CHAPTER 12

113 106 0
                                    

NATAPOS ANG MAGHAPONG puro lakad lang ang ginawa nila.

Talaga namang pangmalakasang paglilibot ang ginawa nila sa buong Moa.

Tingin roon. tingin rito.

Turo roon, turo rito.

Pahinga roon, at pahinga rito.

Simple man ang ganong gala nila, hindi pa rin nila maiwasang tumawa't maging masaya

Minsan kase ay nakakaisip ng kalokohan ang dalawa nyang kasama at nadamay pa ang driver nila na hindi nya napansing kasame vibes na pala nitong tatlo!

Well, hindi na nakakapagtaka dahil for 5 years ito na ang nagmamaneho sa kapatid nya tuwing nandito ito sa pilipinas

"Annyeonghaseyo!" bati ng bunso nyang kapatid sa isang babaeng mukhang waitress sa isang japanese restaurant sa loob ng mall!

Napa-facepalm nalang sya dahil roon.

Ayun yung sinasabi nitong pangtritrip, papasok sya sa chawking o kahit ano mang restaurant at babatiin sila ng word na pangbati sa korea.

"Tama na nga yan" saway nya na naman sa kapatid bago hinila.

nakakahiya talaga silang kasama, pero of course mag eenjoy ka rin.

NASA gilid na sila ngayon ng dagad kung saan may harang na pwe-pwede kang umupo.

Gabing gabi na at sobrang pagod na ng paa nila, Nanood pa kase sila ng show na laging narito at nagsisimula ng mga 7 pm ng gabi.

"Ate, Did you enjoy tonight?" tanong ng kapatid nya habang sama-sama silang nakaupo sa may seaside ng moa.

ah basta, may isang harang doon na pwe-pwede mong upuan habang tinatanaw ang magandang karagatan.

(Basta, kung nakapunta na kayo. Alam nyo na yun haha)

"Of course, why wouldn't i?" nakangiting sagot ni camilla sa kapatid.

totoo naman yun, nag enjoy talaga sya.

Lalo na ngayon, dahil nakikita nya mula sa malawak na kalangitan ang bwan at mga bituin.

Pero sa totoo lang. Iniisip nya kanina pa na katulad ng bwan, kahit ang dami nyang kasama nalulungkot pa rin sya dahil minsan wala syang kasama.

Naging mapait ang ngiti nya, at yun na naman ang malalim na buntong hininga nya.

"Ate, you said na you enjoyed. But you lo--"

"Christian, gusto mo bili tayo ng food?"

hindi nya alam munit pansin nyang sinadyang putulin ni kristine ang kapatid nya para hindi matuloy ang tanong.

Pero hindi nya na ito nilingon.

"Hmp! Okay!" parang napipilitang ani ng kapatid nya. "Ate! We will buy some food for us ha? And manong driver! you will wait for us too, bantayan mo yung ate ko ha?" parang matandang sabi nito na tinanguan nya lang.

Kahit maingay, alam nyang nakaalis na ang dalawa dahil sa sobrang ingay ng kapatid nya na paunti-unting lumalayo ang boses.

Napabuntong hininga sya bago tinignan ang buildings na nasa dulo ng dagat.

Ang lalaki sa larawanWhere stories live. Discover now