Kabanata 3

353 21 9
                                    

***

[Together ]

MAGKAYAKAP sina Cloud at tita Darlene nila sa bahaging iyon ng resort sa mga oras na iyon. Matagal tagal na rin kasi silang hindi nagkikita na magpinsan. Tanaw nila Miggue at Mikee ang kaganapan na iyon habang abala sila sa paglilibot mula sa balcony ng second floor ng hotel resort ng kanilang Tito Flinn at Tita Darlene.

"Hey freaks!" Sabay na narinig nila Miggue at Mikee ang boses na iyon mula sa kanilang likuran. Kapwa sila napalingon sa mga oras na iyon sa bahaging iyon.

"Triz!" Tili pa ni Miggue sa kanilang pinsan. Magkasabay na dinambahan nila Miggue at Mikee ang pinsan nilang iyon.

"Ahhhh-!" Tili pa ni Triz sa dalawang pinsan niya dahil pinagkakaisahan na naman siya ng mga ito gaya ng dating gawi ng mga ito. Nakasanayan kasi nila itong e-WWE wrestling noong kabataan pa nila, and as a matter of fact, lagi itong natatalo sa kanilang dalawang kambal. Nasa kalagitnaan sila ng pagkakatuwaan ng biglang may narinig na naman silang nagsalita.

"Yuck, mga bakla!" Sita ng nakababatang kapatid ni Triz na si Vio. Ang isa pa nilang pinsan na gaya ni Triz ay may pagka-bully rin.

Napangisi na lamang si Mikee at Miggue sa mga oras na iyon at gaya ni Triz ay dinambahan din nila agad ito ng kanilang power hug at magkasabay na hinalikan ng magkasabay ang bagong dating.

"Ahh, no..no..no." Naiiritang sambit ni Vio na alam na alam naman nilang ayaw na ayaw nito ang ganoon na eksena. But as evil twins, nasisiyahan silang pikunin ito sa pamamagitan ng ganoong paraan. "I missed you, baby Vio!!" Sabi pa ni Miggue habang kinukurot ang pisngi ni Vio.

"Ah, stop that ate Migz!"

"Ang kyut-kyut mo pa rin!" Sambit naman ni Mikee na hindi pa rin tinitigil ang paghalik sa pisngi ng binatilyo.

"Ahh-! Stop it ate Mike!"

Pero imbes na tumigil ay nagyakapan na lamang silang apat sa bahaging iyon nh balcony only to found out na kanina pa pala sila tinitingnan ng kanilang mga magulang. Naroroon sa kabilang banda sina Darlene na kahawak kamay si Flinn. Naroon din si Windy na nakangiting nakahilig sa braso ng kaniyang asawang si Cloud.

"They're perfect..".

"Yes. Perfect treasures of Romero.."

"-and Driblim." Dugtong naman ni Flinn.

"Yes." Pinal na sang-ayon ni Darlene.

***

Nasa tabing dagat silang lahat sa mga oras na iyon habang naghahapunan. Sabay-sabay silang kumakain sa clubhouse resto ng resort ng mga Driblim habang tanaw ang hindi kalayuan na bonfire. Nakikita rin nila ang mangilan-ngilan na mga Tao sa resort na iyon. Naroroon kasi ang mga turistang kabababa lamang ng barkong 'Felomina' na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila Flinn at Cloud, ang pamilyang Robertson.

Tumatanggap kasi ng mga panauhin ang resort ng mga Driblim, mapa-sea based or mapa-land base man na turista.

"Robertson will be staying here for a week, dude." Litanya pa ni Flinn kay Cloud.

"Good. Sino ang in-charge ngayon?" Si Cloud.

"Ang youngest ni Michael."

"Sino? Si Gabriel?" Pabalik na tanong ni Cloud kay Flinn. Sila lamang ang nagsasalita sa mga oras na iyon. Habang abala naman sina Mikee, Miggue, Triz at Vio na nagkukulitan sa kabilang banda ng hapag.

"No.. It's Ezekiel." Seryosong sambit ni Flinn kay Cloud.

"Oh, that boy?" Makahulugan na sinipat nilang dalawa ang distansya ni Mikee. Alam kasi nilang matagal nang magkaibigan ang mga ito at gaya nga ng napag-usapan noon..

Ezekiel and Mikee are tied together since they were five years old. Kung hindi sila nagkakamali, ang huling pagkikita ng mga ito ay noong naglabing-sais na si Mikee sa Basilica habang sila ang nagki-cater sa nasabing thanks giving sa nasabing lugar.

A Romero and Robertson family was an allied family since then, kaya hindi kataka-takang napagkasunduan nila Helena at Michael na ipagkasundo ang anak nilang si Kiel kay Mikee na siyang bunso rin sa kambal na anak nila Windy at Cloud.

"They're now perfect for a proposal, bud. Handa na ba si Mikee mo?" Pag-uulit pa na tanong ni Flinn kay Cloud.

"I guess." Tipid na sagot ni Cloud kay Flinn.

"Hon, ano sa palagay mo?" Pagtatanong pa ni Cloud sa asawang si Windy.

"Hmm.. Hindi ko alam, just ask Mikee." Sabi pa ni Windy sabay subo sa kutsara ng ice cream niya.

"How about you, Flinn? Handa na ba si Triz na makilala ang fiancee niya?" Pag-iiba pa ni Windy sa kanilang topic.

Muntik nang mabulunan si Flinn at Darlene sa tanong na iyon ni Windy. Alam kasi nilang hindi pa handa si Triz na malaman kung sino ang napupusuan nilang makapareha nito para sa kaniya. At kung meron mang posibleng lalaki na pwede sa anak nilang iyon. Iyon ay walang iba kundi ang anak ni Axell na si Wayne.

Si Wayne lang kasi ang nakaka-kontrol sa attitude ni Triz na dinaig pa ang ugat ng pagiging Driblim ni Flinn. Namana kasi yata ni Beatriz ang attitude ng lolo Brenox niya na mismong ama ni Flinn. Pero sa tulong si Wayne, Beatriz can control her temper. At si Wayne lang ang nakaka-alam kung paano iyon.

"Dad, Mom..maglalakwatsa muna kami.." Si Triz na noo'y hinahatak sa kung saan sina Mikee at Miggue."

"Okey, but don't be silly, okey. I'll eyed on you, young lady." Si Flinn habang naka eye to eye sign sa anak niya.

"Yeah. Yeah. I know, dad." Maarteng sambit ni Triz na tinahak pa ang ama niyang si Flinn para humalik sa pisngi nito.

Kung may kahinaan man ang mafia boss ng Debrovnik, Croatia aside of his queen na si Darlene, iyon ay ang nag-iisa niyang prinsesa na si Beatriz.

Matapos magpaalam nila Triz at ng mga kambal ay tinawag ni Flinn si Vio na noo'y nakakunot-noo.
Alam kasi nito ang sasabihin ng ama niyang si Flinn.

"Hey, bud. Sundan mo ang mga ate mo. Okey?" Si Flinn kay Vio.

"Ugh..okey dad." Napabuntung-hininga na lang Vio sa kaniyang ama.

"C'mon on here, babe." Sabi pa ni Darlene sa bunsong anak niya.

Agad namang lumapit si Vio sa ina niya na noo'y naka open arms.
"I love you, son." Ani Darlene sa anak.

"I know.." Tipid at pagsisinuplado pa ni Vio sa Ina. Tinahak agad ni Vio ang daan papunta sa bahaging iyon habang no choice na sundan ang kapatid na si Triz at ang pinsang sina Miggue at Mikee.

..itutuloy.

Rampage Alta Sierra Society | Part Of Me🔞Where stories live. Discover now