CHAPTER 07

172 132 0
                                    

NATULUGAN ng kapatid ko ang pag iyak. Nalulungkot ako pero hindi magawang sabihin o iparamdam yun lalo na sa kapatid ko.

Gusto kong ako ang maging lakas nya tuwing nanghihina sya, Gusto kong ako ang maging matatag kesa sakanya.

" Napagod rin siguro sya sa byahe" natauhan ako sa pag iisip, Hindi ko napansing nasa kwarto ko na pala kami at tinitignan ko ang kapatid kong mahimbing na natutulog.

Munit hindi katulad kanina, hawak nya ang kamay ko. Sobrang higpit non na para bang ayaw nyang mawala ako.

"Mella..." napatingin ako kay kristine nung hawakan nya ang isa ko pang kamay. bakas ang pag aalala sa boses nya, munit ang mga mata nya'y naaawa.

napangiti ako munit halatang peke yun.

" Ayos lang ako kristine, Dont worry." ngiti ko pa, alam kong hindi sya naniniwala sa sinabi ko.

Pero kilala nya na ako. alam nyang hindi ko kayang ipakita sakanila ang nararamdaman ko.

" Hindi tuloy tayo nakapag gala." maya maya ay nagsalita ulit si kristine, at doon ay bahagya akong napangiti.

" yeah."

" excited pa man din syang pumunta dito"

Alam kong kahit hindi sabihin ni kristine, ay yon talaga ang iniisip ko.

hindi na muli syang nagsalita kaya hindi na rin ako nagsalita.

nanatili ang katahimikan sa pagitan namin, alam kong nirerespeto nya ang pag iisip isip ko.

napabuntong hininga ako. At doon ko lang ulit naalala ang nangyari kanina.

kung paano ako tignan ni chipmunk na para bang nandon sya, pinanood ang emosyong hindi ko man malabas ay naramdaman nya. pero ang gumaang pakiramdam ko ay hindi ko alam kung paano.

Sa simpleng tingin nyang yon, Paano nya napagaan ang pakiramdam ko?

lalo akong napabuntong hininga dahil sa naisip ko. Para bang pasan pasan ko ang buong mundo mula sa likod ko kahit na wala pa ang pinagdaraanan ko kesa sa iba dyang naghihirap talaga.

tsk, gusto kong mawala nalang bigla.

Gusto kong magpahinga,  yung pahingang wala nang mang-gigising sakin dahil hindi na nila kaya.

Yung pahingang kahit ihagis pa ako sa bangin ay hinding hindi na ako magigising.

pero kasabay non ay ang konsesyang unting unting sumusipol sa puso ko.

Alam kong gustuhin ko man ay hindi ko naman magagawa.

maliban sakin, ay walang takbuhan ang kapatid ko tuwing pagod syang mag aral. bukod sakin, wala na syang makukuhanang lakas.

At bukod sakin, Alam kong wala nang magpapasaya sakanya.

Hinaplos ko ang buhok ng kapatid ko.

sa mura nitong edad, paano nya nagagawa at pinipiling malakas?

alam kong hindi ko hawak ang isip ng kapatid ko, pero hindi tulad ko. pinapakita nya ang nararamdaman nya.

Ang lalaki sa larawanWhere stories live. Discover now