CHAPTER 14

131 107 1
                                    

"- HAHAYAAN mo nalang syang kumulo at dapat malambot na rin ang chiken, then tapos na"

napatango sya, naintindihan nya ang instructions nito atsaka hindi naman naging ganon kahirap ang cooking lesson na ginawa nya dahil nasa tabi nya naman si chipmunk-

yun nga lang hindi nya alam kung sakanya lang ba naging madali, dahil napapansin nyang ilang beses ngumingiwi si chipmunk na para bang nauubos na ang pasensya sakanya!

Psh, hindi rin naman kasi rin ito magaling magturo- hindi pro!

tsaka normal lang naman magkamali Hindi ba? hahaha!

" Tatango ka na naman dyan, tapos mamaya ay hindi mo naman pala alam kung anong gagawin" nakangusong sabi nito.

Tinaasan nya ito ng kilay.

"Hindi ka rin naman ganon kagaling magturo!" inis nyang sabi.

"Anong hindi ka dyan? Hindi ka lang kamo nakikinig"

"Pano naman ako makikinig e ang lapit lapit mo!"

natigilan ito, at natulala kung saan!, Napairap sya tsaka bumuntong hininga.

"Huwag kang assuming okay? Sadyang sa sobrang lapit mo literal na di ako makakagalaw!" inis na sabi nya.

Napa oh naman ito na para bang nagets nito ang punto nya.

"Gets?" inis nyang tanong, at tumango ito.

Agad itong lumayo at nagbigay ng distansya sakanilang dalawa.

"Nga pala.."

"Ano yon?"

"Hindi ka pa pala nagsasaing?"

"Eh? Akala ko may sinaing na?"

"Hindi ba't sinundo pa kita sa itaas?"

"Edi hindi ka pa nagsasaing?"

"Oo, hindi pa nga. Nakalimutan ko"

"Ba't naman kinalimutan mo?"

"Sorry naman, Magsasaing nalang ako ngayon"

"Kung kaylan paluto na 'yong ulam?"

"Oo, pwede pa naman"

"Tsk, bat kasi sinundo mo pa ko don nang di nag sasaing."

"Nangyari na e, magsasaing lang muna ako. Bantay ka muna dyan ah?"

tumango lang sya at narinig nya ang mga yapak ni chipmunk papaalis.

bumuntong hininga sya bago tinanggal ang takip ng kaldero.

Ang sabi ni chipmunk, kapag kumulo na hindi ba? hmm..

" TAPOS KANA BA camilla?" agad na napalingon sya paharap kay chipmunk dahil sa gulat

Hawak nya ang takip ng kaldero sa isang kamay habang ang isa naman ay pang sandok. Nanlalaki pa ang matang nakatingin sya kay chipmunk na nakakunot ang noo sakanya.

Ang lalaki sa larawanWhere stories live. Discover now