Kabanata 1

724 25 12
                                    

***

[SIMULA]

MAYABANG na hinubad ni Miggue ang kaniyang helmet na noo'y dahilan upang malaglag ang kaniyang mahaba't alon-alon na buhok. Nagsisigawan ang lahat ng kaniyang tropa sa kabilang banda habang walang humpay naman na umuugong ang ibang motor na hindi pa nakakarating sa finish line.

As always, Midnight Green Romero trash her dirt to those trying hard riders who wanted to beat her down. Walang panama ang lahat ng nasabing kalahok sa three minutes and six seconds na flash elapse niya sa one hundred meter dash na pagpapaharurot ng kaniyang BMX black phoenix na motor na minana pa niya sa kaniyang amang si Cloud Romero. As a Romero dominant blood, she had all the criteria to nudge in her fist those low-profiled folks in all terms. Mapa-karera, sa studies at sa kaniyang personal stuffs na isang alta-society heiress. Nasa kaniya na ang lahat. Yaman, kagandahan, katalinuhan at pamilyang halos sinasamba sa pulo ng Cebu.

Her daddy Cloud owned the largest seaport in the said island. Habang ang mommy Windy niya ay isang philanthropist na tumutulong sa kahit anong kawang-gawa mapalabas o loob man ng bansa. They are just like that. Well, sabi kasi ng lolo Storm at Lola Summer nila noon, mas mabuti raw na magtanim ng mabubuting binhi para raw may aanihin rin na positibong tagumpay balang araw.

Bilang isang Romero, Midnight Green had to elevate herself to someone na dapat may mapatunayan, gaya ng mga pinsan niyang sina Avery at Ashley na may mga magaganda nang trabaho ngayon. Samantalang ang anak naman ng tita Cali at Tito Ace nilang sila Anna Lyse at Anna Rose ay may kaniya-kaniya na ring diskarte sa pag-abot ng mga pangarap nito. All their comrades are step higher beyond perfection, so they were.

Sila ng kakambal niyang si Mikee ay may kani-kaniya ring landas na tinatahak, at heto nga siya bilang isang sikat na karerista ng bansa. She is more prone to that lifestyle.

Mausok, maputik, magulo at pinapalibutan ng iba't ibang engine ng motor o sasakyan. She's a graduate of Mechanical Engineer and she proceed to master some Exterior Engine Chemist. Wirdo mang pakinggan na ang isang dilag na gaya niya ay nasa ganoong bucket of list, well, ganoon lang talaga siya.

She's out of sweet-flavoured na kinasanayan ng angkan nila. Mas ang kakambal niyang si Mikee ang nasa ganoong style. Tipid, mahinhin at binibining-bini kung kumilos. Siya naman ay spicy and hot, she's more outrageous at pakawalang dalaga na mas nanaisin na masugatan at madumihan.

The more it hurts, the more it's cooler to endure. Nasanay na kasi siya sa ganoong bagay. Siya lagi ang inaasahan noon sa kanilang dalawa ng kaniyang kambal. Mas brusko at palaban siya kung maituturing at mismong nagtatanggol sa kaniyang may pagka-prone sa bullies na si Miggue. She's her knight in shining armour sa kakambal niya.

Kung may ayaw man si Miggue sa tanang buhay niya, iyon ay ang inaapi at sinasaktan ang kakambal niyang si Mikee, mahal na mahal kasi niya ang kapatid niyang iyon. Sabi nga dati ng momy Windy niya sa kanila noon muntik na raw silang mawala na tatlo dahil sa kumplekasyon sa panganganak ng mommy nila. Pero himalang nabuhay sila dahil sa dasal ng kanilang mapagmahal na amang si Cloud. And that's why they treasured each other, aside sa pagiging kambal, kakosa rin kasi niya si Mikee sa lahat ng trip niya at isa na doon ay ang pagtakas niya sa mansion nila para lamang makipagkarera sa dis-oras ng gabi.

Nang makuha na ni Miggue ang kaniyang trophy ay masaya niyang itinaas ito at sinipat ang kaniyang budbro na si Shigoy.
"Shin! Panalo!" Sigaw pa niya sa tropa na naka-thumbs up pa.

Tanging pagsipol lamang ni Shigoy ang narinig niya at malakas na palakpakan ng kanilang grupo. "Ang galing mo 'tol!" Sigaw pa ni Shigoy sa kaniya na ikinukumpas pa sa ere ang kaniyang hinubad na T-shirt at tila pinagyayabang sa madla na tropa siya nito.

Rampage Alta Sierra Society | Part Of Me🔞Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ