Kabanata 5

323 16 0
                                    

***

[Headnews]

KAGIGISING lang nila Miggue at Mikee sa oras na iyon habang wala sa ayos ang kanilang kagamitan at kasuotan na tila dinaanan ng bagyo o sakuna sa nagdaang gabi. Agad na napabalikwas si Mikee at napasapo sa kaniyang sariling noo.

"Dyoskong mahabagin?!" Napalinga-linga pa si Mikee sa paligid habang noo'y niyuyogyog ang balikat ni Miggue.

"Gising Miggue!" Aniya habang hindi alam kung ano ang uunahin sa kwarto nila. Bukod kasi sa mga bedsheet na nasa sahig at mga cotton mula sa kanilang unan na nagkalat, ay naroroon rin ang mga bote ng alak na hindi nila alam kung saan nanggaling at kung ano ang naganap last night. They're fucking clueless about what happened.

"Ugh. Ano ba kasi.." Sabi pa ni Miggue na kinakamot pa ang ulo habang marahang bumalikwas sa hinihigaan.

"Whatta—" she mouted while turning her head around on each corner of their room.

"Anong nangyari?" Walang ka ide-ideyang tanong ni Miggue kay Mikee.

"Ewan ko.. pareho nga tayong kagigising lang 'di ba?" Naiiritang tumayo si Mikee at hinanap ang telepono niya.

"Nasaan ang phone ko, Migz?"

"Ha? Nawawala nga rin sa'kin 'eh." Tumayo na rin si Miggue at gaya ni Mikee ay aligaga silang naghanap sa kani-kanilang mga kagamitan.

"Wait? Nasaan si Triz?" Natigilan silang dalawa sa mga oras na iyon. Habang hindi pa rin malaman kung nasaan at kung anong nangyari sa kanilang last night.

"Patay tayo kina mom.." Usal pa ni Mikee na siyang may pinaka-nerbyosang attitude sa kanilang dalawa.

"Chill 'lil sis. Wait lang.." Miggue raised her hands na parang nag-stop-look-and-listen gesture.

Mayamaya pa ay may narinig silang pag-flush ng banyo at doon nga'y iniluwa ang wala sa ayos na pigurang si Triz.

"Triz!" Pasigaw na sambit ng kambal sa kanilang pinsan.

"Ey yow. What the fuck?" Sabi pa ni Triz sa kanilang dalawa na tila nakakita ng multo.

"What the fuck happened last night?" Asik pa ni Miggue sa pinsan. Pero bago pa magsalita ay naupo muna si Triz sa kalapit na Cleopatra couch nila. "Chill, Green. Nandito tayo sa kwarto ko, and about last night.. uminom tayong tatlo while making pillow war." Sabi pa niya sabay turo sa mga wasak na unan.

"And.. About your phones, kinuha ni Vio lahat and of course gaya pa rin ng dati—pinasundan nila dad tayo kagabi kaya andito tayo ngayon. They locked us up so hindi tayo gumala sa labas." Sabi pa ni Triz na tamad na sinipat ang balcony niya.

"Look outside, it's now 8 o'clock. I'm sure natapos na ang surfing competition sa may baywalk." Nakangusong sambit ng pinsan nila.

"Surfing?" Nagniningning na sambit ni Mikee kay Triz. Tumango-tango lang naman si Triz kay Mikee.

"Tsss. Whatever." Anas pa ni Miggue na bumalik sa pagkakahiga at pagod na nagtakip ng unan sa kaniyang ulo.

"Hey! Migz diba gusto mo ang extreme sports?" Si Triz.

"Yeah. But I'm tired right now. Bahala na kayo r'yan!" Sabi pa ni Miggue na nami-miss ang tropa niyang si Shigoy at ang boyfriend niyang si Sherwin. And of course, ang kaniyang kaharian sa mudtrack race.

Naiwan si Miggue sa kwarto ni Triz habang sina Triz at Mikee naman ay lumabas para mapuntahan ang kanilang mga magulang na nasa ground floor.

Pagod na bumalikwas si Miggue sa kinahihigaan niya at nagmuni-muni sa kaniyang sarili. She's now an adult teenager na may napatunayan na sa kaniyang degree and of course, sa kaniyang trophy and medals when it comes to her passion—ang racing.

Mayamaya pa ay may narinig siyang sumisigaw sa kabilang room kaya naman madali siyang lumabas ng balcony at doo'y naki-usyuso. Idinikit niya ang kaniyang tenga sa pader at mala-Sherlock Holmes na naki-usyuso roon.

"You can't force me dad, ayokong makasal sa babaeng hindi ko kilala.." Dinig pa niya sa binata sa kabila.

"I will not marry anyone, dad. Ayokong magaya kay kuya Gabriel." Sabi pa nito sa kabila na tila kausap lamang ang kung sino sa telepono.

"Bye dad. I love you and mom..But I'm hundred sure about this. Okey?" Iyon ang huling dinig niya sa kabilang kwarto at mayamaya ay nahinto na rin iyon. Wala sa sariling napatakbo ulit siya sa looban ng kwarto at napasalampak sa higaan ni Triz.

Napaisip tuloy si Miggue sa kaniyang sarili kung magiging ganoon din kaya siya sa hinaharap lalo pa't isa siyang Romero at kabalikat ng pagiging Romero ay ang pagpapatali sa kapwa mga aristokratang pamilya na makakabuti sa samahan ng industriyang mayroon sila.

Paano na lang si Sherwin?
Palatak na tanong ng isipan niya.

Mahal na mahal niya ang kaniyang boyfriend and of course, mahal na mahal rin siya nito as his girlfriend. Napapaisip na lamang siya sa posibilidad na paano na lamang kapag dumating ang puntong iyon. Paano kaya niya haharapin ang consequences at maipagtatanggol si Sherwin bilang lalaki sa buhay niya.

Napapikit na lamang si Miggue sa mga oras na iyon at nagdesisyong tumayo at pumunta ng labas. Wala siya sa ayos habang tinatali ang kaniyang mahabang buhok nang hindi niya mapansin na may nabangga siyang lalaki na naka-suit at tila nagmamadali ring naglalakad sa kaniyang daraanan. Pero hindi man lang ito lumingon sa kaniyang gawi at humingi ng paumanhin. Hindi rin niya ito namukhaan dahil sa suot nitong black shades at sa mabilis na pangyayari.

"Shit." Anas pa ni Miggue sa lalaking bumangga sa kaniya ng malayo-layo na ito sa pasilyong iyon.

Inis na tinungo ni Miggue ang kwarto ng mommy at daddy Cloud nila pero wala roon ang pamilya niya.

"Nasaan naman kaya sila?" Palatak niya sa sarili habang nilinga-linga niya ang kabuuan ng kwarto. Doon din ay nakita niya ang kaniyang shoulder bag niya at dali-dali niyang kinontak ang bff niya.

Si Shigoy.

Nang mag-ring iyon ay napangiti siya nang marinig ang boses nito. "Dong! Aymisyu na!" Bungad niya kay Shin.

Matagal pa kayo riyan?

"Ewan ko kina dad. Gusto ko na ngang umuwi 'eh."

Alam mo 'bang hinahanap ka ni kuya.
Nag-pause ito saglit at hindi umimik.

"Anong sinabi mo?" Tanong pa ni Miggue kay Shigoy.

Sabi ko nagbakasyon kayo nila Tito.

"Tapos?"

Sabi n'ya nami-miss ka na raw n'ya..
Mababang boses ni Shigoy.

"Eh ikaw?" Pagmiminaldita pa ni Miggue sa tropa.

Syempre. Pero mas nami-miss ko si..
Hindi pa natuloy ni Shigoy ang pagsasalita nang biglang may nagsalita sa likod ni Miggue.

"Migz.. sino 'yang kausap mo?" Boses ni Mikee.
Agad na nilingon ni Miggue ang kakambal na noo'y may dalang wakeboard ng daddy Cloud nila.

"Saan ka galing?" Tanong pa ni Miggue.

"We're all outside. Nagpapaligsahan sina Tito Flinn at daddy Cloud sa pagwe-wakeboarding. Tara halika, punta tayo r'on."

Kaya pagkatapos nilang mag-ayos saglit ay hawak-kamay nilang tinungo ang labasan. For they all know kung ano na naman ang trip ng daddy Cloud nila kasama ang Tito Flinn nilang hindi rin nagpapatalo sa larong iyon.

..itutuloy.


Rampage Alta Sierra Society | Part Of Me🔞Where stories live. Discover now