parin matanggap ng sistema ko ang nangyayari.

𝘋𝘦𝘯𝘨𝘶𝘦? 𝘓𝘦𝘶𝘬𝘦𝘮𝘪𝘢? 𝘏𝘰𝘸 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦?

"Nung wala ka. Nakikipaglaro kami sakaniya ng taguan, Kasama niya si Shaira sa pagtatago. Ako ang taya nun. Nagulat nalang kami sa biglang pagsigaw. Hinanap namin sila at nakita namin sila sa Cr, Umiiyak si Shaira habang nasa bisig niya nakahiga ang namumutla at walang malay na si Candy"

hindi ako nag salita at hinayaan nalang siya.

"Yung akala nating na admit siya dito dahil dengue lang... Isang malalang sakit na pala."

"How is that possible?" wala akong natanggap na sagot kundi isang malalim na paghinga lang.

"Umiyak ba siya?"

"Nung nagising siya, ikaw ang hinahanap niya."

Ang sakit, naiisip ko palang ang kalagayan niya nanghihina na ako. Paano pa pag narinig kong ako hinahanap niya nung panahong nahihirapan siya?

humarap ako sakaniya at pinahid ang luha ko.

"Let's visit her later. I wanted to make her happy despite of her illness"

"Alam ko kung bakit sobrang lapit mo sa bata, Lishell"

Natahimik ako, Alam ko rin kung bakit. pero hindi pa ako sigurado sa iniisip ko.

"Tara na time in na"

Buong araw na shift ni Annie, nasa gilid lang niya ako. minsan sinisilip ko si Candy, mabuti at nakangiti na siya ngayon at tumatawa na kahit ganun ang kalagayan niya. Umuwi ako saglit para magpahinga. Mamayang gabi magsisimula na shift ko hanggang madaling araw.

Collection of Short Stories and One ShotsWhere stories live. Discover now